Chapter 19

9 1 0
                                    

Jenice Claire's POV


A few days have passed by and it's finally August! please be good to me, it was the first sunday of the month and here i am, nandito na naman sa church, i was forced to go with them kasi ang boring sa bahay and pagkatapos naman nito ay pwede na kaming gumala after




Nandito na naman kami sa harapan, Jade and Fretche next to me, the priest was talking and as i look at the left side



S***!




I see Pedro again, looking at me, nakangiti pa yung shunggaloid ha, i inhaled a deep breath, not gonna make any scene that would ruin the silence

Pedro's POV

Napatingin ako kay Jenice Claire at heto na naman ako, di ko talaga maiwasang mapatingin dahil ang ganda niya kasi, yung mga matang kumikinang sa akin, yung buhok niyang mahaba, ang lahat ng iyon ay nagustuhan ko, nakasuot pa siya ng kulay rosas na damit at maong, at ang kanyang buok na nakatali sa bulaklak na ipit

Parang nangyari na to dati, oo, nangyari na nga, simula noong nakita ko siya dito sa simbahan, ipinagdarasal ko na talaga nung araw na iyon na sana makilala ko pa siya at malaman ang pangalan niya, hindi naman nabigo ang mga panalangin ko dahil mas nakilala ko pa siya

Halos pinagdarasal ko na talaga siya araw-araw sa tuwin papasok ako sa kapilya na siya namang nagpagulat ko dahil nandoon siya! Alas 9 ata yun ng umaga nung nagkita kami dun, pumasok ako dun para magdasal eh at pagkatapos ng ilang sandali ay babalik na kaagad sa trabaho, sa karinderya




Sa tanghali naman ay hindi naman gaano ka busy ang karinderya, wala na ring taong kumakain doon, bumabalik ulit ako sa kapilya para magdasal sa 3 o'clock prayer at yun, napakasimple lang ng buhay ko na binigyang kaibahan sa babaeng iyon

Napakagrabe na talaga ng nararamdaman ko kaya halos hindi na mawala ang ngiti sa mga labi ko, ano to? tumingin lang ako sa kanya at bigla siyang ngumiti sa akin

TULONG!

Parang sasabog na ako sa nararamdaman ko, "inhale, exhale, inhale, exhale", paghinga ko sa sarili ko,

"Ikaw Pedro ha, wag kang gumawa ng eksena, nasa harapan ka ng maraming tao, susmaryusep, wag mong subukan, nagho-homily pa si Padre Dominico", sabi ko sa sarili ko, dapat maging kalma lang ako, ang daming tao, nakakahiya, tumingin ako sa glit sa kanya at binigyan niya naman ako ng isang matamis na ngiti

Parang nakuryente na ako sa sobrang nararamdaman ko

Umiwas ako ng tingin sa kanya at hindi ko namalayan ay tumatawa na yung mga kapwa ko sakristan, "Ano yan Pedro, bakit parang may nakita ka na hindi namin makikita", pagsimula ni Jose, "Yan, si Pedro, may binabantayan yang babae, hindi mo ba alam?", pagtatanong pa ng isa habang nagho-homily si Padre sa harap ng maraming tao


"Shh, tahimik nga kayo, nagho-homily si Padre Dominico oh, hindi ba kayo nakikinig?", pasigaw na bulong ko sa kanila, pagkatapos non ay natahimik na kami, hindi na ako tumitingin kay Jenice eh kasi baka ma-distract ako sa pagse-serve sa misa, lalo na itong si Padre ay patagong tumitingin sakin na para bang binabantayan kami, kahit na pari siya at mabait na tao

Nakakatakot pa rin siya pagmasdan hindi ko alam kung bakit, kase parang concern na siya sa akin, iniisip na niya ang kapakanan ko, yung pagpapari ko, talagang siya na ang naging tatay ko simula nung pumanaw si papa



Natapos ang misa at hindi ko talaga mapigilan ang sobrang galak na nararamdaman ko, di ko talaga maipaliwanag kung bakit masayang-masaya ako, gaya nung dati, nag usap-usap muna kami kahit wala na dito ang kaibigan kong si Mateo

Pangarap ng SimbahanWhere stories live. Discover now