Chapter 33

2.2K 25 0
                                    


"Beckha..."

Napa angat ako ngayon ng tingin kay Mama. Nakitaan ko pa ng pag aalala ngayon ang muka niya.

"Yes po, Ma?"

"Si Snowy kasi nanghihina. Mukang may sakit." aniya kaya bahagyang umawang ang labi ko.

"Kaylan lang po?"

"Kanina lang kasi hindi naman siya ganyan kahapon. Nanghihina siya at nagsusuka ng dugo." si Mama na hindi mapakali ngayon. Maging ako rin hindi matukoy ang nararamdaman ko.

Tiningnan ko ngayon si Snowy na nanghihina ngayon na naka higa sa carpet. Nasa bahay kasi kami ngayon, wala kasi si Mommy at Daddy may nilakad sa Ilo-ilo kaya para hindi mabagot ang kambal ay pinasyal ko na muna kina Mama at Papa.

"Snowy..." sa malambing kong boses saka hinawakan ko ang pisngi nito.

Bahagyang bumuka ang mata nito ng binanggit ko ang pangalan niya. I sighed worriedly.

"Dadalhin ko siya ngayon sa vet, Mama."

Kinuha ko ang phone ko para e contact si Cleyu. Mag tatanong lang ako kung may ang kilala ba siya na nag trabaho sa city vet to ask kung available ba ang doctor do'n para mapatingnan ko agad si Snowy.

Mabuti nalang sinagot niya naman agad 'yong tawag ko.

"Beckha, wazap?"

Napabuntong hininga ako. "Cley, may kilala ka ba na nag tatrabaho ngayon sa city vet?" I sounds panicky.

Napatingin ako ngayon ulit kay Snowy. Naaawa ako sa kanya kasi sobrang nanghihina na siya. Kaylangan na dapat niyang mapatingnan ngayon.

"Oo, bakit ba? Something wrong?"

I was relieved.

"Si Snowy kasi nagka parvovirus ata kaya dadalhin ko sana ngayon do'n para ma pa-check. Mag tatanong lang sana ako kung available ba ngayon ang veterinarian nila."

"Sige tatawagan ko agad ngayon 'yong kilalala ko. I will update you agad."

I pressed my lips. "Thanks, Cley."

Ilang minuto lang din ang lumipas ay agad akong naka tanggap nang text kay Cleyu na available daw anytime ang doctor kaya agad kong dinala si Snowy sa city vet.

Gusto nga sana sumama ni Mama pero sinabi ko sa kanya na ako nalang kasi medyo busy si Papa at walang titingin ngayon sa kambal. Though they had fun naman pero need parin talaga nilang bantayan.

May binili kasi si Mama na plastic mini pool na pinalobo ni Papa kanina para magamit ng kambal. Pinuno niya ito ng tubig kaya sobrang tuwa nina Vivienne at Gionne. Kaya nag lalaro lang sila ngayon sa may bakuran namin kung saan ito nilatag kanina ni Papa. Medyo lumabong na kasi ang bermuda sa harap ng bahay namin.

"Snowy, ipapagamot na kita ngayon... saglit lang, okay?" may halong kaba na bulong ko habang nag dra-drive ako. Gamit ko ngayon ang kotse ni Mommy.

Noong umalis ako dati sina Mama na ang nag alaga kay Snowy. Saka nahihirapan kasi ako no'n na dalhin siya sa Australia. Saka naisip ko na baka kapag makita ko lang lagi si Snowy ay ma alala ko lang si Gideon sa kanya.

Pagkadating ko sa vet ay agad rin naman tiningnan si Snowy ng doctor. May aparato pang ni lagay dito at may in-inject din para dito na anti-biotic para sa parvovirus.

Ang sabi ng doctor ay mabuti nalang daw ay agad nadala si Snowy kaya medyo na buhayan ako ng loob.

Mahalaga si Snowy para sa akin, at napamahal narin kina Mama at Papa. Tapos bigay pa ito noon sa akin ni Gideon.

Admiring at MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon