Chapter 5

40 3 0
                                    

"Nakakapagod din minsan ang buhay diba?"


"Pero paano kung hindi na natin kakayanin...sa'n tayo lalapit?"


"Sa Diyos..."


"Magdasal ka lang dahil sabi ng Mateo 11:28"


"Lumapit kayo sa akin,kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin,at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan"


Pedro's POV

Naka-upo ako dito sa may kanan na parte ng simbahan kung saan sa kaliwa ay nandoon si Padre Dominico na nagse-sermon

Huling linggo na ngayon ng Hulyo at sa alas kwatro ng hapon ang misa

Nakatingin lang ako kay Padre Dominico buong misa pero paminsan-minsan ay nagagawa ko talagang tumingin sa mga tao habang--

Jenice Claire's POV


This is so boring!

I whispered to myself as my eyes began to wander at different parts of the church

Oh yeah i'm wearing my signature outfit, Jeans and an Off shoulder dress

My hair is tied up like a messy yet beautiful bun

And as the priest kept on saying his sermon in front of many people...

My eyes wandered on this boy wearing white and is sitting beside the priest

My mind processes and im sure this is a sacristan serving the church but why is he looking at me?

Tinititigan nya ako at tila para bang bumagal ang pagtakbo ng mundo habang nagkatinginan kami sa isa't isa

Kasabay nito ay ang pagtugtog ng music from daddy's favorite rock duo

Young love,so strong

That's never been a part of me

Young love,hold on

We're feeling it now

Is this the way its meant to be?

Pedro's POV


Ang ganda niya


Di ko alam ba't nangyayari to pero parang tumigil ang mundo sa oras na nakita ko siya habang nakaupo sa may harapan na upuan

Nagagandahan ata ako kase kakaiba talaga sakin yung mga babaeng naka-off shoulder na damit at naka-maong pa,dagdag pa nito ay ang kanyang magulong buhok,kumikinang na mga mata na para bang nakita ko na ang talang susundo sa akin patungo sa kung magiging sino ako kinabukasan

Makakapal ang kanyang mga kilay,matangos ang kanyang ilong at mapupula ang kanyang mga labi na para bang hahalik sa akin balang araw sa simbahan habang nakasuot pang-kasal--


"HOY PEDRO TAPOS NA MAGSERMON SI FATHER!"


Nagulat nalang ako nang biglang pasigaw na bumulong si Mateo,kaibigan ko rin siya na sakristan

"Ano bang nangyari sayo?" tanong niya

"Wala wala" sagot ko

Inilayo ko ang mga mata ko sa magandang dilag at kumilos na ako sa pagiging sakristan

Sino ba 'tong babaeng ito?

Ito na ba yung sasagot sa mga dalangin ko?

FEATURED SONG: YOUNG LOVE BY AIR SUPPLY

Pangarap ng SimbahanWhere stories live. Discover now