Natapos ang pag pa-part time ko sa Mint Coffee Shop last day dahil pasukan narin naman. Gusto nga sana ni Ante Jenny na wa'g ako umalis since medyo malapit lang naman ang ito sa school pero tinanggihan ko na dahil tutulong ako kina Mama sa flower shop after ng klase ko.Malungkot si Leilani at Martyn na umalis na ako coffee shop pero sinabi ko naman sa kanila na pa minsan-minsan akong pupunta sa kanila.
Natanggap din ako sa admission test kaya labis ang tuwa ni Mama at matutuloy ko na ang pag-aaral ko.
Wala akong ibang pinag kaabalahan hanggang hindi pa nag sisimula ang klase kundi tumutulong ako sa flower shop namin. Kapag may order na sa malapit lang ay ako na ang nag hahatid. Sobrang nag enjoy rin naman ako lalo pa't nakakatulong ako sa flower shop namin.
Simula din noong gabing 'yon lagi na kaming nag te-text ni Gideon. Pa minsan-minsan siyang tumatawag sa akin. Hindi ko alam basta parang biglang nagka close nalang kami bigla. Pero kapag nag kikita naman kami sa coffee shop no'ng minsan pa akong nag pa-part time ay iniinis niya parin ako kaya minsan hindi ko siya kinakausap.
Ngayon araw ang simula ng klase. Maaga pa akong pumasok gano'n din naman si Muri at Eunice na sinalubong ako ngayon sa may gate. Mukang kadarating lang rin nila ata ngayon.
Sinalubong ako ngayon ng nakakalukong ngisi ni Eunice. Si Muri naman kumaway lang sa akin kaya napanguso nalang ako.
"Ang aga natin, ah?" si Eunice saka inakbayan ako ngayon.
"Syempre, first day ngayon kaya hindi dapat ma late."
"Kaya nga, pero after ilang weeks pwede na tayo mag cutting!" tapos tumawa pa si Eunice kaya binatukan naman agad siya ni Muri.
"Gaga ka talaga!"
"Ano ba kayo, hindi ninyo alam na natural lang na mag cutting sa college tas mag inoman tayo sa may unahan! Kung gusto ninyo videoki pa tayo!" aniya na natutuwa pa sa pinagsasabi.
"Siguro gawain mo 'yan sa dati pa, Eunice." I said this while slightly laughing at her.
Eunice cleared her throat. "Mas masaya mag cutting minsan, sinasabi ko sa inyo."
Pang umaga ang klase na kinuha namin. Sinadya ko talaga na mag morning session para after ng klase ay matulongan ko pa sila Mama sa flower shop namin.
Dahil nga same program at year kami ni Eunice ay sabay kami na papasok pero bago 'yon ay hinatid na muna namin si Muri sa room niya. Public Administration kasi ang course ni Muri kaya magkaiba kami.
Ang sabi nila wala lang naman daw gaanong ganap ngayon araw dahil orientation lang man daw ang magyayari.
"Oo nga, nakita ko siya kanina. Wala parin talaga siyang pinag bago, gwapo parin. First time ko ulit siya makita ngayon, eh."
"What? Hindi mo siya nakita dito noong nakaraan? Ang sabi-sabi kasi nila na may nangyaring basketball match daw dati. Nandito nga rin no'n si Kristoffer Velega, eh."
"Oh my gosh! Really? Miss ko narin 'yang si Kris, eh! Pareho ko silang crush sa AdDU!" tapos humagikhik pa ito ngayon.
"Ang ingay niya akala mo naman e cru-crush back ng crush niya." Eunice said that whisperly.
Pumasok na naman kami ngayon sa room namin. Walang studyante kaya nag tanong kami sa babaeng dumaan ngayon.
"Miss, alam mo ba kung bakit walang studyante dito ngayon?" I asked.
"Nasa gym sila ngayon kasi doon mangyayari ang orientation para sabay na lahat ng department." anito saka dali-daling umalis na.
Pumunta naman agad kami ni Eunice sa gym. Since transferee ako ay dapat umatend ako nang orientation. Pupuntahan pa namin sana si Muri pero nag text na ito kay Eunice na nasa gym na daw siya ngayon. Dali-dali naman kaming nag tungo dahil marami narin nag si datingan at baka wala na kaming bakanting ma upoan.
BINABASA MO ANG
Admiring at Midnight
RomanceBargain Nostalgia Series #1 (Gordovis) Atasha Veronica Ramirez, an entrepreneurship student, met Gideon Seighver Gordovis, who came from a wealthy family and took a double course in civil engineering and business. Ayaw ni Beckha kay Gideon, hindi da...