Chapter 38

1.8K 26 0
                                    


Gideon and I went to Venice Canal Grand Mall, and we're trying to ride the traditional gondola ride.

"I love you, love..." he whispered softly while we're in the boat now.

Gondoliers was singing.

I cleared my throat. "I love you too, Deon." then I pressed my lips together.

"Deon?"

He smirked, so I looked away. Tumingin ako ngayon sa kabilang gondola ride na mukang mag boyfriend-girlfriend ang sakay. Ang sweet pa nila dalawa sa isa't isa. Lalo na no'ng babae na ang clingy sa boyfriend niya. Palagi pa itong nakangiti.

Nasa isip ko pa, walang forever.

Bitter lang ang peg?

Napaka gaga ko lang talaga. Kami rin naman ni Gideon dati wala kaming forever sa unang pagkakataon. Pero sana ngayon sa pangalawa, meron na.

Hinalikan ng babae ngayon ang boyfriend niya sa pisngi kaya medyo napangiwi ako. Bakit ba parang ang bitter ko sa relasyon ng iba?

What if ayawan ako ni Gideon nalang bigla kasi hindi ako ganyan sa kanya? Dapat rin ba akong maging clingy sa kanya? Pero noon hindi rin naman ako ganyan sa kanya dati. Mas siya 'yong clingy sa akin. Lagi ko pa nga siya pinagsasabihan kasi hindi ako sanay.

"Atasha Veronica..."

Napatingin ako kay Gideon ngayon na tinawag ako sa buong pangalan ko.

"Bakit po?"

"What are you thinking?"

I flushed. "Huh? Wa-wala naman."

"Come here..." he said huskily saka hinila ako papalapit sa kanya. "Look at me." utos niya.

"What—"

Naputol agad ang sasabihin ko dahil hinalikan nalang niya ako ng bahagyan sa labi. Siguro mas lalong pumola ngayon ang muka ko.

Never mind. I should enjoy this day with Gideon.

Pagkatapos niya akong halikan ay inipit niya ngayon ang buhok ko sa gilid ng tenga ko. Katulad ng lagi niyang ginagawa sa akin.

He smiled at me, sweetly.

"Thank you, Gideon..." I whispered.

"For what?"

"Hmm. Dahil minahal mo ako?"

"Of course, mamahalin naman talaga kita kasi wala kang katulad."

I hide a smile and lean my head on his shoulders. Nariring ko pa ngayon ang malakas na pintig ng puso niya. O, baka sa akin? Pero pareho mahal namin ang isa't isa kaya para fair sa amin nalang dalawa.

It feels like our heartbeats collided as one.

Me and him had fun together. Pumunta pa kami sa cinema after namin sa gondola ride. Pinanood lang namin ang isa sa sikat na movie ngayon. After that ay kumain lang kami tapos nag lakad-lakad lang kami ni Gideon sa venice piazza. Nag paalam muna siya saglit sa akin na may bibilhin lang saglit.

Nag open ako ng facebook habang wala siya. Sakto naman tumunog ang phone ko. Nakipag video call sa akin ngayon si Mommy.

Pag open ko nguso agad ni Vivienne ang nakita ko sa screen. Sobrang lapit kasi ng muka niya.

"Mommy, look at my lips... Dada bought this pink lipstick for me, she says that this is perfect for my age."

"Viv, you're disturbing Mommy."

I heard Gionne's voice in the background. Pinag sabihan niya na naman ang kakambal niya na makulit.

"You're just selos... kasi lipstick not good for boys. It's bawal sa 'yo!" Vivienne said that in her conyo aussie accent.

Admiring at MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon