Chapter 44.💘

25 4 0
                                    

AYANE POV.

Ngayon nag lalakad na kami papunta sa cafeteria, ayaw nya nga akong isama kasi daw may binat pako..

Dahil nga makulit ako, wala na syang nagawa, pag bukas namin ng pinto, nanlaki naman ang mata ko sa sobrang daming babaeng naka palibot dito.

" WELCOME BACK MAKI!! CONGRATS AT NANALO KAYO SA GAME!!!." Sigaw nilang lahat, nawala ang ngiti nila at Parang natakot..

Naka seryosong muka lang ako habang naka tingin sa kanila, walang hiya, ngayon nalang ulit ako nagalit ah.. tss.

Naka tingin lang sila sakin, at di naman sila mapakali sa kina tatayuan nila..

" Pede naba kaming dumaan?." Seryosong Sabi ko, Kaya nag si tabi sila.

Naka tungo lang sila habang nag lalakad kami ni Shoyo sa ginta nila.. napa iling iling nalang ako.

Ng bigla akong inakbayan ni Shoyo, at bumulong.

" Wag kana masyadong masungit dyan, Ikaw lang naman ang nag iisang Mahal ko." Sabi nya..

Nilayo ko nalang ang muka nya sakin, ayoko muna ng away ngayon, pero subukan lang nila na lumapit kay shoyo, hindi ako mag dadalawang isip na kalabanin sila.

Hinayaan kolang na umakbay sakin si Shoyo, kahit na ayoko talaga. Gusto kong malaman nila na akin lang ang gusto nilang harutin.

Umorder na sya at katulad ng dati, gulay ulit. Ako na ang humawak ng akin.

Naupo na kami ni Shoyo at kumain na, habang nakain.. biglang bumukas ng malakas ang pinto dito sa cafeteria.

" AYANE!!." Sigaw nya.

Teka, si ano bayon?

Nakita ko nag palingon lingon sila, hanggang sa makita kami, inis naman syang lumapit samin.

" Aha! Nandito kalang pala! Sabi ko sayo wag kang aalis don ah!." Singhal sakin ni Emiko at naka pamewang kasama si Frost..

Ngumiti ako at nag peace sign sa kanya..

" H-hi." Sabi ko..

" Anong Hi!? Bat ka umalis ng Clinic!? Ikaw naman Maki! Sinabi ko naman sayo na wag mong palalabasin to! Hyys sakit nyo sa ulo." Sabi ni Emiko at napa kapit nalang sa noo.

" Chill lang.. oorder lang ako ng food. Umupo kana ok." Ngiting sabi ni Frost at kiniss si Emiko..

Ang sweet Sana all..

Inalalayan pa ni Frost na umupo si Emiko. Habang si Shoyo di maintindihan ang nangyayare.

" T-teka.. Ano yon ah? Wag mong sabihin na kayo na?." Gulat na tanong ni Shoyo habang naka turo kay Frost..

" Eh kung Oo.. anong pake mo?."

" Wala hehehe.." Sabi ni Shoyo..

" Pa share naman kami.. kaibigan nyo rin kaya kami." Sabi ni Chelsey habang naka simangot.

" Sige.." Ngiting sabi ko, kaya nagulat naman yung anim, naupo na sila sa tabi ni Emiko, Ewan kolang kung bakit walang tumabi samin ni Shoyo.

" Wait.. Menard tama ba yung nakita natin kanina? Ngumiti si Ayane?." Tulalang Sabi ni Chelsey, silang anim naka tulala lang..

Napa iling iling nalang ako, habang si Shoyo nag pipigil ng tawa. Binatukan naman sya ni Emiko.

" Aray bakit?."

" Syonga.. Gulat na gulat." Sabi ni Emiko, at si Frost naman umupo na sa  harap ni Emiko. Tumayo naman si Shoyo at hinigit ako.

" Bakit?." Tanong ko. At umupo na sya sa tabi ni Frost, pinag gigitnaan kasi ako nila..

HE'S MINE..💕Where stories live. Discover now