Nag paalam na si Gideon kina Mama at Papa. Ako naman nandito parin sa labas at hindi pa pumasok hanggang hindi pa siya umalis. Napaangat ngayon ang kilay ko nang nakitaan ko ng ngisi ang labi niya."Gusto ako ng Papa mo."
He seems proud. Nag crossed arms pa siya habang naka sandal sa kotse niya.
Ngumiwi pa ako ngayon. "How dare you to say that, lalaki 'yong Papa ko, Gideon. Seriously?"
He smirked. "Bakit sinabi ko ba na babae 'yong Papa mo?"
I glared at him. Pisolopo talaga, eh. Kainis lang.
Pinitik niya ako ng mahina sa noo kaya hindi nawala 'yong masamang tingin ko sa kanya. He chuckled differently. Pati pag tawa niya bakit ang attractive at sexy?
"Ang ibig kong sabihin..." he cleared his throat.
Nag angat ako ng kilay. "Ano, ha?" hamon ko sa kanya.
He licked his lower lips. "Gusto ako ng Papa mo para sa 'yo. Ako naman, mahal kita. How about you? Kaylan mo ba ako mamahalin?"
Umihip ng malakas kasabay ng pag bilis ng tibok ng puso. Kaya naman tinulak ko agad siya nang bahagya papasok ng sasakyan niya. Hindi ko mawari ngayon 'yong nararamdaman ko dahil sa sobrang kaba na naidulot niya.
"Stop teasing me, damn it."
Tumawa lang naman siya dahil sa naging reaction ko. Napahawak pa ako sa dibdib ko na sobrang lakas ngayon ng tibok.
Shit. This is so fucking bad. Ano ito? Normal ba pa itong nararamdaman ko ngayon? Siguro kaya lang ganito kasi iniinis na naman ako ni Gideon.
Pagkapasok ko ng bahay ay kinulit na naman ako ni Mama kung ano ang meron sa amin ni Gideon lalo pa't napapansin niya ang pa minsan-minsan na pagsasama namin dalawa. Paano na lang daw si Giveon. Si Papa naman mukang tuwang-tuwa pa talaga at nag presenta pa na siya na magluluto ng haponan namin ngayon.
"Anong balak mo mamaya? May date kayo ni Gideon?" maka hulogang tanong ni Eunice sabay sundot sa gilid ko.
"Sa tingin mo ba hindi busy ang isang 'yon sa school lalo pa't graduating na 'yon?" sabi ko habang abala sa pag guguhit ng kung anu-ano.
"Asus, kunyari pa 'to! Try mo lang mag deny d’yan!"
Habang lumilipas ang araw mas lumalala ang pag bibiro sa akin ni Eunice about sa amin ni Gideon. Gaya nalang ngayon. Palagi n'yang ginigiit na boyfriend ko na na ito. Kahit ano ang tanggi ko ayaw talagang maniwala sa akin.
"Beckha, tara bili muna tayo ng soft drinks sa labas, nauuhaw na ako, eh." pag aya sa akin ni Eunice habang may ginagawa kami.
"Hindi ba bumili kana ng tubig kanina?" sabi ko kasi tinatamad ako lumabas. Saka may dapat pa kaming taposin ngayon.
"Eh, sige na." pag pupumilit niya kaya wala na akong nagawa kundi niligpit ko nalang 'yong libro at notebook ko.
After kasi ng klase kanina ay hindi muna kami umiwi kasi may tataposin pa kami. Nagulat ako kasi pag labas ko ng gate, nandito si Gideon kasama 'yong dalawang kaibigan niya.
Naka uniform pa sila ngayon kaya pinagtitingin tuloy sila nang iba. Lalo na si Gideon—he caught so much attention from the girls who passed by on and off the campus.
"Gagi, anong ginagawa ng mga atenean dito sa labas ng school?" tanog no'ng isang babae at napatingin ngayon sa gawi ni Gideon at no'ng kaibigan niya. Sa pagka alala ko— si Onew at Rui, 'yong nakasama niya mag laro ng basketball noong nakaraan.
"Beckha, nandito si Gideon, mukang hinihintay ka." mahinang saad ni Eunice saka medyo hinampas na ako.
"Shut up, Eunice."
BINABASA MO ANG
Admiring at Midnight
RomantizmBargain Nostalgia Series #1 (Gordovis) Atasha Veronica Ramirez, an entrepreneurship student, met Gideon Seighver Gordovis, who came from a wealthy family and took a double course in civil engineering and business. Ayaw ni Beckha kay Gideon, hindi da...