Bossy boyfriend:What are you doing?
Naging busy kasi ako sa kaya hindi ko man lang na sagot ang tawag niya. Even text hindi ako nakapag reply. May painting kasi ako na ginawa para sa kanya. Gift for him. Ibibigay ko ito sa kapag natapos ko na pero syempre it's a surprise.
Saka katatapos ko lang rin ng hugas ng pinagkainan namin. Naka upo ako ngayon sa may mesa habang nag te-text sa kanya.
Me:
Wala, katatapos ko lang mag hugas lang ng pinggan.
Bossy boyfriend:
Seriously, you spent three hours washing dishes? Kaya hindi ka agad naka pag reply at sinagot man lang ang tawag ko?
Mag re-reply na sana ako pero may pahabol pa pala siya na ikinatawa ko. Agad tuloy napatingin sa akin si Mama at Papa sabay iling.
Bossy boyfriend:
Bakit isang barangayan ba 'yang hinugasan mo?
Me:
Bakit porke ba natagalan ay isang barangayan na agad ang hinugasan? Bleh!
Bossy boyfriend:
Tsk, childish:))
Me:
Paki mo ba.
Tanging reply ko nalang. Agad din naman niya akong tinawagan dahilan para pumasok na ako sa kwarto ko. Naka off 'yong lights kaya hinayaan ko nalang. Ang nag bibigay ilaw lang sa kwarto ko ay 'yong dinikit kong glow in the dark sa kisami. Inayos ko narin ang kama ko saka ni locked 'yong pinto.
"Miss me?"
"Hindi." I lied. Oo naman, syempre na miss ko agad siya.
"Tsk. At bakit naman hindi?" he said that in a sulking tone.
"Tinatanong pa ba 'yon?" sabay ngisi ko.
"I'll pick you up tomorrow."
I smiled. "Bakit? Wala ka bang klase?"
"Meron, pero nakakapag adjust naman ako. Hindi naman sobrang aga ng klase ko bukas, love." aniya sa malamig na boses.
"Are you sure? Okay lang naman sa akin na hindi mo ako ma hatid sa school, Gideon. Na iintindihan ko naman kasi magkaiba naman tayo ng school saka malayo pa ang sa 'yo." sa mahinang saad ko.
Kasi naman ako ang nahihirap sa kanya. Although hindi naman lagi pero kasi, ang hirap parin. Tapos lagi pa siyang umuuwi dahil sa akin kahit may condo naman talaga sa Davao. Minsan naman hindi na siya nakakauwi lalo na kapag busy siya. At lagi kong sinasabi sa kanya na okay lang.
"I told you, kaya ko ang sarili ko. Pag bigyan mo na ako, please. Kahit bukas lang maihatid kita sa school tapos diresto narin ako." aniya.
I sighed. "Okay. Uhm, hindi kapa ba inaantok?" I asked him.
Mag aalas dyes na kasi. Hindi parin naman ako inaantok kasi kakape ko lang at may mga assignment pa ako na tataposin ngayon.
"Gusto mo na ba akong matulog? Ayaw mo na akong kausap?" his voice is so husky.
"Hindi, I was just asking." I cleared my throat. Inayos ko 'yong unan ko saka tinabunan ko ang kalahating katawan ko ng comforter. "Kasi anong oras na..."
Baka makatulog ako nito patay ako. Bukas pa naman 'yong deadline ng assignment ko. I wonder, naka gawa na kaya si Eunice ngayon?
"Are you sleepy?"
"Ah, hindi pa naman. May tataposin lang kasi akong assignment kaya gano'n."
"I can help, love–"
"No!"
BINABASA MO ANG
Admiring at Midnight
RomanceBargain Nostalgia Series #1 (Gordovis) Atasha Veronica Ramirez, an entrepreneurship student, met Gideon Seighver Gordovis, who came from a wealthy family and took a double course in civil engineering and business. Ayaw ni Beckha kay Gideon, hindi da...