AYANE POV.
Naka tingin lang ako sa pinto, habang Kuma katok parin ang tao sa labas, Sino kaya yon? Wag mong sabihin na si..
Dahan dahan akong tumayo at pumunta sa pinto, kumatok pa ulit eto, napa buntong hininga muna ako bago kinapitan ang door nob.
" Kakain nadaw po.." Sabi ng isang maid, napa buntong hininga naman ako, akala ko naman si ano na.
Tss.. Ayane wag ka kasing masyadong mag assume dyan, inaway away mo tas mamimiss mo tss..
Bumaba nako at pumunta sa dinning, nandun na silang lahat, ako nalang pala ang iniintay..
" My gosh Ayane.. haba ba ng traffic ah?." Sarkastikong tanong ni Chelsey. Wala sila Emiko at Frost, nasan bayon?
" Where's Emiko and Frost?." Tanong ko kay Jam ng maka upo ako sa tabi nya..
" Walking outside." Simpleng sagot nya.
" Kumain naba sila?."
" Yeah.." Sabi nya, kaya napa tango tango nalang ako, at kakain na sana ng makita ko si shoyong naka tingin sakin..
Kumain nalang ako at di na sya pinansin, kainis..
" Guys.. Prepare nyona yung things nyo ok.. pag tapos neto aalis na tayo." Sabi ni Ma'am annika, napa tingin naman ako kay Sir Cruz.. Sya ang Chief advisor namin.
Ng matapos namin, nag si balikan na sila sa kwarto, dahil kukunin na nila ang mga gamit nila.
Tas ako eto pupunta muna sa kusina para mag hugas ng kamay, pero bigla akong natigil ng may narinig akong boses.
" I'm sorry miss.. pero di pwede." Rinig kong sabi ni shoyo, ayokong sumilip at baka makita pako.
" Sige na.. Alam mobang di kayo bagay ng babaeng yon. Masyado syang masungit, tyaka hindi porke ikaw ang boyfriend nya, pwede ka nalang nyang kontrolin. Male yon." Halata sa boses ng babae ang inis.
Pero wag ka, mas inis ako dito, hindi daw kami bagay? Masungit ako? Kino kontrol ko si shoyo? Hahaha nakakatawa, isang maid na gustong makipag relasyon sa may relasyon na. What a mess.
" Al__." Biglang natigil si Shoyo. Kaya na curious akong sumilip, at ang ikina kunot ng noo ko at ikina sikip ng dib dib ko.
Naka yakap yung babae kay shoyo, at si shoyo naman walang palag, dami pang sinabi, pakipot din tong si shoyo eh no, pero tingnan mo nga naman.
Di pumalag, ibig sabihin.. gusto din nya, malalande nga naman oh, kelan ba sila mauubos?
Mabilis nakong umalis at mabilis na umakyat at di kona napigilan ang pag tulo ng luha ko, sige shoyo.. makipag landian kalang hanggang di patayo bati..
Baka isang araw.. magising ka break na agad tayo. Pero dahil nga mahal kopa sya, ayoko muna..
Siguro, kailangan ko muna mag palamig. Nag tatampo lang naman ako dahil sa alam na nya na nilalandi sya..
And I expect na susundan nya ko kanina nung nag walk out ako, pero Hindi eh.. nakakainis.
Pinunasan ko ang luha ko ng maka pasok ako sa loob at nag mabilis pumunta sa banyo.
" Ayane? Anong nangyare?." Nag aalalang sabi nila, pero pumasok nako at tyaka sumandal sa likod ng pinto.
Umiyak nako, dahil ang pag iyak lang ang alam kong paraan na kahit papano, gagaan ang pakiramdam ko.
OA na kung OA.. dahil sa simpleng yakap lang nayon iniiyakan kona, pero kasi.. kahit yakap lang yon, nasasaktan parin ako.
Iba ang kayakap ng taong Mahal mo diba? Sinong di masasaktan don? Tumayo ako ng ayos at nag hilamos ng maigi.
YOU ARE READING
HE'S MINE..💕
FanfictionTop one supportive ako sa aking kaibigan, simula pag kabata, ako na ang kasa kasama nya at tinutulungan kosyang mas gumaling sa sports na gusto nya. May pangarap sya, at yun ang maging pinaka malakas hanggang sa maabot nya ang championship. Pero isa...