Part Twelve

8K 235 1
                                    

Sandy's POV

After 3 months of preparation ito na ang araw na ikakasal na kami ni Yuri.. Nandito ako ngayon sa kwarto ko habang pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin na nakasuot ng dream wedding gown ko.. This is it.. This is really is it.. Ilang oras nalang at magiging Mrs De Guzman na ako.. Muli kong sinariwa ang una naming pagkikita ni Yuri.. Kung papano nya ako kinindatan nung nagsasayaw sila.. Kung papano nya ako inasar sa pagsundo nya sa cr sa school.. Kung papano nya ako pinakilig sa mga roses nya.. Lahat inalala ko.. Parang gusto kong maiyak.. Anong nagawa kong kabutihan para deserve na maging asawa nya..

Sa totoo lang hindi naman talaga madali ang relasyon naming dalawa.. Kahit maikli lang ang pagiging mag'boyfriend namin naranasan na namin ang mga problema ng magkarelasyon.. Pero proud na proud ako kay Yuri dahil iniintindi nya ako.. Kahit ako ang may kasalanan he make sure na sya ang magpapakumbaba para sa akin.. Diba ang sweet.. Natigil ang pag'iisip ko ng dumungaw sa pinto si mama ko..

" Are you ready anak? " tanong nito ng makalapit sa akin.. Ngumiti ako sa kanya..

" Kinakabahan po ako ma.. Pero at the same time masaya ako.. " sagot ko.. Matamis na ngumiti si Mama sa akin.. Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat at tiningnan ako sa salamin..

" Ganyan din ako ng kinasal kami ng papa mo.. Kinakabahan ako na parang natatae.. " pareho pa kaming natawa sa huling sinabi nito.. Pero nagpatuloy si mama..

" Anak alam mo ba kung bakit ganun nalang kadali sa amin ng papa mo na pumayag na magpakasal kayo ni Chan? " tanong nito.. Hindi ako nagsalita pero tinitigan ko lang siya..

" Dahil nakita namin kung gaano ka kamahal ni Chan.. Alam namin na nasa mabuti kang kamay.. " hinawakan niya ang mga pisngi ko..

" Anak.. Maging masaya ka lang sa piling ni Chan ok na kami ng papa mo.. " hindi ko na napigilan ang mga luha ko sa pagpatak.. Niyakap ko ng mahigpit si Mama..

" Salamat po ma.. " sabi ko.. Napakaswerte ko dahil nagkaroon ako ng very supportive na mga magulang..

" Pwede ko po bang masulo ang bride? " napatingin kami ni mama sa pinto at nakita namin si Divina na napakaganda sa suot nyang gown.. Sya ang maid of honor ko.. Simpleng white gown lang naman ang kanya at may nakaikot na bulaklak sa ulo nya.. Para syang fairy.. Lamabas si mama at iniwan nya kami.. Niyakap nya agad ako nang makalabas na si mama.. Niyakap ko rin sya pabalik..
" Awww my Sandy.. Ikakasal kana talaga.. Maiiwan na ako.. " sabi nito na nagpatawa sa akin.. Sira ulo talaga para namang saan ako pupunta..

" Ang drama mo.. Mangsisira kapa ng make up.. " natatawa kong sabi.. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at pinakatitigan ito..

" Wag kang mag'alala ikaw narin naman ang susunod.. " pabiro kong sabi.. Umirap ito..

" Kung yung Kai lang naman ang magiging asawa ko wag nalang no.. Sakit sa ulo lang ang dala ng hinayupak na yun.. " sabi nito na humalukipkip pa.. Naiiling nalang ako.. Kailan kaya nila mare'realize na mahal nila ang isa't isa?.. Pero ibang istorya na yun.. Ang mahalaga ngayon ang pagsisimula ng bagong kabanata namin ni Yuri ko.. Ang magiging asawa ko habang buhay.. At hindi ko na mahintay na makita sya sa harap ng altar at naghihintay sa akin..

-------------------------------------------
Chan's POV

Nasa simbahan na ako ngayon at ang mga abay pati na mga magiging ninang at ninong namin.. Kompleto din ang mga kagrupo ko sa pagsasayaw.. Pati si Kyla nandito din kahit hindi ko naman sya in'invite.. Naalala ko kasi nung isang linggo nalang bago ang kasal namin ni Sandy.. Binigyan ako ng konting salo salo ng manager ko kahit ayoko sana.. Pero dahil naging pangalawang tatay ko narin naman ang manager namin kaya pinagbigyan ko na.. Pero imbis na kasiyahan sana ang mangyayari nauwi pa sa gulo dahil kay Kyla.. Nagwala sya.. Hindi nya raw matanggap na ikakasal ako sa iba.. Tumigil lang siya ng pinainom siya ng pampatulog ni manager.. Napailing nalang ako.. Ayoko syang saktan pero mas masasaktan lang naman sya kung ipipilit nya ang hindi na pwede.. Mahal ko si Sandy at sya lang ang nakikita kong babaeng makakasama ko habang buhay.. Natigil ang pag'iisip ko ng may tumapik sa balikat ko.. Si Kai..

" Condolence bro.. " biro nitong sabi.. Napailing ako..

" Gago.. " nakangiti kong sabi.. Si Kai ang best man ko.. Siya lang din naman ang pinaka close sa lahat..

" Pero alam mo bro good choice talaga si Sandy para sayo.. Kitang kita yung kasiyahan sa mukha mo.. " sabi nito.. Ngumiti ako.. Kulang ang sabihing masaya ako ngayon.. Wala silang idea kung ano talaga ang totoong nararamdaman ko..

" Masaya talaga ako.. Ibang iba si Sandy.. " tumango tango si Kai sa sinabi ko.. May tumikhim sa likod namin at paglingon ko nakita ko si Papa na gwapong gwapo sa suot nyang tuxido.. Nagpasintabi si Kai na pupuntahan lang ang ibang ka'grupo namin.. Inakbayan naman ako ni Papa..

" Okay ka lang? " tanong nito.. Ngumiti ako..

" Kinakabahan.. Pero masaya.. Hindi na ako makapaghintay.. " sabi ko.. Tumango tango si Papa..

" Ganyan talaga.. But everything will worth the wait son when you see your bride later.. Mahalin mo si Sandy tulad ng pagmamahal ko sa mama mo.. " tumango ako..

" I will Pa.. I will.. " sabi ko saka ko sya niyakap.. It sounds gay pero naiiyak ako.. Maswerte ako dahil binigyan ako ni Lord ng napakabuting mga magulang.. At ngayon naman may madadagdag sa pamilya ko.. Ang magiging asawa ko.. Si Sandy.. And I can't wait to see her walking down the aisle later..

-----------------------------------------
Mahiwagang mensaheeeee...

Salamat po sa patuloy na nagbabasa.. Keep on reading at sana maka'vote din kau.. Salamat!!!!.. Try q mag'UD nxtwek.. Nxt UD will be their wedding..

A Heart Won't Forget (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon