Part 27

9.6K 205 4
                                    

Sandy's POV cont.

Nagdecide na ako nang araw na yun na sumama na kay Chan.. I will give him a chance.. Pati din sarili ko.. Gusto ko nang maalala ang lahat.. Gusto ko nang maalala kung gaano namin kamahal ang isa't isa..

Maayos akong nagpaalam kina Nay Melba at kina Ana at Beboy.. Hindi ko naman nakita si Leandro sa bahay.. Masayang masaya sina Nay at nagkaiyakan pa kami.. Si Chan naman walang tigil sa pagpapasalamat sa kanya dahil raw sa pag'aalaga sa akin.. Nangako naman ako sa kanila na bibisitahin parin sila rito kapag may time ako..

Nakita ko na din ang mga parents ko nang araw na yun.. Masayang masaya sila at walang tigil sa pag'iyak si Mama.. Wala na akong pagdududa ngayon dahil nararamdaman ko naman talaga na sila talaga ang pamilya ko..

Nang makauwi naman kami ng maynila dinala agad ako ni Chan sa bahay namin.. Ito raw sana ang surpresa nya pagkatapos ng honeymoon namin.. Our own purple house.. Tuwang tuwa pa ako nang una ko iyong makita.. Mula sa labas ng bahay hanggang sa kwarto namin puro purple ang makikita ko.. Sabi ni Chan favorate ko raw talaga ang purple.. Unti unti ko na ngang naaalala ang lahat pero hindi ko na masyadong pinipilit ang sarili ko dahil iyon din naman ang sabi ng doktor ko..

Sa araw araw na pagkakasama namin ni Chan naramdaman ko nga ang pagmamahal nya.. Isang linggo na ang nakakaraan mula noong sumama ako sa kanya dito.. Hindi pa nga malinaw sa akin lahat pero pinapaalala naman ni Chan sa akin ang dapat kong maalala.. Nagkita na din kami ni Divy.. Iyak pa ito ng iyak ng makita ako..

" Bruha ka pinag'alala mo ako.. " sabi nito.. Nandito sila Kai at Divy sa bahay dahil gusto n raw ako makita ng huli..

" Babe naman bawal sayo ma'stress.. " sabi naman ni Kai na nasa tabi nya lang.. Magkatabi din kami ni Chan.. Kakatapos lang namin kumain kaya nandito kami ngayon sa purple couch namin sa sala..

" Tse! Mas stress ako sa'yo.. " natatawa nalang ako.. Sabi ni Chan sa akin dati na raw na parang aso at pusa sina Kai at Divy.. Kaya nakakagulat na naging sila din sa huli..

Walang ginawa si Chan kundi ang ipaalala sa akin ang lahat.. Ikinikwento nya sa akin ang una naming pagkikita hanggang sa pagpapakasal namin.. He is patient when it comes to me.. Naputol ang pag'iisip ko ng magring ang phone ko.. Napangiti ako ng makitang si Chan ang tumatawag..

" Hey.. " bungad ko agad sa kanya..

" Hey sweetheart.. Anong ginagawa mo ngayon? " tanong nya..

" Nandito lang sa balkonahe natin.. I'm having coffe.. " sagot ko.. " Ikaw.. Bakit ka napatawag? " tanong ko naman sa kanya.. Narinig ko ang pagbuntong hininga nya..

" I just miss you sweetie.. Dapat hindi na muna ako pumasok eh.. " sagot nya.. Napangiti ako.. Kahit naman ako namimiss ko na din sya.. Para ngang hindi na importante sa akin na bumalik pa o hindi na ang alaala ko dahil kontento na ako sa pinapakita sa akin ni Chan..

" Okay na naman ako.. Tsaka uuwi ka naman mamaya dito diba.. Magkikita parun tayo.. " kagat kagat ko lang ang mga labi ko dahil kinikilig talaga ako..

" Yah you're right sweetheart.. Sige ibababa ko na ha may meeting pa ako eh.. Take care okay.. I love you.. " paalam niya..

" Okay.. See you tonight.. I love you too.. " at parang natural narin sa akin ang pagsasabi sa kanya ng tatlong katagang yun.. Nangingiti pa ako habang binababa ang phone ko..

" Ma'am Sandy may naghahanap ho sa inyo.. " sabi ni Lily sa akin.. Ang kasama ko dito sa bahay..

" Sino? " tanong ko.. Wala naman akong ini'expect na bisita ngayon..

" Kyla raw po ang pangalan Ma'am.. " sagot nito.. Napakunot noo ako.. Anong masamang hangin ang nagtulak sa kanya para pumunta dito? Matagal na itong hindi nagpapakita sa amin.. Sinabi na nga ni Chan sa akin ang lahat tungkol sa babaeng 'to at naniniwala ako sa asawa ko dahil minsan na nito akong ipinagkaila kaya alam kong hindi nga ito gagawa ng mabuti.. Tinanguhan ko nalang si Lily at tumayo na ako para puntahan si Kyla sa sala..

A Heart Won't Forget (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon