P R O L O G U E
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━"Can't you stay here, mom?" Halos lumuhod na si Santa sa harap ng kaniyang mom para lang huwag na ito pumunta sa ibang bansa.
Humugot ng malalim na hangin ang mom niya saka hinawakan ang isa niyang kamay. "I want to stay on my baby's side, but I have to do something in Canada."
Ngumuso ang dalaga at umayos ng upo. "Hanggang kailan po ba kayo doon?"
Hinaplos nito ang pisngi niya at tinitigan siya gamit ang malamlam na mata ng kaniyang mom. May kung anong humaplos sa puso ng dalaga ng makita iyon. Mahal na mahal talaga sila ng mom niya, unlike her dad.
"Hindi ko alam kung hanggang kailan ako tatagal doon. Kaya alagaan mo ang mga kapatid mo," nakangiting bilin nito at hinawi ang pirasong buhok na humarang sa kaniyang mata.
Nakangiting tumango ang dalaga at hinila ang kaniyang mom upang yakapin ito ng mahigpit. Iniisip niya pa lamang na hindi niya na ulit makikita ang kaniyang ina ay pinipilipit na sa sakit ang dibdib niya. Ngunit wala na naman siya magagawa dahil kailangan rin umalis ang mom niya.
"Chrysanta Lily," malambing na sabi nito. Hilig na ng kaniyang mom ang laging banggitin ang buo niyang pangalan, ngunit kapag galit ito ay Santa ang tinatawag niya sa dalaga.
"Yes mom?" natatawang tanong niya saka pinunasan ang ilang butil ng luha na hindi niya na namalayang tumulo na pala.
"I love you," she softly said.
Hindi na napigilan ng dalaga ang paglabas ng masasagana at mainit na luha sa kaniyang makinis na pisngi. Agad niyang tinakpan ang mukha gamit ang dalawang palad. Hanggang ngayon ay nahihiya pa din talaga siya na umiyak sa harapan ng mom niya.
Nasanay kasi ang dalaga na umiyak mag-isa. Ang nakaka-saksi lang ng iyak niya ay mga kumot, unan at iilang teddy bears na maliliit na tinatago sa kwarto niya.
"Don't cry anak," nag-aalalang sabi ng kaniyang mom at tinanggal ang palad niya.
Nang matanggal nito ang palad ng dalaga at siya mismo ang nagpunas ng basa niyang pisngi gamit ang palad nito. "It breaks my heart whenever I saw you crying in pain."
"Sorry, mom," she sincerity murmured.
Umiling siya at sinapo ang magkabila niyang pisngi upang tignan siya ng dalaga.
"You don't have to feel sorry whenever you show your emotions to me or everyone," malambing na bilin niya at pinunaaan muli ang basang pisngi ng dalaga.
"But dad will be mad at me," she whispered. Her daddy taught to her not to show her genuine emotions to other people, even to her own family. She should just have a poker face.
"May sinabi kaba anak?"
Agad siyang umiling at tumayo na. "Sorry mom pero hindi po kita maihahatid sa airport bukas."
Bumuntong hininga ito saka hinawakan ang magkabila niyang kamay. "I understand. Basta ipangako mo sa'akin na mag-iingat kayo ng mga kapatid mo."
Pilit na ngumiti amg dalaga at niyakap muli ng mahigpit ang mom niya. "I love you so much, mom."
Hinaplos nito ang likod niya. "I love you too, Chrysanta Lily."
Napalabi siya at mariin na pumikit. Ito na ang huling yakapan nila ng mom niya, at siguradong mangungulila siya bukas at susunod pa na taon sa isang aruga ng isang ina. Siguradong gan'to rin ang nararamdaman ng mga kapatid niya, baka 'nga mas masakit pa dahil hindi nila aalis na bukas na alis ng mom niya.
"What are you two doing?" tanong ng pamilyar na boses.
Mabilis pa sa alas-katro na humiwalay si Santa sa yakapan nila at dumiretsyo ng tayo at humarap sa seryosong nakatayo sa pintuan.
"I will study now," seryoso niyang sabi. Hindi niya na hinintay pang sumagot ang dad niya at agad itong nilagpasan at dumiretsyo sa kwarto.
Nang mailock niya na ang pintuan ay hinayaan ni Santa ang likod niya na magpadausdos sa pintuan. Hinayaan niya lang ang mga masasaganang luha na lumimbis sa pisngi niya habang nakatulala siya sa labas ng bintana. Wala pa din nababasang emosyon ng dalaga ngunit ang mata niya ay punong-puno ng emosyon.
⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇
"Ate!"
Agad na dumilat ang dalaga at mabilis na sinuot ang cardigan, saka siya dali-daling lumabas.
"Why are shouting!?" inis niyang tanong sa kapatid niyang hindi maayos ang bubbles print na pantulog nito at magulo ang buhok, mukhang nagmamadali itong bumangon.
"Did you know that mom is in Canada right now!?" she asked while shouting.
Kung siguro ibang tao ang nasa harapan ng kapatid niya ay kanina pa nito siya sinampal dahil sa sobrang lakas ng sigaw nito, para siyang nakalunok ng sandamakmak ng speaker at mic sa lakas ng boses niya. Minsan 'nga ay siya na ang magiging alarm clock ng lahat dito tuwing umaga.
Humugot muna ng malalim na hangin ang dalaga saka inayos ang cardigan na suot. "Yeah, I know."
Bumagsak ang magkabila niyong balikat at nanunubig ang mga matang tumingala siya kay Santa. Matindi ang pagpipigil ng dalaga na huwag yakapin ang kapatid ng makitang bumagsak na ang luha nito sa maputi niyang pisngi.
Kumuyom ang kamao niya upang pigilan ang sarili na yakapin ang kapatid. Hindi niya ito pwedeng pakitaan ng kabaitan o kaawaan, iyon ang utos ng dad niya.
"You're so unfair ate," she whispered.
Pero narinig iyon ni Santa kaya parang may malaking kamao ang sumuntok sa dibdib niya. Agad siyang tumalikod upang maitago sa kapatid niya ang totoong emosyon niya.
Tumingala siya upang hindi tuluyang malaglag ang luha sa mga mata niya. Tama ang kapatid niya, she's unfair.
"Don't say that, ate Lea."
Agad siyang napalingon sa pwesto ng nagsalita. Nakapamulsa ang bunso niyang kapatid. Hindi katulad ng pangalawa niyang kapatid ay mas maayos ang itsura niya. Suot niyo ang buttercup printed na pantulog.
Sa tuwing nakikita niya iyon ay hindi niya maiwasang makaramdam ng inggit dahil sila ay parehas ng pantulog habang siya ay parang sobrang naiiba sakanila.
"May rason si ate Santa kung bakit hindi niya sa'atin sinabi na aalis ngayon si mom," makahulugang sabi nito at tumabi sa kapatid.
"Pero Rian kapatid niya tayo dap-"
"Paki-ulit na lang sa isipan mo ang sinabi ko kanina ate Lea," seryosong sabi nito at tinalikuran na sila.
Akmang kakausapin niya na si Lea ng tinalikuran niya na din ang dalaga. Napabuntong hininga na lang ang dalaga at tumitig sa dalawa niyang kapatid.
Sa totoo lang mas matanda mag-isip ang bunso niyang kapatid na si Rian kaysa sa pangalawa niyang kapatid na si Lea. Childish ito at makulit pero she have a kind heart. While Rian is a serious one but the sweetest.
"Ano pang tinatayo-tayo mo d'yan?"
Agad siyang napa-ayos ng tayo ng makita ang dad niya na nakatayo sa gilid niya. As usual ay naka office attire ito at sobrang seryoso ng mukha.
"Kumain ka na nang agahan at mag-aral ka. You will turn to college kaya dapat isubsob mo ang sarili mo sa pag-aaral. Kung kailangan mong hindi matulog at hindi kumain ay huwag mong gawin. You should put your study in first priority. Ayoko sa lahat ang pinapahiya ang apelyedo ko."
BINABASA MO ANG
Garden Of Hope (Paradise Series #1)
RomansaBeing the eldest in the family who owns the biggest Garden in Sta. Forrest is never easy. Santa has to be an exemplary role model for her sisters. That's why she's under her dad. Santa has many dreams in her life, but that dream is not what her dad...