Chapter 9

4.6K 130 54
                                    


Hindi na ako naka palag pa at hinila na ako ngayon ni Giveon papunta sa kapatid niya. Si Martyn naman may kausap na ngayon na lalaki na hindi ko kilala.

"Karl, this is Beckha, 'yong lagi kong sinasabi sa 'yo?" pagpakilala niya sa akin ngayon sa Ate Karlie niya.

"Oh? Ikaw pala 'yong nababanggit lagi sa akin ni Giveon? Totoo nga talaga maganda ka. It's nice to meet you, Beckha. I'm Karlie Gordovis, but soon to be Juardin... Giveon's sister. It's good that you're here, you came."

She smiled at me. Nang na abot siya ng kamay sa akin ay agad ko rin naman tinanggap.

Medyo natulala pa ako sa sobrang ganda niya at nahihiya ako kasi ang lambot ng kamay niya. Maging 'yong boses niya ang ganda rin, babaeng babae talaga.

I smile at her. "Congratulations nga pala para sa engagement party...." I paused, kasi hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa kanya.

Medyo tumawa siya ngayon. "Just call me Ate Karlie since I'm more than a few years older than you, don't be shy. I've also heard from Manang Laura that your parents couldn't make it here because they were so busy. I want to say thank you for the fresh flowers that we have right now."

Ang sabi ni Ate Karlie, sobrang nagustohan daw niya ang mga fresh na bulaklak galing sa amin. Kaya naman nag paalam na muna siya na may kukunin lang daw saglit.

"I told you she's nice. Maybe Karlie has an intimidating face, but she's genuine to be with."

Bumalik agad si Ate Karlie na may dala ngayon na maliit na box saka inabot sa akin.

"Please give this to your parents, it's my gift. I bought this when I was in France."

"Tha-thank you.." I stuttered.

"Gideon, come here!"

Gideon went to us because Ate Karlie called him. Napa baling pa 'yong tingin niya ngayon sa kamay ni Giveon na nasa bewang ko bago siya ngumisi.

"Gideon, she's Beckha, Giveon's soon-to-be girlfriend." pagpakilala sa akin ni Ate Karlie kay Gideon.

Nagulat pa ako ngayon dahil sa sinabi nito. Tumawa lang naman si Ate Karlie dahil nakita niya ang pagka gulat ko.

Nakakahiya talaga. Ang ganda-ganda at sobrang bait niya. Sobrang classy niya rin.

"Yup, I know her already. But not as Giveon's soon-to-be girlfriend." Gideon said that and even smirked when he glanced at me.

He even sounds sarcastic. What an asshole!

"Uh-oh, mali ba ako?"

Bigla namang may lalaki ngayon na lumapit sa banda namin saka hinalikan ngayon sa pisngi si Ate Karlie saka hinapit ito sa bewang. Siguro siya 'yong fiance.

"Hon, Mom's called us..."

Nag paalam si Ate Karlie saka 'yong fiance niya kaya naiwan nalang kami ngayon dito tatlo. Beneso pa nga ako ni Ate Karlie bago umalis. Hawak ko pa ngayon ang bibigay niya para kina Mama. Nag abala pa talaga siya.

Nasa isang table pa ako ngayon with these two. Si Martyn naman hindi ko na mahagilap kung nasaan na. Si Eunice rin hindi ko na nakita pa.

"Wine, Beckha?" Giveon offered.

"She's not allowed to drink, Giveon." sabi ni Gideon sa malamig na boses saka suminyas sa waiter na lumayo sa banda namin. Pa simple pa akong ngumuso ngayon.

"Hindi ba pwede?"

"Hindi kasi ako umiinom, eh." sabi ko sabay peace sign kay Giveon.

Actually, kahit isang bisis lang sana gusto ko lumagok ng wine pero napagtanto ko na wa'g nalang.

Admiring at MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon