Chapter 7

26 2 0
                                    

~12 YEARS AGO~

Story's POV

Naglalaro sila Pedro at Mateo na para silang nagmimisa sa isang kapilya malapit lang sa kanila

"At kumuha siya ng tinapay, nagpasalamat at pinagputolputol, at ibinigay sa kanila, na sinasabi, Ito ang aking katawan na ibinigay para sa inyo" pagsalita ni Mateo habang itinataas niya ang biskwit na bilog at pinatagal ito ng ilang segundo pagkatapos ay kinuha niya ang plastik na baso at nagsalita ulit;"Sa katulad na paraan, pagkatapos ng hapunan ay kinuha niya ang tasa, na sinasabi, "Ang kopa na ito ay ang bagong tipan sa aking dugo, na ibinuhos para sa iyo,gawin mo ito sa pag-alala sa akin" at itinaas niya muli ang baso na naglalaman ng softdrinks na tinatawag na "Coca Cola"

Naglaro sila ng ilang minuto,nagkatuwaan na para ba silang mga batang gustong maging pari balang araw hanggang sa natapos ito at nauwi nalang sa pag-uusap

Walong taon pa lamang sila Pedro at Mateo pero simula sa kanilang pagkabata ay matagal na silang magkaibigan

"Magsimba tayo bukas ha?" pag-aaya ni Mateo kay Pedro

"Oo naman!" pagsagot ni Pedro


"Isasama ko si Mama at Papa" dagdag pa niya

Alas singko na ng hapon at palubog na ang araw sa langit kaya ay nagpaalam na si Pedro kay Mateo

"Padre" pagtawag ni Pedro kay Mateo

"Uuwi na po ako" dagdag ni Pedro at saka ito nag bow habang nakasingkit ang dalawang kamay

"Sige Padre,mag-iingat ka ha?" sagot ni Mateo at saka ito nag bow dahilan para magtawanan silang dalawa

~NGAYON~

Pedro's POV

Nandito kami ngayon sa kapilya na malapit sa amin na dati ay dito kami naglalaro ng kaibigan kong si Mateo,naglalaro kami na para ba kaming mga pari

Pero ngayon ay alam kong hindi na yon maibabalik kase malalaki na kami syempre pero higit sa lahat ay ito rin ang araw na papasok si Mateo sa seminaryo,sinabihan ko naman kayo kung anong ibig sabihin sa seminaryo diba?

Parang may mangyayari ngayong araw na ikatutuwa ko at sa magkabilang palad ay ikinalulungkot ko din,kaibigan ko siya eh at malalayo siya sakin,sobrang sakit sa akin kase matagal na kaming magkakaibigan at palagi kaming naninilbihan sa simbahan tuwing linggo

Alam kong malungkot pero kailangan kong tanggapin kase pangarap namin to eh,pangarap naming dalawa na maging pari

"Aba Ginoong Maria,napupuno ka ng grasya,ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo,Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala rin naman ang anak mong Hesus""Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kami'y mamamatay. Amen"

Nagrorosaryo kaming dalawa ni Mateo,para ipagdasal siya na sana ay gabayan siya ng Diyos sa kanyang pagpasok sa seminaryo at higit sa lahat ay ang kanyang pangarap sa pagpapari

Nagtagal ang pagrorosaryo ng tatlumpung minuto at sa oras na ito ay dito na kami magpapaalam sa isa't isa

"Tagal na nating naging kaibigan no?" tanong ko

"Pero mas lalo tong tatagal kung sasamahan mo ko sa seminaryo" biro niya at bigla kaming nagtawanan

"Hindi pa ako handa Mateo" sagot ko,may parte kase ng puso ko na para bang hindi ako para sa pagpapari simula nung nakita ko yung babae sa simbahan kahapon

"Hindi mo naman kailangan maghanda kase ganito ang buhay,kailangan mo nang hanapin ang sarili mo,kailangan mo nang hanapin ang buhay na para sayo" aniya

Nakaupo kami ngayon sa may harap ng altar ng kapilya,tahimik at nakakalungkot

"Salamat Mateo" pagpasalamat ko sa kanya

"Para saan?" tanong niya

"Di ko inakala na may kaibigan ako na mahilig din sa mga hilig ko" sagot ko,nagpasalamat ako kase akala ko magiging mapag-isa akong bata na lumalayo sa mga batang naglalaro sa kalye,ang masaklap pa,binubully pa ako kase gusto ko nga maging pari balang araw,may problema ba sila sa mga pari?

"Salamat dahil naging kaibigan kita" dagdag ko pa at tumayo na ako para yakapin siya bilang isang kaibigan na kahit minsan ay naging kapatid ko na rin,niyakap ako ni Mateo at para bang lumulubha na yung lungkot namin,kakaunti nalang ay iiyak na

Humiwalay na kaming dalawa sa pagyakap at tila para bang nalulungkot ako at gusto kong umiyak pero kailangan kong magpakatatag dahil pangarap niya 'to

"Salamat din Pedro,magpakatatag ka dito ha?kahit wala na ako" sagot niya sakin

Ngumiti ako na para bang tinatago ang lungkot

"Oo naman,kaya ko 'to,gagabayan tayo ni Bro" sabi ko sa kanya

"Isa pa nga!" sabi niya at niyakap niya ako at tinapik ang likod ko ng tatlong beses,nalulungkot ako habang niyakap siya pabalik at tinapik rin ang likod niya

Humiwalay na kami agad at dito na ang pinakamasaklap

"Pedro,aalis na ako ngayon" sabi niya sa akin

Alam namin ang ibig niyang sabihin at ngumiti nalang siya kahit nakikita ko ang lungkot sa kanyang mga mata

"Mag-iingat ka sa seminaryo ha?" pagsabi ko sa kanya

"Ipagdadasal kita" dagdag ko pa at pagkatapos nun ay tumalikod na siya at lumabas sa kapilya

Paalam,Kaibigan

Pangarap ng SimbahanWhere stories live. Discover now