Chapter 8

4.7K 135 48
                                    


Dahil nga wala akong pasok sa sabado ay tumulong ako sa flower shop namin. Nag hahatid ako ng mga pinapa reserved na bulaklak nang customers dito lang rin naman hindi kalayoan sa amin. Gamit ko pa talaga ngayon 'yong bike ni Papa. Nag enjoy rin naman ako sa ginagawa ko kahit na sobrang init.

Nang matapos kong e-deliver lahat ay nag pahinga muna ako saglit sa labas. Nagulat pa ako dahil nakita ko si Gideon palabas ng flower shop namin saka umalis rin naman sakay nang kotse niya.

Hindi niya ata ako napansin. Pumasok rin naman agad ako sa shop namin. "Ma, anong ginagawa dito ni Gideon?"

Mukang hindi naman 'yon bumili ng bulakalak kasi pag labas niya wala naman siyang dala. Siguro may sadya lang talaga 'yon dito. Pero ano naman?

"May ibinigay lang, Beckha."

Nagulat ako kasi tinuro ngayon ni Mama ang lagayan ng mga iilang branded na chocolates.

"Bigay niya lahat 'yan? Ang dami naman n'yan, Ma?"

Hindi naman kasi talaga ako sobrang hilig sa chocolates. Mukang si Mama lang ata makakaubos ng lahat nang 'yan.

"Kakauwi lang kasi daw ng kapatid niya na si Karlie galing France at may dala itong madaming chocolates kaya ipinabigay."

"Pumunta lang talaga siya dito para ibigay 'yang mga chocolates?"

"Oo nga, 'di ba? Hinanap ka nga n'ya sa akin pero sabi ko nag de-deliver ka ng mga bulaklak."

Ngumuso lang ako sa sinabi ni Mama. Umupo ako ngayon sa isang monoblock chair at humarap sa electricfan para mag pahangin kasi na alibadbaran ako. Ang init naman kasi sa labas.

Wala akong ginawa hanggang hapon kundi tumulong sa flower shop namin. Kapag may nag papa-deliver ay hinahatid ko naman basta hindi lang gaano malayo.

Tumunog 'yong phone ko kaya kinuha ko naman rin agad para tingnan kung sino 'yong nag text.

Gideon sungit:

Nag punta ako sa flower shop n'yo but wala ka. Sayang, gusto pa naman kitang makita.

Agad rin naman agad nag type nang reply para kay Gideon. I bit my lip slowly then smiled.

Me:

Busy kasi ako. At bakit mo naman ako gusto makita?

I smiled again nang nag reply agad siya sa akin. Ang bilis! Hindi ba siya busy?

Gideon sungit:

What do you think?

I cleared my throat. Nakita ko pa ang pag siplat sa akin ni Mama ngayon sabay iling-iling.

Me:

Huh?

Gideon sungit:

Maging sa text bingi ka parin?

I frowned. Napaka pilosopo talaga niya kahit kaylan, kainis.

Gideon sungit:

Isn't it obvious? Ich ha di gärn.

Mag re-reply na sana ako sa kanya ngunit na unahan niya agad ako. "Typo pa siya." I uttered to myself.

Me:

Ayan, dahil sa bilis mo mag reply nagka typo kana. Bleh! Ich ha di gärn pa nga.

I was just teasing him para naman maka ganti ako sa pagiging pilosopo niya kahit papano.

Gideon sungit:

Tsk.

Hindi na ako nag reply pa sa kanya kasi may tinapos pa akong gawin.

Admiring at MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon