"Paano mo nalaman?"I'm with Gideon right now, and he was driving the car. Ewan ko ba kung bakit ako ngayon sumama sa kanya. Sir Cleyu insisted also pero tinanggihan ko na.
Paano niya nalaman na hindi ako okay? Saka nag abala pa talaga siya na bumili ng gamot para sa akin kahit hindi naman na dapat.
"Madali lang malaman. Unang kita ko palang sa 'yo, alam ko na agad."
Kinagat ko lang ngayon ang ibabang labi ko dahil parang nababahing ako pero pinigilan ko dahil nakakahiya sa kanya.
Himala ata at hindi kami nag sagotan ngayon dalawa. Kasi parang 'yon na ang naka sanayan ko sa amin.
"At kaylan ka pa naging concern sa akin?"
He didn't utter a single word. Ngumuso lang ako ngayon saka binaling ang tingin sa labas. Tumila narin 'yong ulan, mabuti naman.
"Nililigawan ka ba niya?" he suddenly asked.
I glanced at him. "Sino? Si Cleyu?"
Tumango lang siya ng kunti habang nakatoon parin ang atensyon sa daan. Hindi niya na ulit ako binalingan ng tingin.
"Hindi, but... I think may gusto siya sa akin? Or he's just flirting with me."
Hindi naman assuming ako. Pero hindi mo naman siguro bibigyan nang kahulogan ang pinapakita ng isang tao kung hindi ka niya pinapakitaan ng motibo.
"Do you have feelings for him?"
"No."
I don't know kung namalik mata lang ba ako pero nakitaan ko bigla ng pag kurba ang gilid ng labi niya.
His forehead creased. "Are you sure?"
"Kaibigan lang ang turing ko sa kanya."
"Good."
Napa singkit ngayon ang mata ko. "Good? For what?"
He cleared his throat. "Nothing, forget it. Isipin mo lang 'yong sarili, since you're not feeling well. It was my fault because I brought you yesterday to the hospital."
"Tsk, okay. OA mo naman."
"You were. And I'm not."
My lips parted a little. Strikto talaga kahit kaylan, eh!
Dalawang araw rin akong hindi naka pasok dahil nga lumala ang lagnat ko. Mabuti nalang at naging okay naman ako ngayon.
"Okay kana ba, Beckha?" tanong ni Ante Jenny nang nakita niya ako ngayon. Sakto dumating narin si Leilani sakay ng tricycle at papasok narin.
"Okay na po ako. Siguro sa panahon lang kaya naging gano'n."
Henead to foot ako ngayon ni Leilani then she smiled widely saka lumapit sa akin at hinawakan ako sa braso.
"Mabuti naman at okay kana? Ang daming nag alala sa 'yo kahit nilagnat ka lang."
"Good morning world!"
Dumating naman ngayon si Martyn na malayo palang ang saya na. Umirap lang naman si Leilani dito.
"Mukang ang saya ata natin ngayon, Martyn?" tanong ni Ante Jenny na nakay Martyn ang atensyon ngayon.
"Nakalimutan mo na ba? Birthday ko ngayon kaya umayos-ayos ka sa akin, Ante Jenny. Iwasan mo muna akong utosan para hindi kita kutosan diyan." biro niya. Ang laki pa talaga ng ngiti niya na parang bang nanalo ng lottery.
"Gago 'to!" napa iling-iling nalang si Ante Jenny na parang natatawa kay Martyn.
"Joke lang! Basta 'yong free meals ko ngayon, ah?"
BINABASA MO ANG
Admiring at Midnight
RomanceBargain Nostalgia Series #1 (Gordovis) Atasha Veronica Ramirez, an entrepreneurship student, met Gideon Seighver Gordovis, who came from a wealthy family and took a double course in civil engineering and business. Ayaw ni Beckha kay Gideon, hindi da...