Chapter 19.💘

25 6 0
                                    

AYANE POV.

Pumasok kami sa kwarto ni Chris.. at may kinuha sya sa dura-box, at may maliit na kahon syang kinuha.

Kulay puti yon at may ribbon na kulay pink.. naka ngiti naman syang lumapit sakin.

" Ano naman yan?." Takang tanong ko

Ngumiti lang sya at tinanggal ang naka taling ribbon at binuksan. At bumungad sakin ang isang kwintas.

Kulay silver iyon at hugis korona. Kulay gold naman ang gilid ng korona at may mga diamond pa.

" Wow.. ang ganda naman, para bayan sa girlfriend mo? Sigurado akong magugustuhan nya yan." Ngiting sabi ko habang naka tingin sa kwintas.

" Hahaha.. meron naba kong girlfriend? Bat ngayon kolang nalaman?." Natatawang sabi nya.

" Huh? Wala kapang girlfriend?."

" Wala nga.. actually, para lang to sa pinaka magandang babae sa mundo."

" Huh? Sino naman yon?."

" Di ba obvious? Ikaw syempre." Sabi nya at tinalikod nako.

Napa kapit nalang ako sa pisngi ko, panigurado akong namumula nako.

Bigla naman akong nanigas ng isuot nya na sakin ang kwintas.. tss.

" Wag mong tatanggalin to ah, pag nawala to talagang malulungkot ako." Parang Bata na sabi nya.

" H-huh? O-osige." Nahihiyang sabi ko.

Hinarap nanya ako sa kanya, at napa tungo nalang ako dahil sa nahihiya ako, at sobrang gwapo nya pag naka ngiti no.

" Let's go." Ngiting sabi nya, at tinap muna ako bago nyako hilahin palabas.

Kinapitan ko naman ang korona ng kwintas ko, at naka tingin lang sa kamay namin na mag kahawak.

Tss.. pasalamat sya at bagong dating lang sya, kundi nasapak kona to.. Mahal kaya ang kamay ko, kaya di ko hinahayaan na makapitan ng iba.

Hours later..

Nandito kami ni Chris sa ganden, naka upo sa bench at tinitingnan namin ang palubog na araw.

" Ang ganda ng sunset hindi ba?."

" Hmm.." Ngiting tango ko, at tiningnan sya.

" Ay Ayane.. may gagawin kaba bukas?." Tanong nya.

" Huh? Mag jo-jogging lang kami bukas, baket?."

" Nino?."

" Ni Frost."

" Sino naman yon?."

" Kaibigan ko."

" Sama ako." Ngiting sabi nya, kaya ngumiti naman ako at tumango.

" Ok.." Sabi ko.

Napa tingin naman ako sa may paanan ko, at nanlaki ang mata ko ng makita na may palaka.

" AHH!! PALAKA!!." Sigaw ko, at napa tayo at napa yakap ako kay Chris, at napa patong ako sa lap nya.

" Ahh! May palaka Chris.. alisin mo! Alisin mo!." Sabi ko habang yakap sya, at mas lalong humigpit yon.

" Syuuu! Oh.. Wala." Sabi nya, kaya napa hinga naman ako ng maluwag, at napa hiwalay na sa pag kakayakap sa kanya.

" Salamat ah." Ngiting sabi ko, at tatayo na sana ako ng makita ko ang nasa may pinto.

" Maki." Si Chris ng mapa lingon sya sa may pinto. Naka titig lang sakin si Maki at si Julie.. tss syempre pati narin si Sunako.

" O my gosh!!." Si Sunako, kaya napa tayo nako at si Chris..

HE'S MINE..💕Where stories live. Discover now