Nauna kaming dumating. Sumunod naman ang kotse kung nasaan si Cleyu, Rui at Onew na mag kasama ngayon."Deon, nag text sa akin John kung nasaan na tayo. Syempre sinabi ko naman na hindi tayo matutuloy ngayon at sinabi ko ang dahilan. Kaya sabi niya susunod daw siya dito ngayon sa atin. Ang iba naman ay hindi makakapunta kaya mukang tayo lang ninyo ngayon." si Onew na napakamot pa ng ulo ngayon.
Tumango lang naman si Gideon. Pag pasok namin sa bahay medyo nataranta pa 'yong ibang kasambahay nila.
"Where's Manang Laura?" tanong ni Gideon sa isang kasambahay.
"Nasa kitchen po, Sir Gideon, sinabi n’ya narin sa amin ang gagawin ngayon."
Gideon just nodded again.
May pavilion sa unahan ng white house nila kaya iginaya niya kami dito. Malapit lang rin ito kung saan banda ang malaki nilang swimming pool.
"Magandang tanghali sa inyo, Sir Gideon." bati no'ng isang trabahanti nila na may dalang walis ngayon.
"Magandang tanghali rin, Mang Cardo. Nag tanghalian na po ba kayo?"
"Tapos na po, Sir, salamat..."
Malaki ang pavilion at maraming upoan kaya kanya-kanya na naman upo ang iba pa. Nakaupo ako ngayon kung saan banda ang dalawa kong kaibigan pero hito ngayon si Gideon medyo sumisiksik sa akin kahit na madami pa naman espasyo at upoan na bakanti.
"Are you okay?"
His forehead creased. He seems serious and dark, which makes him more attractive and charismatic.
"Oo naman. Hindi ko lang expect 'yong ganitong bonding together with our friends."
"I prefer that we be alone together. Cuddling, and having quality time together doing things that make sense, like memories. I will cherish my love for you endlessly."
I hid a smile after he said that. It seems like I am melting. My heart was pounding so fast.
Maya-maya pa ay nag datingan na 'yong iilang katulong na may dalang mga pagkain, drinks at saka wine. May mga prutas din.
"Mas maganda talaga 'yong ganito, unexpected gala. Kaysa naman sa plinano pero hindi naman natutuloy." sabi ni Rui, nag thumbs lang naman si Onew sa kanya.
"Do you want to swim?"
"Hindi na, wala namin kasi akong dala na swimwear at damit pang palit. Siguro sa susunod nalang?"
"Sabagay, ayaw kong may makakita sa 'yong ibang lalaki na naliligo habang naka two piece ka lang." lumapit siya sa akin saka may binulong. "I don't want those morons to drool over your body."
Bigla naman akong kinalibutan sa sinabi niya kaya medyo napa usog ako ng kaunti.
"Kung maligo naman ako hindi rin naman ako nag susuot nga gano'n." I muttered.
Siguro saka na pag may confidence na ako. Hindi kasi ako sanay, feeling ko ang sagwa ng katawan ko.
"Yes, I know, but if you want. May rush guard naman ata si Karlie na naiwan sa kwarto niya, you can use it. May extra damit rin naman ako na pwede mo gamitin ngayon."
"Hindi na talaga, sa susunod nalang."
"Okay, but just tell me if you change your mind, love."
"Nandito na sina John!" sigaw ni Onew dahilan para napabaling ang paningin ko sa tinutukoy niya na lalaki papunta sa banda namin na may kasama ngayon na babae.
"Bakit kasama si Tali?"
Tama nga si Eunice, nandito si Tali kasama ni John. Sila lang dalawa. Malayo palang kita ko na ang simpling ngisi ni Tali. Naka shorts lang siya ngayon saka naka spaghetti strap na kulay red.
BINABASA MO ANG
Admiring at Midnight
RomanceBargain Nostalgia Series #1 (Gordovis) Atasha Veronica Ramirez, an entrepreneurship student, met Gideon Seighver Gordovis, who came from a wealthy family and took a double course in civil engineering and business. Ayaw ni Beckha kay Gideon, hindi da...