Jenice Claire's POV
It's 8:30 in the morning
As i walk down the streets wearing my beige-colored offshoulder dress with tight skinny jeans, i grabbed my phone and texted Fretche
"Fretche girl, free ka ba ngayon? Meet me sa karinderya now na!" I typed as i was walking, listening as my stomach growls in hunger, nagugutom na ako, stupid Jeff! Kung hindi lang siya nag-try-hard kanina, edi hindi sana ako maiinis
Hindi ako sanay na lumabas mag-isa, that's why i texted Fretche, she's an independent girl, which is the one i needed, while waiting for her to reply, tinawagan ko si Jade
A few moments, the phone rang and he answered it right away
"Hello, Jade, pwede mo ba akong samahan mag breakfast sa karinderya we went yesterday?" I asked to her wishing she would accept my request, pwede ko naman silang ilibre, may pera naman ako
"Jenice girl, hindi ako makakalabas ngayon" she sadly replied to me making me to interrogate her
"Bakit?" I asked her
"Family problem kasi eh" she replied and nagpaalam agad siya "Sorry talaga girl ha" she apologized to me and ended the call
I sighed for a moment
After the disappointment from Jade's call, i stayed optimistic, baka free ngayon si Fretche at papunta na sa karinderya para samahan ako, but everything went worse as i received Fretche's text message
"Jenice girl, hindi ako pwede ngayon kase wedding ng tito at tita ko and i have to prepare as the bridesmaid"
It took me a second to react, i closed my eyes and took a deep breath
BWESIT NA MGA FRIENDS!
My mind was filled with extreme anger, hindi pa ako tapos sa nangyari kanina and eto na naman? Both of them aren't free na samahan ako
THIS IS THE WORST DAY EVER!
I have no choice, kakain ako sa karinderya, alone.
Stupid Jeff! Stupid Fretche and Jade! I swore so many times as i was walking papunta sa karinderya
Pedro's POV
Nasa karinderya na ako ngayon, nagtatrabaho na
Tapos na akong maghugas ng mga pinagkainan ng mga customer at umalis na sila
"Pedro, ikaw muna ang magbabantay dito ha" utos sa akin ni Aling Lorna, ang may-ari ng karinderyang ito,
"Sige po" tugon ko sa kaniya
"Aalis lang ako saglit" dagdag niya at siya ay umalis
Si Aling Lorna lang naman yon, ang mabait at maunawain na amo ko, higit sa limampu na ang kanyang edad, may katabaan ng kaunti at naka-salamin, napakabait niya dahil noon ay pinapautang niya talaga si mama ng pera kapag nagigipit kami noon
Minsan ay hindi agad makapagbayad si mama pero hindi siya nagalit, subalit ay naunawaan niya ang estado ni mama dahil siya ay nanggaling dito, kaya naman ay kahit matagalan si mama sa pagbabayad, basta mabayaran niya lang ng walang labis, walang kulang, okay na okay!
Bilang kapalit ng kanyang nagawang kabutihan ay nagtatrabaho ako dito, dalawang taon na ang karinderya at halos alam ko na ang mga pagkaing itinitinda nila, pwede rin akong all-around helper dito, pero mas pipiliin ko nalang ata ang maghugas, mahiyain ako at hindi ako mahilig makipag-usap sa mga tao
Teka lang, kailangan kong maghanda dahil may paparating na kustomer
Naka-off shoulder siya at maong gaya nong babaeng nakita ko kahapon sa simbahan, baka siya nga!
Nakakahiya sa suot ko na orange t-shirt at gray na shorts
YOU ARE READING
Pangarap ng Simbahan
RomanceSimula bata pa gusto na maging pari ni Pedro ngunit sa iisang pagkikita nila sa isang babae sa loob ng simbahan habang siyay naninilbihan bilang sakristan ay tila magbabago ang kanyang daan patungo sa pagpapari Magiging isang ganap kaya na pari si P...