Do you believe in miracles?
How about God? How deep is your relationship with him?
Isa yan sa mga tanong na palaging masasagot ng isang Jenice Claire Aparayo, ang mumunting bata na punong-puno ng pagmamahal sa kanyang ama
Ipinanganak sa mayamang pamilya, ngunit ang kanyang puso ay mayaman din sa pagmamahal, busog na busog sa atensyon ng mga magulang, lalo na sa kanyang ama
Nag-iisang anak lang din siya ng kanyang magulang kaya wala itong kahati sa atensyon na ibinigay nila, napakabait ni Jenice Claire bilang isang bata, masayahin, at may malalim din na pananampalataya sa Diyos, ngunit wala itong plano na manilbihan sa simbahan
“Daddy, magsimba tayo bukas, gustong-gusto ko makita si papa Jesus” pag-aaya ng bata
“Oo naman anak, magsisimba tayo bukas, pagkatapos dun, mamamasyal tayo ng mama mo” sagot ng kanyang ama, nakita ng ama ang kagustuhan nito sa pagsisimba
Palagi nilang itinuturo kay Jenice Claire na magpasalamat sa Panginoon dahil sa sobra-sobrang biyayang natatanggap nila sa buhay
“Talaga daddy?” tanong ng bata, labis na nasisiyahan sa sinabi ng ama
“Oo anak, kahit saan mo gusto, mamasyal tayo at magsaya” aniya, napakaganda sa pakiramdam na makitang niyang masaya ang anak
“Wow, ang ganda, thank you talaga daddy ha, I love you” pagsasabi ng batang mabait, sobrang saya at excited, pagkatapos ay niyakap niya ang kanyang ama
“You’re welcome anak, I love you” pagsagot ng kanyang ama
Ang ganda ng pamilya ni Jenice Claire, ngunit sa hindi inaasahang pangyayari sa kanyang pagdadalaga, habang tumatagal, ay namatay ang kanyang ama dahil sa malubhang sakit
Sobra siyang naapektuhan, nawala ang kanyang pananampalataya sa Diyos dahil alam niyang mabait ang kanyang daddy at hindi pa ito dapat namatay
Simula noon, ang masayahing bata ay biglang naglaho, naging masungit siya, palaging nagdadabog at sinasagot na ang kanyang ina
Malungkot at maputla ang kanyang buhay dahil sa kanyang paglimot sa Diyos, wala na siyang kinikilalang Panginoon dahil sa kanyang masakit na karanasanAt mas lalo pa niyang kinagagalit ay ang kanyang ina na may bagong kinakasama, naiinis siya at para bang kinalimutan nalang ang kanyang ama na labis-labis niyang minahal
Galit na galit sa buhay, sa Diyos, at sa kanyang pangalawang ama at pamilya
Magbabago paba kaya ang kanyang pagkatao o hindi na?
YOU ARE READING
Pangarap ng Simbahan
RomansaSimula bata pa gusto na maging pari ni Pedro ngunit sa iisang pagkikita nila sa isang babae sa loob ng simbahan habang siyay naninilbihan bilang sakristan ay tila magbabago ang kanyang daan patungo sa pagpapari Magiging isang ganap kaya na pari si P...