"Mama, anong nangyari?"Nilapitan ko agad si Mama na humagolgol na ngayon.
"Beckha, wala na si Sushi..."
Hindi agad ako nakapag salita. Nakatunganga lang ako dahil sa narinig ko.
"A-anong wala na si Sushi? Bakit anong nangyari sa kanya? Hindi ko maintindihan, Mama."
Hindi ko alam ang gagawin ko kaya nilapitan ko ito na umiiyak habang naka upo sa damo ng bakuran namin.
"Patay na si Sushi, Beckha. Ka-kanina ng umuwi kami nakatanggap ako ng text galing sa hindi ko kilala. Kaya naman dali-dali kaming umuwi ng Papa mo at hindi sinabi sa 'yo dahil ayaw namin masira ang masayang araw mo. Hi-hindi ko alam... pero ang sabi ng taga pet vetenery ay maaring may nakain daw na nakakalason si Sushi."
Mas humagugol si Mama ng iyak kaya inalo ko siya at iginaya sa loob ng bahay. Ang sabi ni Papa kanina niya paraw pinipilit si Mama na pumasok na pero nag mamatigas daw ito. Kumuha naman agad ako ng tubig saka pinainom ito kay Mama.
Ako naman hindi ko alam ang nararamdaman ko. Sinong gumawa nito sa aso namin? Naalala ko si Tali lang naman 'yong naging laging galit sa akin. Posible kaya? Lagi naman namin iniiwan si Sushi dito sa bahay ilang bisis na. Pero ngayon lang siya nagka ganito!
Naiiyak nadin ako pero namumuo ang galit sa kalooban ko. Gusto kong sugorin si Tali ngayon. Alam ko siya lang 'yong nagpupunta dito sa bahay at gagawa niyan kay Sushi dahil ilang bisis ko na siyang nakita na nag tangkang pumasok dito sa may gate. At ano naman ang gagawin niya?
I asked her one time ang sabi niya ay may ibibigay lang daw siya. Pero kahit ano wala naman siyang kahit anong dala. At hito na nga ngayon ang nangyari!
Tiningnan ko ngayon ang lagayan ng kainan ni Sushi pero malinis na ito ngayon na nakapag tataka. Na para bang sinadya talaga. Usually kasi madami 'yong nilalagay namin na dog foods sa kanya at may tira pa. At itong nakita ko ngayon sobrang linis.
I know sobrang sama ang mag bintang. Pero napaka imposible naman kasi na maging gano'n nalang bigla si Sushi kasi wala naman siyang sakit. Dali-dali akong lumabas sinundan pa ako ni Papa ngayon. Tumulo narin ang luha ko dahil hindi ko na napigilan.
Ang sakit ng dibdib ko. Hindi ko matanggap na wala na si Sushi. Ang mahal na mahal kong si Sushi.
"Beckha, anong gagawin mo?"
"Tali, lumabas ka diyan!"
Hindi ko na talaga natiis at sinugod kuna siya sa kanila. Sa sobrang galit ko ay hindi na ako nahiya. Wala akong paki kung ano ang sabihin pa ng iba.
"Tali, ano ba?! Lumabas ka d'yan!"
Sigaw ako nang sigaw sa labas pinipigilan na ako ngayon ni Papa pero hindi ako nakikinig sa kanya.
"Anak, tama na–"
"Hindi! Alam ko na si Tali 'yong may gawa noon kay Sushi, Papa!" sabay tulo nga panibagong luha sa aking mata.
Ilang taon palang ako nasa amin na si Sushi. Kaya napamahal na 'yon sa amin lalo na kay Mama. Ginawa pa nga namin ng paraan para ma isama lang siya dito sa amin. Kaya sobra akong nasaktan lalo na at nakita ko si Mama na nagka gano'n. At hindi ko mapapalampas ito!
Damn you, Tali!
"Beckha?"
Nagulat ako kasi instead na si Tali 'yong lumabas ngayon sa bahay nila ay si Goliath 'yong nasa harap ko.
"Asan si Tali?!" hindi ko mapigilan lumakas ang boses ko sa kanya.
Bigla naman lumabas ngayon si Tali na nakangisi pa. Ano? Para naman hindi siya guilty niyan!
BINABASA MO ANG
Admiring at Midnight
RomanceBargain Nostalgia Series #1 (Gordovis) Atasha Veronica Ramirez, an entrepreneurship student, met Gideon Seighver Gordovis, who came from a wealthy family and took a double course in civil engineering and business. Ayaw ni Beckha kay Gideon, hindi da...