Chapter 31

2.3K 21 0
                                    


Gideon texted me the address of the restaurant.

At exactly 6:00 pm ay nakapag ayos na ako. Nag suot lang ako ng isang white fitted jeans na pinarisan ko ng sleeveless saka coat and white shoes.

Pabalik-balik pa ang lakad ko dahil hindi ako mapakali. Parang ayaw ko na tuloy pumunta at e meet ngayon si Giveon.

Sobrang kaba ko talaga, at naiinis ako ngayon sa mga posibleng mangyari. Dahil alam ko na alam na ngayon ni Giveon ang tungkol sa anak ko. Anak namin ni Gideon. Sa sinabi palang sa akin ni Vivienne kanina.

Nabanggit pa talaga sa kanya ng anak ko na ang pangalan ng daddy nila ay Gideon. Napaka daldal mana kay Sabrina!

"Hindi ka ba nahihilo sa kalalakad mo?"

Napansin siguro ni Martyn na kanina pa ako lakad nang lakad. Litong lito ako ngayon na kinakabahan.

"Tell me, sino sa kanilang dalawa ang e me-meet mo ngayon?"

Napa angat ng kilay ngayon si Leilani na sinusuri ako ngayon mula ulo hanggang paa.

"Mag kikita kayo ni Gideon, 'no?" she added, smiling.

I shook my head. "No. Hindi siya, Leilani, iba ang kikitain ko ngayon."

"Sino?"

"Si Giveon."

"Oh, si Giveon lang naman pala— what?! Gideon's twin brother?!" she was shocked.

Inayos ko ngayon ang sarili ko. Dapat hindi ako ngayon kabahan at matakot. Kung tanongin man ako ngayon ni Giveon tungkol sa anak ko. Dapat sabihin ko sa kanya ang totoo. Gano'n lang dapat.

I calmed myself saka nag paalam na kay Manang Lady na aalis muna ako ngayon. Sina Martyn at Leilani naman nakipag laro na ngayon sa dalawang anak ko.

Himala nga at nakipag laro ngayon si Gionne samantalang hindi naman siya gaanong mahilig mag laro lalo na at hindi niya mga kaibigan ang kasama niya.

Nag paalam ako kina Leilani. I kissed Vivienne and Gionne's cheeks before I decided to go to that restaurant. Ilang minuto lang rin naman ang byahe kasi hindi masyadong malayo ang restaurant sa bahay. Bago ako lumabas ng kotse inayos ko na muna ang sarili ko.

Pag pasok ko ng restaurant ay nakita ko agad si Giveon na nag ce-cellphone ngayon. Nang napansin niyang dumating na ako ay agad siyang tumayo at lumapit sa akin.

Niyakap niya agad ako ng mahigpit gano'n rin naman ang ginagawa ko. Mixed emotions, 'yan ang nararamdaman ko ngayon ng makita siya ulit.

He smiled at me.

"I'm so happy to see you here, Beckha. Ilang taon rin tayong hindi nagkita. Hindi ko alam kung paano ka harapin pagkatapos ng mga nangyari."

Bumitaw siya sa pag yakap sa akin saka tiningnan ako nang maigi sa mata. Ngumiti ulit siya dahilan para lumabas 'yong dimple niya.

"I'm happy to see you here also, Giv. It's been a long time."

I smiled at him also.

Umupo ako ngayon sa bakanting upoan sa harap niya. Gano'n rin naman siya. Ilang pa akong ngumiti nang napansin ko ang pag titig niya ulit sa akin. Inayos ko naman agad ang upo ko saka tumikhim.

"You changed a lot." he suddenly uttered.

Sinuri ko ngayon si Giveon. Siya rin, marami ang nag bago sa kanya. Unang tingin ko palang sa kanya habang nasa labas ako. Mapag kakamalan ko na talaga siyang si Gideon.

Hindi na siya 'yong Giveon na kilala ko dati na pale at sobrang puti. Ngayon mag kasing kulay na sila ng kakambal. Kung titingnan mo parang malilito ka na talaga sa kanilang dalawa.

Admiring at MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon