The next day maaga akong gumising dahil tutulong ako sa pag gawa ng breakfast namin pero nagulat ako pag gising ko wala na si Gideon. Sina Vivienne at Gionne tulog parin. Pinagitnaan kasi namin kagabi ang kambal habang natutulog kami.
Nag hilamos muna ako saka nag toothbrush bago bumaba. Pag punta ko sa may kitchen ay naabutan ko agad si Gideon na nag pre-prepare nang breakfast namin.
May naka lapag na avocado toast, bacon and spinach scrambled eggs, cereal, sausage and egg sandwich, at iba pa.
"Good morning, love." he greeted me with a smile when he saw me standing not so far from him.
"Morning,"
"Are they still asleep?"
Tiningnan ko ngayon si Gideon na naka short lang saka t-shirt. Abala pa siya sa ginagawa niya ngayon kaya nilapitan ko siya.
"Oo, tulog pa sila. Siguro gigising narin 'yon ngayon lalo pa't aalis tayo mamaya." I said while looking at him. He went closer to me and immediately kissed me on the lips.
"Ano ka ba, Gideon, baka may makakita sa atin ngayon dito." nahihiyang saad ko.
"Bakit may mali ba na halikan ang ina ng mga anak ko? Hm?" he gave me a lopsided grin.
Gumawa si Gideon ngayon ng pancake. I can't believe na ang dami niya ngayong niluto para sa breakfast namin.
I go back to our room to check if Vivienne and Gionne are already awake. When I entered, si Gionne pa lang 'yong gising na kinukusot ang mata niya.
I walked towards him and kissed him on the cheek. "Good morning, my love." sabi ko saka niyakap siya.
Tiningnan ko 'yong katawan niya ngayon kung may mga pantal pa ba pero wala na naman.
Gionne kissed my cheeks also. "Good morning, Mommy,"
Gumalaw si Vivienne at maya-maya pa gumising na siya. Yakap pa niya ngayon ang malaking teddy bear niya na dinala pa talaga namin dito sa bahay ng Daddy niya.
"Mommy, where's Daddy?" she asked when she opened her eyes.
"He's in the kitchen, preparing our breakfast, my love." I said that and kissed her cheeks. "Morning,"
"I want to see him," aniya sa malungkot na boses.
"You miss him already, ah?" may tunog pag tatampo pa ngayon sa boses ko.
My Vivienne, sobrang clingy niya kay Gideon. Pero naiintindihan ko naman kasi kahapon pa nila nakita at nakilala 'yong Daddy nila.
Bago kami bumaba ay inalalayan ko na muna ang kambal para maligo. Si Gideon naman habang nag papaligo ako kay Vivienne ay mukang pumasok sa kwarto kasi narinig ko 'yong boses niya kausap ngayon si Gionne. Tapos na kasi naligo si Gionne at nakapag bihis narin.
"Done," sabi ko.
I wrapped the towel around Vivienne's body. Nang medyo natuyo na siya ay binihasan ko muna siya ng pambahay since mamaya pa namin kami aalis at mag bre-breakfast pa kami.
Pag labas namin ng banyo ay agad tumakbo si Vivienne sa Daddy niya. Niyakap naman agad siya ni Gideon saka hinalikan ito sa pisngi.
"Daddy!" tawag ni Vivienne kay Gideon sa malambing na boses.
"Yes, baby?"
"Pagka gising niya, ikaw agad ang hinanap." sabi ko saka ngumuso pa.
Gideon smiled at me, but he tapped Vivienne's hair and slightly pinched her nose. Suminyas pa siya sa akin na lumapit kaya ginawa ko naman.
BINABASA MO ANG
Admiring at Midnight
RomanceBargain Nostalgia Series #1 (Gordovis) Atasha Veronica Ramirez, an entrepreneurship student, met Gideon Seighver Gordovis, who came from a wealthy family and took a double course in civil engineering and business. Ayaw ni Beckha kay Gideon, hindi da...