Chapter 3

62 4 0
                                    

Pedro's POV

Linggo ngayon ng Hulyo at nandito ako sa simbahan ng bayan namin,sa bayan ng Camio
at alam nyo naman na kapag linggo ay maninilbihan ako bilang sakristan ng simbahan

Suot ko ngayon ang white t-shirt ko at maitim na slacks habang dala-dala ko ang aking bag...

At naglalakad na ako ngayon papuntang simbahan habang hindi pa nagsisimula ang misa

Lumipas ang ilang minuto sa paglalakad kinuha ko ang keypad na cellphone ko at saktong pag-pindot ko ay alam ko na kung ano ang oras

Alas tres e-medya or in english kase ang labo ko kausap at hindi naman kayo mahilig mag tagalog

3:30 pm na ngayon

Magsisimula na ang misa sa pagsapit ng alas kwatro o 4 ng hapon at nag-advance ako ng pagpunta

Bakit,di ba pwede?

"Anak"

May tumawag sa akin at alam ko na agad kung sino yon

si Padre Dominico

Matanda na siya at puputi-puti na ang kanyang buhok pero sa kanyang paggalaw...masasabi ko na batang-bata pa naman siya

Labo ko kausap diba?

"Father" sinabi ko ito kay Padre Dominico,ngumiti ako at nagmano sa kanyang kamay bilang pagrespeto sa mga matatanda...dapat ginagawa pa 'to ng mga kabataan kase parang nawawalan na sila ng respeto,puro nalang gadgets,facebook at iba pa

Sumapit na ang alas kwatro at tapos na kaming magbihis,si Padre Dominico ay nagsuot ng puting cassock na ay ang mga sinusuot ng mga pari tuwing magmimisa sila at alan nyo naman ata kung ano sinusuot ko...nanilbihan na ako bilang sakristan...

Bumilis na ata ang panahon kase alas singko na ng hapon at kakatapos lang ng misa...nag-uwian na ang mga tao at pati kami ring mga sakristan ay pumunta sa likod ng simbahan o yung sa kumbento para magbihis na rin

"Pedro"

Tinawag ako ni Padre Dominico

"Kailan kaba papasok sa seminaryo?" tanong niya

Sa mga hindi pa nakakaalam ang seminaryo ay isang lugar para sa mga taong nais maging PARI balang araw...pero yun nga lang tatagal ka pa ng mga 10-12 years doon

Tagal diba?

Pero hindi yon problema para sa mga taong gustong-gustong maging pari at manilbihan sa simbahan kase pangarap nila yon at gagawin nila ang lahat para lang makamit

"Hindi ko pa po alam Father", sagot ko sa kanya at sa pagtingin ko ay suot nya parin ang kanyang puting cassock

"Ngayon nalang kaya?"

Nagulat nalang ako bigla sa kanyang sagot kase hindi pa naman talaga ako handa sa pagpapari at kami nalang dalawa ni mama ang magkapamilya kase wala na si papa eh

"Hindi pa po ako sigurado Father, kase..." pinatagal ko ang 'kase' dahil alam naman ni Padre Dominico ang dahilan kaya ay nalungkot nalang siya bigla

"Kase mag-iisa nalang ang mama mo kapag papasok ka ng seminaryo" aniya

Ngumiti nalang ako kahit may nakikitang lungkot sa aking mga mata

"Pag-iisipan ko pa 'to Father kase para 'to sa buong buhay ko eh" sagot ko

"Alam mo naman na may plano ang Panginoong Dios para sa ating lahat" aniya

"Opo Father" magalang ko na sagot

"Kaya ay magdasal ka at malay mo,bukas na bukas malalaman mo na agad kung magiging sino ka in the future" magandang advice sakin ni Padre Dominico na nagpangiti sakin

"Hinding-hindi po ako titigil sa pagdadasal" masayang sagot ko at ngumiti nalang kaming dalawa ni Padre Dominico

"Alis na po ako Father" pagpapaalam ko

Nagmano ako kay Padre Dominico at umalis na sa simbahan

Pangarap ng SimbahanWhere stories live. Discover now