Chan's POV
Unti unti kong iminulat ang mga mata ko.. Pakiramdam ko ang sakit sakit ng buong katawan ko at uhaw na uhaw ako.. Gusto kong igalaw ang katawan ko pero hindi ko magawa.. Ang bigat nang pakiramdam ko na parang may dumadagan sa akin.. Una kong nasilayan ang maputing kisame.. Nasa langit naba ako? Patay naba ako? Yan agad ang una kong naisip.. Pinilit kong magsalita dahil nauuhaw talaga ako.. Gusto kong uminom ng tubig..
" T-tu-b-big " parang bulong lang ang lumabas sa bibig ko.. Pinilit kong igalaw ang mga daliri ko.. Isa isa hanggang sa lahat na ng daliri ko nagalaw ko na..
" T-tu-b-big " sabi ko ulit na pinilit kong maging malakas para may makarinig..
" Chan.. Oh my god.. Chan si Mama mo ito.. " narinig ko si Mama.. Kaya iginala ko ang paningin ko kaya nakita ko sya sa tabi ko at umiiyak.. Katabi nya si Papa.. Hinawakan nya ako sa magkabilang pisngi..
" Oh sweetie.. Thanks god nagising kana.. " sabi pa nya.. Napakunot noo ako at pilit inaalala ang nangyari.. Isa isang nagflashback ang lahat.. Ang pagkawala ni Sandy.. Ang sleeping pills.. Ang pag'inom ko sa lahat ng gamot na iyon.. Ang pagtakas ko sa sakit na nararamdaman ko.. Ibig sabihin buhay pa ako.. Napapikit ako at hinayaang dumaloy na naman ang luha sa pisngi ko.. Naramdaman ko na naman ang sakit.. Bigla na naman ako nawalan ng ulirat..
Nagmulat ako ng mata at naramdaman na may humahawak sa kamay ko.. Pagbaling ko sa kaliwa nakita ko si Papa na nakayuko..
" P-pa.. " tawag ko sa kanya.. Nag'angat sya ng ulo at nagtama ang mga mata namin.. Ngayon ko lang nakita si Papa na may lungkot sa mga mata.. Kilala ko kasi sya na kontrolado ang lahat.. Na walang hindi makakaya kapag sya na ang gagawa.. Pero ibang tao ang nakikita ko ngayon..
" Why did you do this Chan? " mahinang tanong niya.. Ramdam ko ang hinanakit sa tinig niya.. Hindi ako nakapagsalita..
" Naiintindihan ko ang pinagdadaanan mo.. Naiintindihan namin.. But doing this to your own life is not acceptable Chan.. Hindi mo ba naisip na masasaktan kami ng Mama mo sa ginawa mo? " sabi nya na nagpaluha na naman sa akin.. Ngayon ko lang napagtanto ang ginawa ko..
" Specially your Mom.. Nasaktan sya dahil hindi mo man lang kami inisip ng ginawa mo sa sarili mo ito.. You are our only child.. Our only son.. How could you do this to us? " puno ng hinanakit na sabi nya..
" Im so sorry Papa.. Im so sorry.. " sabi ko habang umiiyak.. Hinawakan nya ako sa balikat..
" Hindi lang si Sandy ang pamilya mo Chan.. Nandito pa kami ng Mama mo.. Alam ko masakit na nawala sya.. Pero hindi naman kailangan sumuko agad.. Hindi tayo titigil hanggat hindi sya nakikita.. We will do everything in our power son.. Just don't give up.. Just don't give up.. " sabi pa nya na may luha narin sa mga mata..
" Sorry Papa.. Sorry.. " niyakap nya ako ng mahigpit habang umiiyak.. Napaka selfish ko.. Hindi ko man lang naisip sila Mama.. Tama si Papa hindi dapat ako nag'give up.. Gagawin ko ang lahat para makita sya.. Ano pang silbi ng pera ko kung hindi ko yun magamit sa paghahanap sa asawa ko.. Gagamitin ko ang pangalawa kong buhay para hanapin si Sandy.. Even if it takes forever..
----------------------------------------
Nalaman kong si Kai pala ang nakakita sa akin ng araw na yun.. Nasa labas lang pala sya nun sa cottage ko at ng hindi na ako sumagot sa pagtawag nya sa akin tinawag na nya ang mga namamahala ng resort at pinabuksan ang cottage ko..
Isang buwan na akong nakauwi sa bahay simula nung ma'ospital ako.. Si Papa ang umayos sa paghahanap kay Sandy.. Si Mama naman halos nadoble pa ang pag'aalaga nya sa akin.. Nakita ko ang effort nila para tulungan ako.. Kaya nakapag'decide na akong ituloy ang buhay.. Alam ko sa puso ko na makikita ko parin si Sandy.. Alam ko iyon..
BINABASA MO ANG
A Heart Won't Forget (COMPLETED)
RomanceMakakalimot man ang isip pero hindi kailanman ang puso. Isang trahedya ang sisira sa maganda na sanang takbo ng relasyon ng dalawang taong nagmamahalan. Samahan sina Chan Yuri De Guzman at Sandara Gatchalian sa kanilang kwento. The story of a husb...