After namin mag lunch ay pumunta na kami sa area kung saan gaganapin ang show para sa dolphins. Paakyat na sana kami, hawak ko sa kamay si Gionne ngayon samantalang karga naman ni Gideon si Vivienne nang may lumapit sa akin na isang staff.
"Bakit po?" tanong ko sabay ngiti.
Ngumiti sa akin ngayon ang isang babae. "Ma'am, pwede ka bang ma hiram saglit? Kung okay lang po sa asawa at anak ninyo. Ikaw po kasi napili namin at nag bigyan ng opportunity na ma encounter ang dolphins natin ngayon."
"Ahh..." hindi agad ako nakapag salita. Nakatingin lang ako ngayon sa dalawang anak ko at kay Gideon.
"Go, Mommy!" pag support sa akin ngayon ni Gideon na inaangat pa ang kamay ni Vivienne. Si Gionne naman bumitaw sa hawak ko at lumapit sa Daddy niya. "Go, love, ako na ang bahala sa mga anak natin..." sabay ngiti niya.
Hindi na naman agad ako nag paligoy-ligoy pa at pumayag na ako. Bago ako umalis ay kiniss ko na muna sa cheeks si Vivienne at Gionne.
"Wala bang sa akin? Hmm?"
Inangatan ko siya ng kilay pero hinalikan ko rin naman agad siya sa cheeks niya.
Sumama ako ngayon sa staff saka tinuro sa akin ang gagawin ko. Simple lang naman at nakuha ko agad. Nag simula na ang show, nakita ko pa ngayon si Gideon, Vivienne at Gionne sa may bandang gitnang ibabaw na ang sasaya. Si Vivienne naman tinuro ngayon ang apat na dolphins sa likuran ko na sabay-sabay na tumalon.
"Hi everyone, and welcome to Dophin friends. I'm trainer Marie, and I will be your host today, and we explore the facinating world of one of the most amazing creatures of the dolphins." the trainer said that and introduced the four dolphins.
Marami pa siyang sinabi kaya nag hiyawan 'yong mga tourist sa taas maging ang dalawa kong anak nakikisabay narin. Lalo na no'ng nag simula ng mag pakitang gilas ang apat na dolphins at nag backstroke pa sa pag langoy.
"Say hi to them!"
"Hi, dolphins!" sa malakas na boses ni Vivienne ngayon sa taas at kumaway pa.
Tinanong ako ng host kaya nag pakikila lang ako. Maraming nangyari at sobrang saya lang talaga panuorin ng mga dolphins. Nag papakitang gilas ang bawat isa sa kanila nang iba't ibang talento at tricks. Sobrang marami pa silang ginawa na matutuwa ka talaga. Nang sumayaw ang dolphins ay nag hihiwayan ulit ang mga tourists sa taas.
Na mangha pa ako ng marinig ko ang boses ng apat na dolphins na sabay-sabay. Tinuruan pa nila ako ng sign sa kamay at kung ano ang dapat gawin para tumunog sila.
Ang sarap lang sa tenga na marinig ngayon ang boses nila. At nagawa ko nga. Pakiramdam ko tuloy mas nag enjoy ako ngayon kisa sa dalawang anak ko.
Sumayaw pa nga ako together with dolphins. Medyo nahihiya ako pero ginawa ko parin kasi wala naman akong choice. Si Gideon sa taas nag vi-video pa sa akin ngayon na para bang nag pipigil ng tawa.
Mother majorette ako dati pero hindi naman ibig sabihin na magaling na talaga akong sumayaw. Tiyak muka akong ewan ngayon. At tuwang-tuwa pa siya!
"Go, Mommy!" rinig kong sigaw ngayon ni Gionne na chini-cheer ako sa pag sayaw ko.
Si Vivienne naman sinasabayan ang sayaw ko sa ibabaw kaya napalingon na ang iilan sa kanya. My gosh! Mas magaling pa sumayaw ang anak ko kaysa sa akin. Nakakahiya lang talaga. Gano'n pa man ginawa ko parin ang best ko.
Si Gideon naman pabaling baling ang tingin sa akin saka kay Vivienne. Inalalayan niya rin kasi ito baka kasi mahulog. Ang likot kasi.
May iilang pang pinagawa sa akin at medyo matagal rin bago natapos ang show ng dolphins and friends. Bago natapos ay nagkaruon pa ako ngayon ng free opportunity na makapag pa picture dito.
BINABASA MO ANG
Admiring at Midnight
RomanceBargain Nostalgia Series #1 (Gordovis) Atasha Veronica Ramirez, an entrepreneurship student, met Gideon Seighver Gordovis, who came from a wealthy family and took a double course in civil engineering and business. Ayaw ni Beckha kay Gideon, hindi da...