Kinabukasan maaga kaming bumyahe pauwi. Si Cleyu ulit ang nag drive salitan ulit sila ni Onew kasi malayo rin ang byahe.That night halos wala ulit akong tulog sa kaiiyak at sa daming iniisip. Si Muri at Eunice rin hindi makatulog dahil sa akin.
Pag uwi ko sa bahay ay wala 'yong parents ko nasa flower shop ata kaya naisipan ko na pumupunta do'n. Pag dating ko ay nagulat ako kasi nakita kong lumabas ngayon 'yong Mommy ni Gideon pero agad din naka alis sakay nang kotse nila.
Dali-dali naman ako pumasok shop. Pag pasok ko naabutan ko si Mama na umiiyak na ngayon.
"Papa, anong ginagawa ni Ma'am Clarabelle dito?"
Hindi ako sinagot nito at pagod lang ako nitong tiningnan. Bumaling ako ngayon ng tingin kay Mama na hindi ko mawari ang hitsura.
"Mama, anong ginawa Ma'am Clarabelle dito? May ginawa ba siya sa inyo ni Papa?" I asked while my voice was trembling.
Sana lang talaga wala siyang ginawang masama sa mga magulang ko dahil hindi ko talaga siya mapapatawad kapag gano'n. Okay lang sa akin na ako 'yon pag sabihan niya ng kung anu-ano basta wa'g lang 'yong mga magulang ko.
"Huh? Wa-wala 'yon, tara na at umuwi na tayo."
"Mama! Please, sabihin niyo sa akin."
"Anak, nag inquire lang si Clarabelle kaya 'yon nandito."
I shook my head, I'm not buying that reason. Alam ko hindi 'yan ang naging sadya no'n dito.
"Mama, Papa, sabihin niyo—"
"Bukas na bukas ay lilipat na tayo ng Batangas. Ibibinta narin natin itong shop, anak." ani Mama na agad kinagulat ko.
My mouth fell open.
"Ano?! Tell me. May kinalaman 'yong witch 'yon, tama ba ako?"
"Hindi, Beckha... walang kinalaman si Clarabelle dito. Desisyon namin ito ng Papa mo."
Nagugulohan ako ngayon sa inasta ni Mama. Agad-agad talaga kaming aalis bukas? Bakit kung gano'n? Talaga bang walang kinalaman 'yong Mommy ni Gideon dito?
"Kung gano'n paano nalang 'yong pag-aaral ko ngayon? Dahil ba hindi na maayos naman 'yong takbo ng flower shop natin?"
Agad tumango si Mama na naiiyak na ngayon. "Oo. Ang totoo niyan hindi na malakas 'yong benta natin kaya napag desisyonan nalang namin ng Papa mo na mag tungo tayong Batangas."
"Eh, kung gano'n ano nga ang ginagawa ni Ma'am Clarabelle dito?! Bakit ka umiiyak, Mama?!" I burst. "Mama, wa'g naman kayong mag sinungaling sa akin, please."
Nag dabog na ako ngayon dahil sa sobrang galit. Okay lang na pag salitaan ako ni Ma'am Clarabelle nang kung anu-anong masasakit na salita. Basta ba't wa'g lang talaga 'yong mga magulang ko kasi ako ang makakalaban niya. Kapag malaman ko lang talaga.
"Wala nga ito, pagod lang ako kaya gano'n. Pasensiya na, anak."
I let out a heavy breathing. Binalingan ko ng tingin si Papa na sobrang tahimik lang ngayon. "Papa, sagotin mo naman ako. Alam ko na may sinabi sa inyo si Ma'am Clarabelle kaya naging ganito."
"Nag inquire lang–"
"Ano?! Hihintayin n'yo pa ba ni Mama na ako na 'yong pupunta do'n sa kanila at tanongin siya mismo?!" pag putol ko dito.
Hinawakan ako ngayon ni Papa sa balikat para pakalmahin ako. Pero hindi! Kapag pamilya ko na 'yong ginalaw niya. Hindi ko na talaga alam kung rerespitohin ko pa ba talaga siya.
Kahit na Mommy pa siya ni Gideon, wala na akong pakialam! Tangina lang talaga!
Maaga palang sirado na 'yong flower shop namin. Wala rin akong nakuha na sagot sa mga magulang ko kahit anong ulit na tanong ko.
BINABASA MO ANG
Admiring at Midnight
RomanceBargain Nostalgia Series #1 (Gordovis) Atasha Veronica Ramirez, an entrepreneurship student, met Gideon Seighver Gordovis, who came from a wealthy family and took a double course in civil engineering and business. Ayaw ni Beckha kay Gideon, hindi da...