Nandito kami ngayon sa condo niya. Wala na naman kasi akong nagawa pa. Malaki ang condo ni Gideon. Mas malaki pa kay Mommy. May malaki pang couch sa sala niya at sobrang laki na TV. Sobrang linis din ng kwarto niya kahit may iilan nakalagay na hindi ko alam basta related sa trabaho niya as engineer.
May hindi kalakihan na globe pa akong nakita na gawa sa metal. Sa may unahan nagulat ako kasi nakasabit sa wall ang regalo ko dati kay Gideon na painting. Hindi ko alam na hanggang ngayon nasa kanya parin ito.
Kulay black at white halos nakikita ko sa loob katulad lang rin ng kwarto niya sa bahay nila.
"May bago ka bang project ngayon?" I asked saka umupo ako ngayon sa couch. Bumalik naman siya ngayon galing kusina na may dalang tubig at binigay sa akin. "Thanks..."
"Skydome," tipid na sagot niya.
Nakatitig lang ako sa kanya. "Mahirap ba ang trabaho mo? I mean... kasi narinig ko na ikaw rin ang namahala ng GVS shipping line niyo ngayon."
"It's fine. And I need to work hard for our future. For our future family that we want to build."
He sat beside me now.
"Ahh..." wala akong ibang masabi. Should I tell him now? About about sa mga anak namin?
Tumayo siya ngayon saka pumasok sa kwarto niya kaya ako lang ngayon naiwan dito sa couch. Tiningnan ko ang relo ko, alas onse y medya na pala. I also checked my phone kung may text ba pero wala.
My phone wallpaper was a picture of me with Vivienne and Gionne noong nasa Hong Kong Disneyland kami. Bumalik si Gideon kaya tinago ko agad ang phone ko. I cleared my throats.
"Love, do you remember this?"
Napatingin ako ngayon kay Gideon na may hawak na stuffed toy na kulay mint greet saka purple hair.
It's bibble plushie! I nodded happily.
He smiled. "How about this one?"
My eyes widened.
"Gideon, paano 'yan napunta sa 'yo?!"
Kasi naman hawak niya ngayon ang notebook ko noon na puno ng drawing ni bibble plushie! Tapos... tapos madami pa naman akong sinulat diyan na tungkol kay Gideon. Kasi habang nag dra-drawing ako niyan ay si Gideon ang nasa isip ko lagi.
Putcha!
He smiled to tease me.
"Nakakainis ka! Uuwi na nga ako!"
Nag dabog ako saka tinalikuran siya na natatawa na ngayon sa naging reaction ko. Hah! Tumawa kalang diyan!
Sinundan ako ni Gideon at bahagya akong hinila dahilan para mapasandal ako sa matigas na dibdib niya.
"Hey, don't be mad, love." he whispered. "Here... it's for you."
Napatingin ako ngayon sa pinadausdos niya na bracelet ni Gideon sa kamay ko. It's a silver bracelet na may moon at star. Hindi ako nakapag salita.
Gideon was hugging me now tightly from the back, and I felt his heavy breath and soft kiss on my neck, which gave me shivers in my spine.
"I love you..." he whispered.
"What's this, Gideon? I mean..." hinawakan ko ang bracelet na binigay niya sa akin. "Bakit mo ako binigyan nito?"
Ibinaon niya ang muka niya sa may leeg ko habang niyakap ako ng mahigpit sa may likuran.
"That's my present to you for giving me another chance to be with you. And I want you to know that this is my last because I'll be with you forever, and you can't escape from me anymore; you can't leave me again."
BINABASA MO ANG
Admiring at Midnight
RomanceBargain Nostalgia Series #1 (Gordovis) Atasha Veronica Ramirez, an entrepreneurship student, met Gideon Seighver Gordovis, who came from a wealthy family and took a double course in civil engineering and business. Ayaw ni Beckha kay Gideon, hindi da...