Nandito ako ngayon sa palingke kasama ko si Mama. Pagka dating palang namin ay pinakilala niya na agad ako sa mga dating kaibigan at kakilala niya dito. Sobrang saya pa nila na makita ulit ang isat-isa. Matagal rin kasi kaming hindi naka balik dito. Lalo na ako na umabot pa talaga ng ilang taon.I was here when I was six, but I was almost seven at that time, I think? Matagal na din 'yon at halos limot ko narin ang nangyari no'n kasi bata pa naman ako.
Sina Mama at Papa naman pa minsan-minsan silang umuuwi dito pero dahil busy nga ako sa school ay hindi na ako nakabalik pa. Ngayon lang talaga kami tuloyan bumalik nang ipinamana kina Mama ang flower shop na naiwan ni Lola Ely, Nanay ni Papa.
Binili ko 'yong ibang nasa listahan. Si Mama nakipag usap na ngayon sa isang matandang babae.
"Ma, tapos ko ng nabili 'yong iba." sabi ko saka pinakita ko sa kanya 'yong mga binili ko.
Bumaling si Mama sa akin at suminyas siya na lumapit ako sa kanya para ipakilala ako sa kausap niya ngayon na matanda.
"Manang Laura, ito nga po pala ang anak ko si Beckha." pagpapakilala sa akin dito ni Mama.
Ewan ko ba pero manghang naka tingin sa akin ngayon ang matanda. Nakitaan ko pa bigla ng ningning 'yong mata niya. Ngumiti ako saka lumapit at nag mano dito.
"Pwede ko bang ma yakap ang anak mo ngayon, Flor?"
Hindi na nito hinintay ang sagot ni Mama at lumapit na ito ngayon sa akin at niyakap ako nang mahigpit na para bang sabik na sabik.
Kumalas ang matanda sa pag yakap sa akin. Ang sabi niya, masaya lang daw siya na makita ulit ako ngayon. Huling kita niya daw dati sa akin maliit palang daw ako.
Abala si Mama sa pag-pili ng fresh na karne nang lumapit ulit sa akin si Manang Laura na may hawak na ngayong iilan na supot. Hula ko ay nasa sixties na ata siya. Pero kung sa kilos ang basihin ang lakas-lakas niya pa.
"Ako na po muna hahawak niyan, Manang." I smiled at her. Nakita ko kasi na medyo mabigat 'yong dala niya at nahihirapan siya ngayon.
"Ako na at nakakahiya naman sa 'yo, hija." nahihiyang saad niya saka ngumiti sa akin ngayon.
"Hindi po talaga, okay lang, Manang." saka kinuha ko 'yong iilan na pinamili niya at medyo mabigat nga ang mga ito.
"Oh, Manang Laura! Nandito kapa pala?" si Mama 'yon, nakabili na ata siya ng karne para sa sinigang na baboy na lulutoin niya mamaya.
"Oo, Flor, hinintay ko talaga kayo para sumabay nalang sa amin ngayon. Paparating narin kasi 'yong anak ng amo ko." pag offer niya.
"Sige at gusto ko 'yan, Manang Laura." galak na saad ngayon ni Mama.
"Oh siya, nandito na pala." sabi ni Manag Laura at tinuro pa ngayon ang kadarating lang na magarang kotse na sobrang pamilyar sa akin.
Omg! Don't tell me siya nga 'yan? Pero imposible naman ata. Baka guni-guni ko lang. Hindi lang naman siguro siya ang may ganyan na sasakyan dito.
Tiningnan ko ngayon si Mama na masayang kasabay ngayon ang matanda papunta na sa sasakyan. Kaya napa butong hininga nalang ako kasi wala naman na akong choice.
"Hija, sa harap kana at sa likuran nalang kami ng Mama mo." Manang Laura said.
Tinted yung salamin kaya hindi ko makita muka no'ng nag dra-drive. Naku! Baka magalit lang 'yan dahil ginawa pa namin siyang teg-hatid ngayon?
Si Mama at Manang Laura ay pumasok na sa loob kaya tanging ako nalang ang nasa labas. Hindi ko alam bakit parang biglang naging kakaiba nalang ang pakiramdam ko. Ilang segundo pa akong naka tunganga sa labas.
BINABASA MO ANG
Admiring at Midnight
RomanceBargain Nostalgia Series #1 (Gordovis) Atasha Veronica Ramirez, an entrepreneurship student, met Gideon Seighver Gordovis, who came from a wealthy family and took a double course in civil engineering and business. Ayaw ni Beckha kay Gideon, hindi da...