Pag pasok palang namin ng bahay ay panay ang tanong sa akin ni Mama. Si Papa naman wala lang imik. Tanging si Mama lang ang maingay sa kanilang dalawa. Nagulat daw siya na 'yong bumili kanina ng bulaklak sa flower shop namin ay sa akin pala daw ibibigay.Bakit siya lang ba ang nagulat?
Si Gideon naman dagdag pa sa iniisip ko kung paano napunta sa kanya ang photo album ko? Siguro ipag palagay natin na baka siya ang nakapulot nito. Pero saan naman niya napulot?
I groaned in frustrations. Sumasakit lang ulit ang ulo ko sa mga nangyayari. Dagdag pa si Mama na kung mag tanong parang sasalang ako sa fast talk!
"Pinayagan mong manligaw 'yon?"
"Hayaan mo nalang, Flor, malaki na naman si Beckha." sabi ni Papa na naka upo na ngayon sa maliit na sofa namin.
"Hayaan? Eh, mas gusto ko si Gideon kaysa do'n!"
"Tayka lang akala ko ba ayaw mo pa akong magka boy-"
She cut me off. "Oo. Sinabi ko nga 'yon sa 'yo, Beckha, pero kapag si Gideon, aba! Hindi ako tatanggi! Aaminin ko pogi naman 'yong manliligaw mo na sa Cleyu at muka rin namang mayaman at mabait. Pero sana si Gideon nalang."
Napahawak na ako ngayon sa sintido ko kasi sumasakit talaga 'yong ulo ko sa mga sinasabi ngayon ni Mama. Seryuso ba talaga siya sa sinasabi niya?
"Kwarto na muna ako."
Nagmadali akong pumasok at nag locked ng kwarto. Narinig ko pang tinawag ako ni Mama pero hindi ko na siya pinansin. Kinuha ko ngayon ang cellphone ko saka humiga sa kama. May nag text sa akin na unknown number kaya binuksan ko naman agad.
Unknown number:
Good evening, it's me. Save my number.
Huh? Sino 'to?
Me:
Sino ka?
Sinoka ng Mama mo. Joke! Nag reply rin naman agad 'yong unknown number sa akin.
Unknown number:
Gideon.
What?! Paano niya nakuha number ko? Don't tell me hiningi niya kina Martyn?
Gumulong ako sa kama saka niyakap ang isang unan bago ko napag isipan mag type ng reply sa kanya.
Me:
Paano mo nakuha number ko?
Nilagyan ko narin 'yong number niya ng name para hindi na agad ako malito kung sino ang mag text. Natawa pa ako ngayon sa naisip ko na pangalan. Baliw lang.
Gideon sungit:
Pinaki alaman ko phone mo, sorry. :)
Gago? Medyo nakaramdam pa ako ng inis ngayon. Hindi naman kasi ibig sabihin na nakalimutan kong kunin 'yong phone ko sa kanya ay pwede niya na itong pakialam.
Hindi naman sa may tinatago ako, pero privacy ko 'yon. Kaya rin naman ata niya nagamit kasi hindi naman kasi ako mahilig mag lagay ng password. Mukang mali ata. Dapat sa susunod meron na para hindi na maulit pa ito!
Napapikit pa ako ngayon. Naiinis ako dahil sa ginawa niya pero dapat kong pigilan dahil may mga utang na loob ako sa kanya. Nag type naman agad ako ng reply.
Me:
Thank you sa pag sauli sa photo album ko. Small world at ikaw pa talaga naka pulot. But anyways, still thank you ulit. Kahit na pinaki-alaman mo 'yong phone ko.
Wala pa ilang segundo nag reply na agad siya sa akin. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Ang bilis niya pang mag reply.
Gideon sungit:
BINABASA MO ANG
Admiring at Midnight
RomanceBargain Nostalgia Series #1 (Gordovis) Atasha Veronica Ramirez, an entrepreneurship student, met Gideon Seighver Gordovis, who came from a wealthy family and took a double course in civil engineering and business. Ayaw ni Beckha kay Gideon, hindi da...