Chapter 45

1.1K 15 0
                                    


"My love, please be careful" I said to Vivienne who's playing right now here in our room.

We're here right now in Singapore together with my sister Sabrina. Nag check-in kami ngayon sa hotel na binook sa amin nang kapatid ko. Kadarating lang namin dito no'ng nakaraang araw. It's actually our second day here with Vivienne and Gionne. Sinundo pa kami ni Sabrina sa Changi Airport.

After that night ay sinabi ko kay Gideon na aalis na muna kami nina Vivienne at Gionne kasi nag text rin sa akin that night si Sab na sana makapunta kami mag pamilya sa Singapore. Ayaw nga sana niyang pumayag, pero sabi ko sa kanya na ayosin na muna niya ang relasyon niya sa Mommy niya bago siya sumunod sa amin dito.

I promise him that we will wait for him here so that we can spend some time here in Singapore with our kids.

Vivienne cried that morning nang umalis kami. Ayaw niya pa sana sumama sa akin dahil ayaw daw niya iwan ang Daddy niya. Pero nangako si Gideon sa kanya na susunod siya dito sa amin. Hindi ko naman alam kung kaylan ang dating niya.

I know it's hard for him an mapalayo ulit siya kay Vivienne at Gionne kahit ilang araw lang.

I asked Gideon when his flight was, but he didn't answer or even reply to my text. Kaya medyo kinabahan na ako. I tried to call him, but he's out of coverage. Nag check ako kung online ba siya sa social media since mutual na ulit kami pero hindi siya online.

"Ate, okay lang ba sa 'yo na ipakilala ko ngayon ang friend ko na lalaki?"

Napapansin ko pa parang hindi siya mapakali ngayon.

"Hm, sure... but are you sure na lalaking friend lang ba talaga 'yan?" I chuckled to tease her, but she rolled her eyes.

Sabrina cleared her throat. "Y-yes naman friends lang kami." she's stuttering kaya napangisi ako.

Hindi ko naman na siya kinulit pa about sa boy bestfriend niya. May tao ata sa labas ng room namin ngayon kaya dali-daling lumabas ngayon si Sabrina. Sumunod pa sa kanya ngayon si Vivienne.

"Mommy, when's Daddy's flight here?" Gionne asked kaya lumapit ako sa kanya at medyo pinisil ang pisngi nito.

I smiled at Gionne. "Your Dad needs to handle important things in the Philippines right now. He doesn't have any texts or calls yet, but let's wait, my love. Maybe the next day your Dad will be here already, okay?"

"Okay, Mom." Gionne smiled back at me and kissed me on the cheeks.

Busy ulit siya sa nilaro niya ngayon. Napabaling pa ako ngayon ng tingin kay Sabrina. Nagulat pa ako nang makita ko sino 'yong kasaman niya ngayon. Ngumiti ito sa akin habang ako gulat parin pero nakabawi rin naman agad.

Theo? Siya 'yong tinutukoy ng kapatid ko na ipakilala niya ngayon sa akin? My parted a little dahil sa gulat. Tiningnan ko ngayon si Sabrina at inangatan ng kilay. Parang nakuha niya naman ang punto ko kaya suminyas siya sa akin na maging maayos sa lalaki sa harap ko.

Theo smiled awkwardly at me. "Hi, Beckha, masaya akong makita kita muli dito ngayon.... na kasama 'yong mga anak mo."

"Mommy, Tita Sab boyfriend!" sa matinis na boses ni Vivienne na tinuro pa ngayon si Theo. "The uncle from the store!"

"Viv, hindi ko siya boyfriend, boy–friend lang." pag tanggi ng kapatid ko.

"Huh?" Vivienne looks confused right now.

Theo chuckled awkwardly. "Actually, the reason why I asked for your number the last time, Beckha, was to ask about your sister since you were rushing to go home that day and you were busy. But sad to say, you gave me the wrong number."
he said saka napahawak pa siya sa batok niya na parang naiilang.

Admiring at MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon