C H A P T E R 1 0
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━Pagka-dismissed ng prof nila ay mabilis siyang nag-ayos ng mga gamit niya at tumayo.
"Wait Chrysanta," sabi ng isa niyang classmate niya at hinawakan pa siya sa pulsuhan.
Agad naman na sumama ang tipla ni Santa, hindi naman siya kailangan hawakan sa pulsuhan. Ayaw niya sa lahat ay hinahawakn siya bigla-bigla, mas lalo na kapag walang permiso galing sakaniya.
"Can you take your hand away from me?" seryosong tanong niya saka tinignan ang kamay nito na mahigpit na nakahawak sa pulsuhan niya.
"Oh, sorry," aniya at mabilis na binitawan ang pulsuhan niya.
"Akala mo kung sino," bulong niya habang naka tingin sa ibang direksyon.
Pinaningkitan ni Santa ito ng mata dahil kahit mahina ang pagkakasabi niya dito ay narinig pa rin iyon ng dalaga. Pinigilan niya lang ba siya para lang iparinig ang walang kwenta niyang sinabi.
"Is that all you're going to say?" sarkastikong tanong niya dito dahilan para naka-awang na mga labi itong humarap sakaniya.
"Hah?"
Hindi na napigilan ng dalaga ang pag-irap sa harapan nito. Nagsasayang lang siya ng oras sakaniya.
"Do I have to repeat?"
"N-narinig mo?" gulat na tanong nito saka tinakpan ang naka-awang na labi niya.
Matindi ang pagpipigil ng dalaga na huwag siya muling umirap dahil nahihilo na siya kung gagawin niya ulit iyon.
"Just proceed kung ano ang dapat mong sasabihin," inis niyang turan at inayos ang pagbuhat ng bag niya. Pasimple siyang tumingin sa pangbisig niyang relo. Halos isang oras at kalahati na ang nakalipas kaya siguradong naiinip na ang binata kakahintay sakaniya.
Sana lang ay hindi siya umalis doon.
"Meron kasi tayong group project about sa topic noong nakaraang linggo kay prof Kitty an-"
"Pwede bang i send mo na lang 'yung gagawin ko sa email ko and then mamayang gabi ko na isesend ang gawa ko, Is it okay to you?"
Napakurap pa nang ilang beses ang babaeng kaharap bago tumango. "Are you sure?"
"Mukha bang hindi ako sure?" Pang-gagaya niya kanina kay Milo.
Pinigilan niya ang sarili sa pagtawa sa harap nito dahil naalala niya na hindi pala siya pwedeng magpakita ng kahit anong emosyon sa harap nila.
"O-Okay..." Halata sa mukha nito ang pagkagulat ngunit hindi na iyon pinansin pa ng dalaga at agad na naglakad palayo dito.
Mabilis ang paglalakad niya at malalaking ang hakbang niya. Halos patakbo na siyang pumunta sa harapan ng library. Bumagal ang paglalakad niya ng makita niyang wala nang taong nakaupo sa harapan ng library.
Napalabi ang dalaga ng may kung anong sumuntok ng malakas sa puso niya. Naramdaman niya ang pag-init nang gilid ng magkabila niyang mata. Agad na tumingala ang dalaga at bumuga ng malakas na hangin.
Bakit 'nga ba kasi siya umasa? Hindi niya dapat sisihin ang binata kung bakit siya nasasaktan dahil siya ang umasa, mabilis siyang nagtiwala dito. Pero sisishin pa rin ang binata dahil pinaasa siya nito!
Malalim na bumuntong hininga ang dalaga at pinunasan ang gilid ng mata niya dahil naramdaman niya na pabagsak na ang luha niya doon. Gusto niyang suntukin ang sarili dahil sobrang tanga niya at nagtiwala siya sa lalaking iyon.
BINABASA MO ANG
Garden Of Hope (Paradise Series #1)
RomanceBeing the eldest in the family who owns the biggest Garden in Sta. Forrest is never easy. Santa has to be an exemplary role model for her sisters. That's why she's under her dad. Santa has many dreams in her life, but that dream is not what her dad...