Habang kumukuha ako ng tubig ay lumapit sa akin si Cleyu ngayon. "Nag enjoy ka ba, Beckha?"I smiled. "Oo naman sobra. Sana maulit pa ito sa susunod."
"Next time punta tayong Dahican, gusto mo? Isama natin sila para mas masaya."
"Sure, Cley, game ako diyan."
"Cley, papunta na raw si Keanu dito. Hindi ko alam kung sino ang asama niya. Hula ko si Gideon. Kasal kasi ngayon ni Karlie at Sy sa Pearl Farm."
Napatingin pa sa akin ngayon si Onew nang sinabi niya 'yon.
"Pabalikin mo."
"Ano? Pababalikin ko? Putcha! Sina Keanu ang may-ari nitong beach, tapos pauuwiin ko? Baka tayo pa 'yong mapa agad ang uwi ngayon!"
"It's okay, Cley, wala lang naman sa akin," I lied.
To be honest kapag makita ko ngayon si Gideon ay hindi ko alam 'yong gagawin ko. Kung kasama man siya ni Keanu ngayon. Alam niya kaya na nandito rin ako? Saka kasal ng Ate Karlie niya dapat wa'g na siyang sumama at bumalik nalang ng Manila.
Sa gitna ng pag lalakad namin sa seashore ni Cleyu ay bigla nalang akong nakaramdam ng hilo kaya napahinto ako.
"Are you okay, Beckha? Masama ba pakiramdam mo?" he asked. Hinawakan niya ako ngayon sa bewang.
"It's okay, Cley, medyo sumakit lang 'yong ulo ko dahil sa init." sabi ko saka napahawak pa sa ulo ko.
"Sure ka ba? Halika muna dito..." saka iginaya niya ako ngayon sa isang upoan kung saan 'yong mesa.
I shook my head. "Villa na muna ako. Siguro itutulog ko nalang ito."
"Anong nangyari?" nag alalang tanong ngayon ni Muri.
"Bigla nalang sumakit 'yong ulo niya dahil sa init. May gamot ako ditong dala na pwede mo inomin, Beckha."
Umiling ako. "It's okay, Cley, itutulog ko nalang ito. Mawawala rin ito mamaya."
Sinamahan ako ngayon ni Muri pabalik sa villa. Si Eunice kasi kausap ngayon ang girlfriend ni Rui. Kaya kami lang dalawa.
"Okay ka lang ba talaga? If you need anything just tell me."
"Don't worry, Muri, okay lang talaga ako." I assured her.
Medyo may kalayoan 'yong villa dito kaya nilakad pa talaga namin ni Muri. Habang nag uusap kami ay may nakasalubong kaming dalawang lalaki na nag patigil sa aming dalawa.
It's Gideon and Keanu.
Sumama talaga siya kay Keanu dito? Hindi ko maiwasan mapatingin ngayon kay Gideon. Natigilan rin siya ng nakita ako pero agad siyang umiwas ng tingin sa akin na para bang ayaw niya akong makita.
Humakbang siya ngayon. Akala ko pupunta sa akin pero nilagpasan pala niya ako.
Sumunod naman ngayon sa kanya si Keanu na nginitian lang kami bago kami nilagpasan. May dala pa silang iilang box ng pizza saka iba pa.
Hindi ko alam pero bigla nalang sumikip ang dibdib ko. Dali-dali kung tinakbo 'yong villa kasi naduduwal ako. Ano ba itong nangyari sa akin? Actually kaninang umaga pa akong nagsusuka. Basta pag gising ko naduduwal nalang ako bigla.
"Hey, I'm worried now. Tatawagin ko na ba sila? Wala ka rin namang lagnat."
Akmang iiwan na ako ngayon ni Muri pero tawagin sana sila pero pinigilan ko siya.
Pagkatapos kong mag suka ay nag toothbrush ako. Nag hilamos pa ako ngayon bago humiga sa malaking kama kung saan kami tatlo matutulog mamaya.
"I'm okay here, Muri. Pwede ka ng bumalik do'n at matutulog lang muna ako dito."
BINABASA MO ANG
Admiring at Midnight
RomanceBargain Nostalgia Series #1 (Gordovis) Atasha Veronica Ramirez, an entrepreneurship student, met Gideon Seighver Gordovis, who came from a wealthy family and took a double course in civil engineering and business. Ayaw ni Beckha kay Gideon, hindi da...