Chapter 5

4.8K 154 44
                                    


Ngayong araw ako pupuntang school para mag take ng admission test. Sakto ay day off ko rin ngayon.

After what happened last time ay hindi ko na nakita pa si Tali. Tinanggal narin siya sa Mint Coffeeshop.

Sobrang saya pa ni Martyn at Leilani kasi wala na daw kaming pangit na asungot na kasama kahit isang bisis lang rin naman si Tali naka duty. May bago kaming kasama si Bea. Mabait at hindi katulad ni Tali na masama ugali.

Papasok na sana ako ng school nang hinarang ako ng guard. Sinabi ko naman na mag ta-take pa lang ako ng admission test ay pinapasok na nila ako. Isang oras at kalahati din bago ako natapos.

Dahil sa medyo na siyahan ako ay nag lakad-lakad na muna ako hanggang sa napadpad ako sa maingay na gym. Nakaramdam naman ako ng gutom pero ininda ko nalang muna dahil na curious ako kung anong meron sa loob.

Pag pasok ko madaming tao. May nag che-cheer at nag sisitilan na halos babae. May dala pang pom poms na may iba't ibang kulay 'yong iba. Sobrang laki pa ng ngiti nila na parang may kung anong meron.

"Hey girl! Hello!"

May lumapit sa akin ngayon kaya napatingin ako dito. It's Muri, 'yong minsan narin naging namalagi sa coffee shop at bumibili ng bulaklak sa amin. Nagulat pa ako kasi nandito rin siya ngayon.

"Incoming freshman?" she asked.

I smiled at her. "Ah, hindi. Mag thi-third year na ako. Transferee at ka ta-take ko lang ng admission test kanina, ikaw?"

"Same pala tayo. Mag thi-third year narin ako, eh. I'm here right now to support my brother playing basketball." masayang saad niya saka ngumiti sa akin.

"Ah, gano'n ba?" sabi ko nalang kasi wala na akong maisip sabihin. Nahihiya ako ngayon sa kanya.

"Ako nga pala si Kelseyah Muri, pero pwede mo ako tawaging Muri nalang." nag lahad siya ngayon ng kamay sa akin na tinanggap ko naman agad.

"Beckha nga pala." pagpakilala ko.

"Tara, dito tayo banda!" saka hinila niya ako papunta sa isang bakanting upoan sa may ibabaw.

Mabait si Muri at laging nakangiti. Mahinhin rin siya, makikita mo sa kilos at salita niya.

"Go my loves, kaya mo 'yan!"

"Gusto kita number 6 ang pogi mo!"

"Hoy, e shoot mo na dali!"

Medyo nabingi pa ako sa sobrang ingay ng ibang babae na nag hihiyawan ngayon dito sa loob.

"Boring naman." she yawned. May kinuha siya ngayon sa chocolates sa sling bag niya saka binigyan niya ako.

"Thanks,"

"Hindi ka mahilig manood ng basketball 'no?"

How did she know? Hindi naman kasi talaga ako mahilig sa basketball. Sinubokan ko lang talagang pumasok dito kanina.

"Paano mo nalaman?"

She just shrugged and smiled at me. "Feel ko lang."

Maya-maya pa nakapag desisyon muna kami na kumain sa kainan sa labas tapos babalik din agad kami dito sa gym. Hindi pa naman kasi nag start laro ng kapatid niya kaya may time pa kami para mag lunch.

Habang kumakain kami ay nag kwe-kwento sa akin si Muri. Dahil magaan nga ang pakiramdam ko sa kanya ay pati ako napa kwento narin.

"By the way, Beckha. Dadating ngayon 'yong kaibigan ko, pakilala kita sa kanya. Mabait 'yon at magkaka sundo rin kayo..." aniya saka ngumiti.

Tumango lang naman ako sa sinabi niya. Ewan ko ba masaya akong kasama siya, though she's mahinhin pero hindi siya boring na kasama.

Gusto ko na nga sana umuwi para makatulong ako kina Mama sa flower shop pero nahihiya akong mag sabi sa kanya. Saka isa pa baka pag umalis ako ngayon at iwan siya ay baka wala na siyang kasama since hindi pa dumating 'yong kaibigan niya.

Admiring at MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon