Nasa couch kami ngayon nina Muri, Eunice, Kristoffer and Krystalette. Nag paalam muna sa akin si Gideon na umuwi na sa kanila. Tumawag kasi ang Mommy niya at pauwi na ito ngayon with his father.
Masaya kami na natapos namin e bake 'yong cookies na okay ang kalabasan. Hindi maipag kakaila na magaling talaga mag turo si Muri. Tumunog ang cellphone ko at ilang minuto rin ang lumipas bago ko ito nakita.
Bossy boyfriend:
Just text me if you are going home, and I'll pick you up. I love you.
Nag type naman agad ako ng reply. Medyo siniko pa ako ni Eunice nang napansin niyang tutok ako sa cellphone ko ngayon. Hindi ko na nga na subaybayan ang pinanood namin na movie ngayon.
"Nakakaingit naman na may mag tetext sa 'yo ng ganyan." Eunice sighed saka sumiplat pa kay Kris na tutok ngayon sa pinapanood.
Nag paparinig ba siya?
"Don't be jealous of her, Eunice. Hindi rin naman 'yan sila mag tatagal. Knowing Gideon? Hindi nag seseryuso 'yon." Krystalatte rolled her eyes. Ang higpit pa ng pag hawak niya sa throw pillow na nasa kandungan niya ngayon.
Sobrang galit pa niyang makatingin ngayon sa akin na para bang may kasalanan ako sa kanya.
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni Krystalatte at agad ko nalang tinago ang cellphone ko nang naka pag reply ako kay Gideon.
Me:
Okay, I love you too.
"Hindi naman si Eunice 'yong mukang jealous. Ikaw naman, Latte" biglang sabi ni Kristoffer.
"What?"
Hindi pinansin ni Kristoffer si Krystalatte bagkos ay tumayo na ito saka tiningnan kami ngayon ni Eunice at Muri.
"Nga pala, maiwan ko na muna kayo. May gagawin pa kasi ako sa taas. And Latte, please be good to them, tsk." saka umalis na si Kristoffer. Ngumiti pa siya sa amin bago pumahik sa taas.
Ang sama pa ngayon makatingin ni Krystalatte sa amin tatlo. Mag kapatid sila ni Muri pero ang sama naman ata niya sa kapatid niya?
Narinig ko kay Eunice na kawawa daw si Muri sa Ate niya kasi maldita daw talaga ito.
Alas tres na ng hapon nang napag desisyunan namin na umuwi na. Si Eunice ay sunsundoin daw ng driver nila, ako naman ay nag hihintay kay Gideon. Muri offered na ihahatid na ako sa amin pero tinanggihan ko na. Mag iisang oras na kasi pero wala pa si Gideon. Baka naman busy lang talaga dahil umuwi na 'yong Mommy niya ngayon. Nag hintay ako ng reply niya pero wala.
"Are sure na hindi ka talaga papahatid? Anong oras na baka busy talaga si Gideon." alalang saad sa akin ni Muri na kasama ko ngayon dito sa labas.
"Okay lang, Muri, baka papunta na 'yon." I gave her a smile pero deep inside ang layo na ng iniisip ko.
Ano kayang nangyari? Bakit hindi nag re-reply sa akin ngayon si Gideon. Baka naman busy siya ngayon at may ginagawang importante. Lahat ng masamang idea na pumasok sa isip ko ay pilit na iniwaksi ko dahil ayaw ko pag isipan ng masama si Gideon.
Lumapit ngayon sa akin si Muri saka may pinakita sa aking picture. It's Gideon with a girl na mag kasama. I don't know kung kuha ba ito ngayon. Medyo umawang ang labi ko at hindi ako ngayon makapag salita.
"She's with Alexandra?" Muri said. Tiningnan niya pa ako ngayon at ilang na tumawa pa siya. "Don't mind this, Beckha, baka wala lang ito..."
I faked my smile at Muri. "Ano ka ba, Muri, it's okay."
Hindi na ako umimik. I've decided na pahatid nalang ako sa driver nila Muri pero bago pa man nakuha nito ang sasakyan na gagamitin ay dumating na si Gideon.
BINABASA MO ANG
Admiring at Midnight
RomanceBargain Nostalgia Series #1 (Gordovis) Atasha Veronica Ramirez, an entrepreneurship student, met Gideon Seighver Gordovis, who came from a wealthy family and took a double course in civil engineering and business. Ayaw ni Beckha kay Gideon, hindi da...