Chan's POV
It's been two weeks.. Fucking two mesirable weeks na wala akong ginawa kundi nakatanaw lang sa dagat na para bang may hinihintay.. Last week pa tumigil ang mga rescuer na hanapin si Sandy dahil wala raw silang makita.. Naalala ko nung sinabi nila na titigil na sila sa paghahanap.. Nagwala ako.. Nasuntok ko pa ang pinaka leader nila.. Mabuti nalang at nandoon si Kai at si Dad.. Kung hindi baka nakapatay ako.. Gusto na nila akong iuwi sa bahay pero ako ang nagpumilit a maiwan.. Iyak ng iyak si Mama non habang tinitingnan lang ako.. Pumunta din agad dito ang parents ni Sandy at wala akong ginawa kundi ang umiyak lang ng umiyak sa harap nila.. They never blame me for what happen.. But I blame myself.. Ako ang may kasalanan.. Kung hindi ko lang talaga sya pinayagan na maligo ng gabing yun baka nandito pa sya sa tabi ko ngayon..
Napakabilis nang mga pangyayari.. Na sa sobrang bilis para bang kakaposin ako ng hininga.. Hindi ko matanggap ang sinasabi nila na wala na si Sandy.. Nangako sya na hindi nya ako iiwan.. At naniniwala ako doon.. Hinayaan ko lang ang mga luha ko na dumaloy na naman sa pisngi ko.. Araw araw nalang akong ganito.. At parang habang buhay ko na itong gagawin.. Ang umiyak.. Nakakabading nga eh pero sabi nga nila hindi mo naman makokontrol ang feelings.. Lalabas at lalabas yun.. Iiyak at iiyak ka rin dahil ang sakit sakit na..
" Dude.. " si Kai.. Hindi ko sya nilingon.. Sya ang nagpaiwan ng magdecide akong magpaiwan dito.. Naramdaman kong umupo din ito sa buhanginan di kalayuan sa kinaupoan ko.. Nakatingin din sya sa dagat..
" Tumawag si Manager kanina.. Sabi may ba'back'up'an na naman daw tayong artista.. And this time magiging regular na raw yung group natin sa isang noon time show.. " sabi nya.. Hindi ako nagsalita.. Gago na sya? Sa tingin nya makakapagsayaw pa kaya ako ng maayos sa lagay ko ngayon?
" Dude alam mo namang hindi makakapagsayaw ang grupo kung wala ka.. " dagdag pa niya.. Marahas kong pinahid ang mga luha ko..
" Gusto ko ng mag'quit sa grupo.. " sabi ko na ikinalingon nya.. Alam kong nakakunot ang noo niya..
" Are you kidding dude? Alam mong ikaw ang tinitingala ng grupo.. Ikaw ang center of attraction.. Hindi ka pwedeng mag'quit nalang ng basta basta.. " sabi nya.. Tiningnan ko sya ng masama..
" Sa tingin mo ba gustohin ko pang magsayaw sa nangyayari sa akin? Dude alam mong wasak na wasak ako ngayon.. Wasak na wasak to the point na gusto ko ng wakasan ang buhay ko! " tumulo na naman ang luha sa mga mata ko.. Damn! I can't control it.. Nakita kong tumayo si Kai at tiningnan din ako ng masama..
" Sige magpakamatay ka.. Kung gagawin mo ba yun maibabalik pa ang buhay ni Sandy? Gago ka pala eh! Bakit hindi mo nalang tanggapin na wala na sya! Wala na sya! Wala na sya! " bumulagta agad ito dahil hindi na ako nagdalawang isip na suntukin sya.. Hindi na ako nakapagtimpi..
" Don't you dare tell me that Kaizer! Hindi pa patay si Sandy! Hindi! " sigaw ko.. Tumayo sya at inundayan din ako ng suntok.. Napaatras lang ako.. Masakit ang suntok nya pero mas masakit ang nararandaman ko kaya baliwala lang sa akin iyon.. Nagpalitan lang kami ng suntok ni Kai hanggang sa mapagod kami at parehong hingal na hingal na napaupo sa buhangin.. No one dared to stop us.. Kahit ang ibang mga guest nakatingin lang din.. Siguro dahil alam nila ang napagdaanan ko dahil kalat na naman din iyon dito sa resort.. But i don't give a damn.. Wala akong pakialam sa kanila.. Si Sandy lang ang importante sa akin ngayon..
Nakita kong may dugo ang labi ni Kai at naramdaman ko din ang hapdi sa labi ko.. Nagkapuruhan kami pero kahit ganun kahit paulit ulit pa siguro akong bugbugin baliwala na sa akin iyon dahil mas lamang parin ang sakit sa puso ko dahil wala sya sa tabi ko.. Tumayo na ako at naglakad pabalik sa cottage na inupahan din namin ni Sandy.. Hindi ako nagpalit ng cottage dahil umaasa parin ako na babalik sya sa piling ko..
Nagkulong lang ako doon buong araw.. Umiiyak at walang ganang kumain.. Papano pa ako mabubuhay kung wala ang rason kaya ako humihinga? Papano pa ako magpapatuloy sa buhay kung ang kaisa isa kong minamahal ay wala na sa piling ko? Habang tumatagal lalong bumabaon sa puso ko ang sakit na nararamdaman ko.. Hindi ko matanggap.. Ayokong tanggapin..
Umupo ako sa gilid ng kama at hinawakan ang picture namin ni Sandy na kuha nung nagpropose ako sa kanya sa graduation namin.. Nakahalik ako sa pisngi nya samantalang nakangiti sya sa harap ng camera na pinakita pa ang singsing na binigay ko sa kanya.. Napakasaya nya.. Kitang kita iyon sa ngiti nya.. Tumulo na naman ang luha ko.. I want to end this pain.. Without her in mylife makes me incomplete..
May kinuha ako sa drawer.. Sleeping pills.. I want to sleep forever.. Baka sakali pang makita at makasama ko na si Sandy.. Thats why I take all of it.. Wala akong tinira kahit isa.. Hintayin mo ako Sandy.. We will be togethere soon..
BINABASA MO ANG
A Heart Won't Forget (COMPLETED)
RomanceMakakalimot man ang isip pero hindi kailanman ang puso. Isang trahedya ang sisira sa maganda na sanang takbo ng relasyon ng dalawang taong nagmamahalan. Samahan sina Chan Yuri De Guzman at Sandara Gatchalian sa kanilang kwento. The story of a husb...