C H A P T E R 3
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━"Gusto mo ba?" kalmadong tanong ni Santa ng makitang titig na titig ang binata sa kinakain niyang bulalo na may kanin.
Tinakas niya lang talaga ang pagkain dahil gutom na gutom na siya kanina pa. Sa totoo lang ay hindi siya pwedeng kumain ng mga pagkain na ganu'n. kailangan ay puro salad at iba't-ibang luto ng gulay lamang ang kinakain niya, iyon ang utos sakaniya ng dad niya at hindi iyon pwedeng suwayin.
Parang tutang tumango ang binata kaya nilagay niya sa tapat nito ang baunan niya. Agad naman nito kinuha ang baunan, ngunit tinignan siya ng binata na para bang may hinihingi pa.
Nang mapagtanto ang kailangan nito ay napangiwi siya at tinaas ang kobyertos na ginamit niya. "Is it okay if you use this spoon and fork that I have already used?"
Napakurap siya ng ilang beses ng makitang umirap ito. "Duh, wala ka namang sakit na nakakahawak thru saliva right?"
Agad namang umirap si Santa kaya malakas na pumalakpak ang binata at agad inagaw sakaniya ang kobyertos na hawak.
May kung anong sumabog sa loob-loob niya ng makitang sinubo nito ang kutsarang kanina niya lang din sinubo. It's mean they shared saliva?
Agad nag-iwas ang dalaga ng maramdamang namula ang magkabila niyang pisngi. Gusto niyang sabunutan ng malala ang sarili dahil ginagawa niyang big deal ang simpleng bagay.
Titig na titig lang si Santa sa binatang mabilis na kumakain na halos mabulunan na 'nga ito dahil sa bilis ng pagkain niya.
"Just slow down," nakangiwing sabi ng dalaga saka inilapit ang tumbler niya.
"T-Thank y-you," he said while chewing the food. Hindi malinaw ang pagkakasabi niya ngunit naintindihan iyon ni Santa.
Tinuon niya na lang ang pansin sa binabasa. Palipat-lipat lang ang tingin niya sa libro at sa notebook kung saan niya sinusulat ang mga mahahalagang impormasyon na kailangan niyang pag-aralan.
"Pwede ko na ba 'tong ubusin?" tanong ng isang baritonong boses kaya agad nag-angat ng tingin dito ang dalaga.
Napangiwi siya ng makitang konti na lang ng kanin at bulalo na natira. Nang tignan niya ang mukha ng binata ay naka pease sign na ito at nakangiti ng malawak na halos nakapikit na siya dahil sa pag-ngiti.
Nakangiwing tumango lamang ang dalaga sakaniya. "I don't have a choice to say yes."
"Sorry, gutom lang talaga ako. Hindi kasi ako kumain sa bahay," aniya bago isubo ang kinakain.
Kumunot ang noo ng dalaga at tinukod ang dalawa niyang palad sa baba niya.
"Bakit kasi hindi ka kumain sa bahay niyo bago ka umalis?" she asked, full of concern.
Uminom muna ito ng tubig bago tumingin sakaniya. "Wala naman kasi kaming pagkain." Sa tono ng boses nito ay para bang sanay na sanay na siya sa doon.
Napa-ayos ng upo ang dalaga. "R-Really?"
Tumango ito saka sumubo muli. "Sorry ulit kasi inagaw ko pa 'tong pagkai-"
BINABASA MO ANG
Garden Of Hope (Paradise Series #1)
RomanceBeing the eldest in the family who owns the biggest Garden in Sta. Forrest is never easy. Santa has to be an exemplary role model for her sisters. That's why she's under her dad. Santa has many dreams in her life, but that dream is not what her dad...