"Napaka sama mo talaga, Clarabelle! Bakit ka ganyan? Bakit mo ginagawa sa amin ito? Siguro niloloko mo lang kami para umalis kami ngayon dito at mailayo namin si Beckha sa anak mo!"Narinig kong umiyak na si Mama ngayon.
"Then look at this document!"
Lumapit si Ma'am Clarabelle kay Mama at may binigay na papel dito na nagpa hagulgol na ngayon sa kanila ni Papa.
Napa hawak ako ngayon sa ulo ko na medyo sumasakit.
"Gaga rin kasi 'yan Manang Laura. I didn't know na nasa malapit lang pala niya pinamigay ang baby! I paid her but look what she did! She messed up! Hindi ko talaga siya mapapatawad!"
At this point namanhid nalang ako bigla dahil sa mga narinig ko. Hindi ako maka react at hindi ko ma proseso lahat ng narinig ko kay Ma'am Clarabelle.
"Nakita ninyo 'yan? That's proof of Manang Laura's fault! Your daughter, Beckha, is the daughter of my fucking adopted sister! She's a Fortes and not a Ramirez, katulad niyo. So if you want us to keep this a secret forever, then do everything I say!" she exclaimed angrily.
Napa awang ang labi ko. Agad akong pumasok sa loob. Hindi ko na natiis na makinig nalang sa lahat.
"Totoo ba lahat ng narinig ko?"
Tumayo ako ng matuwid na hinarap ngayon sina Mama at Papa. Nagulat pa si Ma'am Clarabelle nakita ngayon ako. Totoo ba 'yon? Na ampon lang ako nila Mama at Papa dahil ang totoo kong magulang ay... si Tita Victoria? And I'm not a Ramirez but a Fortes?
"Be-beckha, ka-kanina ka pa ba?" na uutal na saad ngayon ni Mama na gulat pang nakatingin sa akin ngayon sa harap nila.
Hinarap ko ngayon si Mama, naawa akong tingnan siya ngayon. Silang dalawa ni Papa na umiiyak. Parang dinurog ang puso ko. Gusto kong mag collapse dahil sa nalaman ko. Hindi ko expect na ganito ang eksina na madadatnan ko ngayon sa bahay.
"Mama, ano 'yong narinig ko? Totoo ba lahat ng 'yon?" garagal na tanong ko.
"Beckha, anak..."
Lumapit ngayon sa akin si Mama pero medyo umatras ako sabay iling-iling. Tiningnan ko si Ma'am Clarabelle na sobrang gulat ngayon sa presensiya ko sa harap niya after marinig ko lahat ng sinabi niya.
Damn her! Hinding-hindi ko siya mapapatawad sa lahat ng ginawa niya kahit na Mommy pa siya ni Gideon!
"I'm a Fortes?" straight forward kong tanong sa kanya.
Kahit hindi ko halos ma process sa isip ko. Lakas loob kong tinanong 'yon sa kanya ngayon sa harap niya.
"You misheard it, Beckha; you're not a Fortes, and you will never be. Ramirez ka! I was just joking–"
I cut her off. Ngumisi ako. "Really? Joking? I didn't know na marunong ka pala mag joke. How about that night sa lahat ng sinabi mo sa akin. Lahat rin ba ng 'yon joke lang din?"
Lumapit ulit ngayon sa akin si Mama na umiiyak na. Ganoon rin si Papa. Hinawakan nila ako ngayon sa balikat pero iniwaksi ko sila.
Nasasaktan ako ngayon na nakikita silang ganito. Pero ang malaman na hindi pala nila ako tunay na anak ay sobrang sakit. Hindi ko halos ma tanggap ang lahat. All these years pinaniwala nila ako na tunay na anak nila? Kasinungalingan lang pala ang lahat?
Galit, puot, pagkamuhi, at sakit. Iyan 'yong nararamdaman ko ngayon! I was fucking betrayed!
Suddenly, I feel something; my head is aching. Bigla rin akong nahilo dahil sa mga nangyayari at nalaman ko ngayong araw. Saglit akong napapitik, napahawak na ako sa sentido ko.
BINABASA MO ANG
Admiring at Midnight
RomanceBargain Nostalgia Series #1 (Gordovis) Atasha Veronica Ramirez, an entrepreneurship student, met Gideon Seighver Gordovis, who came from a wealthy family and took a double course in civil engineering and business. Ayaw ni Beckha kay Gideon, hindi da...