Chapter 2

5K 171 150
                                    


"Beckha, may bago tayong makakasama ngayon dito."

"Bagong apply, Ante Jenny?" tanong ko habang nag lilinis ng mesa.

"Hindi, anak ng amo natin. Baka may nagawa na namang ka bolastogan kaya may punishment na naman ulit." sabi niya na parang sanay na.

I slightly nod. "Ah, okay po."

Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko. Maya-maya pa may humintong magandang kotse sa labas at may lumabas na maputi at medyo chinitong lalaki na naka busangot ngayon ang muka. Mukang kasing edad ko lang ata. May head phone pa na nakasabit sa leeg niya.

Pumasok siya sa dito sa loob at umalis na 'yong sasakyan. Umupo pa ito kung saan ako nag lilinis nang mesa ngayon.

"Hi, ganda!" sabay sipol niya.

"Yes, Sir, may order po ba kayo?" tanong ko saka humarap ako ngayon sa lalaki.

He crossed his legs habang nakaharap sa akin at kinindatan ako kaya medyo napangiwi ako.

"Bago ka ba dito?" he asked.

"Ah, yes..." medyo alanganin kong sagot. Ngumiti siya ngayon sa akin dahilan pero medyo nawala 'yong mata nya.

He chuckled a little. "Mukang gaganahan ata ako ngayong mag trabaho, ah? Not bad."

Kumunot agad ang noo ko dahil sa sinabi niya. Siguro siya 'yong anak ng amo namin na binigyan ng punishment?

I sighed heavily.

"Ikaw ba 'yong tinutukoy ni Ante Jenny na anak ng amo namin na binigyan ng punishment?" agaran kong tanong.

"Yes. No one else but me." he said that while proudly pointing at himself.

"Kung gano'n, tulongan mo ako rito at ikaw 'yong mag mop nitong sahig ngayon."

"Tsk, easy."

Ngumiti ako. Mabuti naman at madali siyang kausap. "Here's the mo-"

Ibibigay ko na sana sa kanya 'yong mop pero bigla siyang tumayo at may tinawag na pangalan.

"Hey, Gideon!"

Napatingin ako ngayon sa tinawag niya na ka papasok lang. Medyo umawang ang labi ko.

So that was his name. Gideon.

"What are you doing here, Cley?"

"Tutulong ako dito sa ngayon sa coffee shop namin."

Tinapos ko nalang 'yong ginawa ko saka binalik ang mga gamit pang linis sa lalagyan nito.

Nang bumaling ako ng tingin sa banda nila ay nag tama ulit 'yong mata namin na agad ko rin naman iniwas. Nilapitan ko naman agad si Martyn at Leilani na ngayon nag sisitili na.

"Oh my god! Magkakilala pala sila ni Sir Cleyu?" sabay tili ni Martyn.

"Kaya nga pareho pa silang pogi! Pero mas lamang lang talaga 'yong Gideon nang iilang ligo." tapos tumawa pa niyan si Leilani.

"Beckha, Leilani!" pag tawag sa amin Ante Jenny.

"Bakit po?" tanong ko.

"Kunin n'yo ang order nang table number 7, please. At nasaan si Martyn?"

Lumapit ngayon si Martyn sa gilid ko. "I'm here! Sobrang fresh sa umaga kasi nandito 'yong inspirasyon ko!" sabay hagikhik nito ngayon.

"Mabuti naman at narito kana. Tawagin mo muna nga si Sir Cleyu." pag utos ni Ante Jenny kay Martyn kaya dali-dali naman itong pumunta do'n na may malaking ngiti.

Ako naman ay pumunta na sa table kung saan may mga customers na wala pang orders. Naka ginhawa pa ako dahil si Leilani ang kumuha nang order nina Sir Cleyu. Pagkatapos ay bumalik ako sa counter para sabihin 'yong orders ng mga customers. Minsan kami 'yong iba ay hindi na dumi-diresto sa counter.

Admiring at MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon