Chapter 11

22 1 0
                                    

Pedro's POV

Maganda ang panahon ngayon, sumisikat ang araw at walang ulap sa kulay asul na kalangitan na lalomh pinaganda dahil sa babaeng ito, ngumiti ako habang siya ay dumating na

"Pili lang po kayo maam" pagbati ko sa kanya

Tumingin siya sa mga pagkaing itininda sa karinderya at hindi ko na talaga mapigilan ang maging masaya dahil siya nga! Ang babaeng nakita ko kahapon sa simbahan

Pinagtagpo talaga kami ng Panginoon para magkita muli, thank you Lord!

Tingin parin siya ng tingin sa mga ulam hanggang huminto siya para tanggalin ang takip ng ulam na adobo

"What's this?"

English niyang tanong sa akin, ang galing niya talaga mag english, muntikan akong ma-nosebleed dun

"Adobo po yan maam", hindi ko alam bakit tinawag ko siyang maam pero parang bagay siyang tawagin nun

"Masarap ba 'to?", tanong niya sa akin

Hindi ko inaasahang itatanong niya sa akin yon, wala namang nagtatanong ng ganyan sa mga kustomer namin, pero nanatili akong kalmado, ngumiti ako at sumagot sa kanya

"Oo naman maam" sabi ko sa kanya

"Masarap, gaya ng pagmamahal ni Lord" dagdag ko sa kanya para malaman niyang nagtitiwala ako ni Lord ng buong puso pero parang naiiba ang reaksiyon niya

Pagkatapos ko yun sabihin ay tumaas ang kanyang mga kilay, tumingin siya sa akin na para bang may balak akong patayin dahil sa sobrang galit, bakit, hindi ba siya naniniwala sa Diyos?

Tinitigan niya ako at nakatingin naman ako sa kanyang mga mata, kagaya nung kahapon, pero may mali ata dahil sa kanyang mga mata na napupuno ng galit, mga matang kumikislap sa aking paningin

Matapos ang ilang segundo ay sumagot na siya:

"I don't believe in God"

Isang sampal sa aking mukha, nabigla ako sa kanyang sagot, napakaganda niya naman para hindi maniwala sa Panginoon, natahimik ako sa sagot niya

Tama talaga sila, may mga tao talagang hindi naniniwala a Diyos, kaya nama ay mas mabuting huwag na silang pilitin pa kung ayaw naman nila, respeto nalang talaga, respetuhin mo ang paniniwala nila at rerespetuhin din nila ang paniniwala mo, napakasimple lang

Tumagal ang katahimikan ng ilang segundo at pagkatapos ay ngumiti ako at sakto ay nag order na siya,

"Okay lang po yun maam, nirerespeto ko kayo" paggalang ko sa kanyang paniniwala ng may ngiti

"Kakain ako dito, isang serve ng adobo and isang rice" demanding na pag-utos niya sa akin kaya naman ay hindi ako nag-alinlangang sundin ang utos niya, kumuha ako ng adobo at kanin pagkatapos ay nilagay ko na sa mesa at siya ay kumain na

Nandito ako ngayon sa isang sulok ng karinderya habang tinitignan syang nakaupo at kumakain, sobrang gands niya talaga kahit siya ay nakatalikod, pero ang isang tanong lang ay bakit kaya? Ang dami kong naiisip na paraan na baka ayaw niyang maniwala dahil trip niya lang at hindi niya ito nakikita

O baka mas naniniwala siya sa sambit ng mga ateista at baka siya ay isang demonyo?

Baka siya nga! Isang demonyo na galing sa impyerno, inutusan na patayin ang mga taong hindi naniniwala sa kanila, basta! ang dami talaga pero lahat ng iyon ay galing sa pag-ooverthink ko, baka hindi naman talaga totoo

Lumingon siya sa likuran para tignan ako at bigla na naman siyang nagalit

"Why are you looking at me?" tanong niya sa akin

English-english talaga ito oh, "Wala lang po maam" sabi ko at umiwas ako ng tingin sa kanya

Hindi niya ba ako natatandaan? Ako yung lalaking nakita niya kahapon, ako yung sakristan na nakatingin sa kanya, may isang bahagi ng isip ko na lapitan siya at ipakilala ang sarili ko sa kanya, pero may bahagi rin ng isip ko na nagsasabing huwag na lang baka mapahiya ko lang ang sarili ko

Nagtatalo ang puso st isipan ko, sabi ng puso ko na baka sya nga ang inaasam-asam ko na pangarap ngunit sabi ng isipan ko ay baka ito lang ang hahadlang sa tunay kong pangarap

"Waiter tapos na akong kumain"

Sabi niya at bumalik na kaagad ako sa matino kong pag-iisip, pinuputol ang lahat ng kadramahang nangyayari sa aking isipan, tumayo na siya mula sa kanyang kinauupuan at lumapit naman ako sa kanya para makuha ang kanyang bayad

"Magkano ang lahat?" tanong niya sa akin habang kumukuha siya ng pera sa kanyang bag

"50 pesos lang po maam", sagot ko sa kanya, dahil 40 pesos kase ang adobo at 10 pesos naman ang kanin, ipinaliwanag ko nalang baka hindi kayo marunong sa math

Nagkuha siya ng limandaang piso o 500 --baka hindi mo alam yun-- galing sa kanyang bag at aanhin ko naman yan e wala kaming panukli, umagang-umaga ang laki ng binabayad konti lang naman ang binibili

"Maam wala po kaming panukli sa 500, may singkwenta pesos po ba kayo?" tanong ko sa kanya

"Wala" sagot niya sa akin at panibagong problema na naman ang nilikha niya

"Ito nalang, just keep the change" sabi niya sa akin na tatangihan ko agad

Iniabot niya sa akin ang 500 pesos na papel pero ayaw kong tanggapin dahil nakakahiya naman sa kanya, baka may gusto pa siyang bilhin

"Maam wag na po--", hindi niya ako pinatapos dahil parang nagmamadali na siya, pilit niyang inabot ang sa akin amg pero habang sinasabing:

"Magbabayad ako or what?"

Tanong niya sa akin, parang naiinis na siya, hindi ako makapagsalita

"Sige na!", Naiinis niyang tono sa akin at agad kong tinanggap ang limandaang piso, ito na ang pinakamalaking perang natanggap ko, hindi ako makapaniwala

"Maraming salamat po maam, thak you po maam" matinding pasasalamat ko sa kanya at kinuha na niya ang kanyang cellphone at umalis na

"Maraming salamat po maam, mag-iingat po kayo, Godbless!", sabi ko sa kanyang pag-alis palayo sa karinderya kung saan ako magtatrabaho

YES!

Napatalin ako sa sobrang saya dahil nakita ko na siya ulit, hindi lang yun, kumain pa siya dito sa karinderya at binigyan pa ako ng 500 pesos bilang bayad sa kanyang binili na 50 pesos lang, kagayang ng sinabi ko kanina

"ANG SARAP NG PAGMAMAHAL NI LORD!"

Pangarap ng SimbahanWhere stories live. Discover now