AYANE POV.
Lumipas ang araw at umalis na ulit si Shoyo, kahapon lang sila umalis, kaya eto malungkot nanaman ako.
Hindi ko alam kung hanggang kelan ang laban nila, Basta ang sabi nya mag intay nalang daw ako, at umiwas sa mga lalaki dyan.
Habang si Clark naman, manonood ng Laban nila Shoyo, yung mga may jowa naman, nag hiwa hiwalay ang mag jo-jowa at di ko alam kung san ang punta.
Naka upo lang ako dito sa bench habang nakain ng sandwich, lunch break na kasi.
Habang naka tingin ako sa tatlong babae na nag lalakad habang nag kwe-kwentuhan.
Napa Tingin naman ako dun sa mag jowa na masayang nag tatawanan at nag haharutan..
Miss kona agad si Shoyo, pag kasi nandito sya sa tabi ko, ang dami nyang pinag babawal, at gusto ko naman yon.. kinikilig panga ako pag nakikita ko na kumu kunot ang noo nya pag may mapapalapit sakin na lalaki.
Three days lang kasi ang pahinga nila, so three days din lagi kaming mag kasama ni shoyo pati dun na muna sya natutulog sa bahay.
Wala naman kaming ginawa kundi. Mag landian at mag laro minsan, laging selos, inis, kilig, tawanan puro ganon. Kaya ang saya di ka talaga ma bo-bored pag mahal mona talaga ang kasama mo.
Hyys.. miss kona agad yung lalaking yon. Bat kasi araw araw nya kong Pina pakilig yan tuloy namiss kona.
Ayoko syang umalis, pero yun ang pangarap nya eh, pipigilan koba syang maging masaya na maabot ang pangarap nya?
Malalim naman akong bumuntong hininga dahil sa pinag iisip ko, paniguradong hindi nanaman ako makakatulog ng ayos neto.
" Lalim naman nyan."
" Ay! Buiset!." Sabi ko at hinampas sya sa balikat.. kagulat naman to.
" Aray! Bakit ba?."
" Eh bat ka nanggugulat? Kayo talaga hilig nyong manggulat, at sakin pa talaga ah." Sabi ko habang iiling iling.
" Peding maki join?."
" Putek!." Sabi ko, at tiningnan ng masama ang bagong dating. Naka ngiti lang sya habang nag kakamot ng ulo.
" Sige lang, araw arawin nyo para mamatay ako sa gulat." Sabi ko.. bahagya naman silang natawa, at umupo na sya sa tabi ko.
" To naman ang sungit sungit." Sabi nya at pipisilin na sana ang pisngi ko ng bigla akong tumayo.
" Wag mokong kakapitan, baka mag selos pa yung si Shoyo eh." Sabi ko..
" Eh wala naman ah."
" Kahit na, Mike mag girlfriend kana kasi, para malaman mo." Sabi ko habang iiling iling.
Napa nguso naman sya dahil don, kaya bahagyang natawa si Roy na ngayon katabi na ni Mike.
" To naman, kahit konting dikit lang ng balat ko bawal?."
" Hmm.. kasi sabi ni shoyo, umiwas ako sa mga lalaki, buti nga at di ko kayo iniiwan dyan." Natatawang sabi ko.
" haha.. kung ayaw mo talaga na kahit balat ko dumikit, edi pipilitin nalang kita, at pag nahuli kita, kikilitiin kita hanggang sa mapagod ka whahaha!."
" Hoy.. nag bibiro kalang diba?." Kina kabahan na sabi ko, pero naka ngisi naman syang tumayo at dahan dahan na luma lapit sakin, gada hakbang nya syang paatras naman akong huma hakbang.
" Mike naman eh.. Alam mo naman na ayoko ng kinikiliti ako, sige ka mag tatampo ako." Sabi ko, pero patuloy lang sya ng mapansin ko na tatakbo nasya. Mabilis nakong tumakbo.
YOU ARE READING
HE'S MINE..💕
FanfictionTop one supportive ako sa aking kaibigan, simula pag kabata, ako na ang kasa kasama nya at tinutulungan kosyang mas gumaling sa sports na gusto nya. May pangarap sya, at yun ang maging pinaka malakas hanggang sa maabot nya ang championship. Pero isa...