Pagkatapos ng duty ko ay nagulat ako na may sasakyan na nag hihintay ngayon sa may labas. Nakabihis narin naman ako para sa dinner na magaganap ngayon bahay nina Giveon.Nag dala kasi ako kanina ng damit pang palit para hindi na ako mag abala pang umuwi sa bahay. Naka tanggap rin naman ako ng text galing kay Mama na nasa Gordovis house na daw sila ni Papa. Kinuha daw sila kanina ng driver nila Giveon. Nabanggit ko kasi sa kanila kaninang umaga about sa dinner.
Iyong bahay nila Gideon ay hindi naman masyadong kalayoan din sa amin. Malapit lang kasi 'yong bahay nila sa isang private priparty sa bandang upper. Balita ko nga may bahay din sila sa bandang island hills.
Simple lang naman 'yong suot ko. Isang pucha pink lang na dress na above the knee. Inilugay ko narin ang buhok ko na mahaba at medyo curly sa dulo ngayon.
Pag labas ko ng coffee shop ay agad ako sinalubong ng isang lalaki na kasing edad lang ata ni Papa.
"Ikaw po ba si Ma'am Beckha?" tanong nito sa akin.
"Oo po, bakit?"
May text sa akin si Giveon kaya binuksan ko agad ito.
Giveon:
Ipapakuha nalang kita kay Kuya Arnold, Beckha. Nakakahiya kasing iwanan ang mga magulang mo dito. I can't wait to see you here.
Pumasok agad ako sa sasakyan ng nakita ko ang message ni Giveon. Nag type naman agad ako ng reply para sa kanya.
Me:
I'm on my way, Giveon. Sorry for the late reply.
"Girlfriend ka ba ni Sir Giveon, Beckha?" agad na tanong ni Kuya Arnold habang nag mamaneho siya.
Agad naman akong nahiya sa sinabi niya. "Hindi po friend lang kami, Kuya Arnold."
Does Giveon know that I'm going to their house? Dala ko rin pala ang jacket niya para ma sauli ko na sa kanya kasi no'ng nakaraan pa ito sa akin.
"Diyan rin naman 'yan papunta. Kahit hindi pa kayo mag boyfriend-girlfriend swerte ka diyan kay Sir Giveon. Kasi mabait 'yan."
"Hindi po mangyayari 'yan, Kuya Arnold. Hindi naman po niya ako nililigawan." sabi ko sa naiilang na boses.
Yes, alam ko na may gusto sa akin si Giveon kasi sinabi niya naman 'yon dati. Although, naiilang lang ako sa kanya minsan. I know genuine 'yong feelings niya for me pero hindi ko talaga nakitaan nang gano'n kung ano man meron ngayon sa amin dalawa ngayon.
"Bakit si Gideon po ba hindi mabait, Kuya Arnold?"
Nagulat pa ako dahil 'yan pa talaga ang lumabas sa bibig ko. Pwede naman mag tanong ng iba.
"Sa totoo lang napaka strikto niyan ni Sir Gideon, pero sobrang bait din naman niyan. Ganyan lang talaga 'yan seryuso lagi. Malaki na nga naitulong niyan sa amin noong nagka sakit 'yong asawa ko." pag kwento niya. "Ilang taon ka na ba?"
"Twenty po."
"Nasa legal age ka na pala, pwede na."
Anong pwede ba na pinagsasabi ni Kuya Arnold? Wala pa sa isip ko ang makipag relasyon kahit legal age pa ang twenty.
Mukang kalahating oras lang ay napunta na kami sa malaking espayo at maraming puno. Kita mo sa malayo ang malaking bahay at may malaking gate.
Sobrang yaman pala talaga nila. Nakakahiya tuloy na nandito kami ngayon ng mga magulang ko para sa isang dinner. Pag park ng sasakyan sa harap nang malaking bahay ay nakita ko na agad si Giveon sa labas na hinihintay ang pag dating ko.
Pag labas ko ay agad akong sinalubong ni Giveon. Tumambad pa sa akin ngayon ang malalim niyang dimple dahil sa kanyang pag ngiti.
"Finally, nandito kana, Beckha." aniya saka lumapit siya sa akin at agad niyakap ako.
BINABASA MO ANG
Admiring at Midnight
RomanceBargain Nostalgia Series #1 (Gordovis) Atasha Veronica Ramirez, an entrepreneurship student, met Gideon Seighver Gordovis, who came from a wealthy family and took a double course in civil engineering and business. Ayaw ni Beckha kay Gideon, hindi da...