Chapter 11.💘

37 5 0
                                    

AYANE POV.

Tapos na ang first subject namin, nandito ako sa CR at nag huhugas na ng kamay, napa tingin naman ako sa salamin, at pinag masdan ang muka ko.

" Tapos kana pala." Sabi ni Shoyo na na sumandal sa pader habang naka pamulsa, hay nako..

Bat ba ang hot nyang tingnan pag naka ganon sya? Tas medyo gulo pa ang buhok nya, kakainis ang gwapo.

" Oo.. Tara na." Naka ngiting sabi ko, at nilapitan na sya, sabay na kaming lumabas at pumunta sa Cafeteria.

" Ako na bahala, hanap ka nalang ng pwesto natin." Sabi nya, tumango nalang ako at pumunta sa bakanteng lamesa at naupo na.

" Good morning."

" Ay kalabaw!." Gulat na sabi ko, at napa kapit sa dib dib ko..

" Hindi ako kalabaw." Seryosong sabi nya.

" Sorry naman, bigla bigla ka nalang kasing nag sasalita, nakakagulat ka." Sabi ko, di na naman sya nag salita at umalis na, anyare don?

" Oh.. Sino naman ang tini tingnan modyan?." Tanong ni Shoyo na kakarating lang dala ang tray.

" Ah wala." Sabi ko, tumabi na sya sakin at binigay ang food ko, bigla naman nawala ang ngiti ko ng makita na kanin at puro gulay na.

" Ano bang klaseng pag kain to? Bat ganto kakainin ko? Pedi naman spaghetti. Berger rice oh kahit na ano, wag lang gulay." Reklamo ko, di ako mahilig sa gulay eh..

" Simula ngayon, gulay na ang kakainin mo, bawal ang Berger rice. Spaghetti. Sandwich. Soft drinks. At mga junk foods.." Sabi nya. Kaya napa kunot naman ang noo ko.

" Alam mo, dinaig kopa si daddy." Sabi ko..

" Kahit ano pang sabihin mo, kailangan ganyan na ang kakainin mo sa araw araw. Para healthy." Sabi nya.

" Healthy mo yang muka mo, tas tubig lang iinumin ko?."

" Ano gusto mo? Soft drinks?."

" Oo."

" Hinde."

" At baket hinde?."

" Kung ano man ang meron dyan, yun lang ang inumin mo. Masanay kang laging ganyan, hindi mona pwedeng gawin lahat ng ginagawa mo noon."

" At baket naman? Ano ako? Bata? Para ganyanin moko? Ayoko nga! Bat ko naman susundin yang gusto mo? Bibili ako ng akin." Sabi ko, at tatayo na sana ng higitin nya ulit ako paupo.

" Hinde pede.. hindi nako papayag na ganon nalang ang kainin mo sa araw araw.. Yan na ang kakainin mo, Kaya simula ngayon masanay kana." Sabi nya, kakaasar naman ang ugok nato oh.

" Kain na, oh baka gusto mo subuan pa kita." Naka ngising sabi nya, nag buntong hininga muna ako bago sinimulan kainin ang pesteng gulay.

Halos maiyak ako at masuka dito dahil sa di ko talaga gusto yung lasa. Pesteng Gulay ka.. bat meron kapa kasi dito?

" Oh yan, very good.. naubos mo." Naka ngiting sabi nya at ginulo ang buhok ko, hinampas ko naman sya.

" Tigil nga." Sabi ko.

" Wag kana magalit, at bukas yan din ang kakainin mo."

" Ano ka? Hilo? Hindi nalang ako papasok." Singhal ko.

" Susunduin naman kita."

" Di naman ako maliligo."

" Edi papaliguan kita."

" Kakainis ka!."

" Pero gwapo." Naka ngising sabi nya, kaya tinalikoran ko nalang sya at padabog na lumabas ng cafeteria.. kung gusto nyang kumain ng gulay, wag na nya kong idamay.

HE'S MINE..💕Where stories live. Discover now