Chapter 1

223 13 0
                                    


Para saan nga ba ang tao?


Ang buhay ng isang tao ay may tatlong daan, tinatawag din itong “vocation”.



Una, sa pagiging single hanggang sa tumanda, pangalawa, sa pag-aasawa at pagkakaroon ng pamilya, at pangatlo ay ang pagpapari at paninilbihan sa simbahan




Isang malaking desisyon na kailangan gawin ng isang tao, kagaya lamang ng isang batang Pedro Campo, na sa murang edad ay naninilbihan na sa kanilang parokya, ang tanging inspirasyon niya dito ang ay kanyang butihing ama, na nuoy nangangarap na maging pari, ngunit sa takbo ng panahon ay hindi ito pinalad






“Papa, bakit gusto po ninyo maging pari noon?” pagtatanong ng inosenteng bata





“Gustong-gusto ko anak ang pagsilbihan ang ating Panginoon, ngunit nag-iba ang ihip ng hangin” sagot ng kanyang ama




“Papa, kung hindi ka man naging pari, ako nalang ang magpapari papa, gusto kong manungkulan sa Panginoon at sa simbahan” pag-aamin ng bata, nais niyang maging pari, kagaya nang pinangarap ng kaniyang ama noon






“Anak, isang malaking desisyon ang gagawin mo sa buhay, kung gusto mo talaga ito, tutulungan kita” aniya, masaya sa desisyon ng bata






“Ngunit kailangan mo pa ng mahabang panahon anak, marami ang tinatawag ng Panginoon, ngunit iilan lamang ang napipili” pangangamba ng ama, kagaya nito, tinawag lamang siya ng Panginoon, pumasok siya sa seminaryo, ngunit sa huli ay hindi naging pari







“Magdasal tayo anak” pag-utos ng ama sa kanyang anak, sapagkat gumagabi na, at matutulog na sila nito






“Sige po papa” pag sang-ayon ng anak at nagsimula na sila




“Sa ngalan ng ama, ng anak, at ng espiritu santo, amen” pagsisimula ng batang Pedro at kasama ang kanyang ama, ay nagdasal ito sa katahimikan ng gabi



Lumaki si Pedro sa maganda at relihiyosong pamilya, kaya isa ito sa mga pinapasalamat niya, kahit simpleng pamilya lamang sila, ngunit sila naman ay naninirahan ng tahimik at masaya





Matanda na siya ngayon, pero masakit parin sa kanyang pakiramdam na pumanaw na ang kanyang ama noong nakaraang limang taon, kaya siya na ang tumatayong haligi ng tahanan sa kanila
naninilbihan siyang sakristan sa simbahan tuwing linggo at sa mga normal na araw ay tagahugas ng pinggan sa karinderya

Pangarap ng SimbahanWhere stories live. Discover now