C H A P T E R 4 8
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━"W-What's that?" kinakabahan niyang tanong sa sarili.
Napahawak si Santa ng mahigpit sa pantulog niya ng halos tambulin nang drum stick ang puso niya habang dahan-dahan siyang naglalakad papunta sa pintuan ng kwarto ng mga magulang.
Nang makita niyang may uwang ng kaunti ang pinto ay nagsimulang manginig ang tuhod niya. Naghahalo na ang takot ag kaba sa puso niya.
Hindi niya alam kung bakit ganu'n ang nararamdaman niya habang palapit ng palapit sa pintuan ng kwarto nila. Pero kutob niya na may masamang nangyayari sa loob 'nun.
At kailangan niyang mapigilan iyon.
May kung anong-ano nag pasukan na negatibong sa isip niya. Katulad na lamang paano kung pinapatay na pala ng dad nila ang mom nila, o hindi kaya nilalatigo rin nito ang likod ng mom niya. O hindi kaya ni rape nito ang mom niya?
Palihim siyang humugot ng malalim na hangin mula sa dibdib. Kumuha siya ng sapat na lakas upang buksan ang pintuan ng kwarto nila.
"You can do it," bulong niya sa sarili habang tinatapik ang dibdib niya na sobrang lakas na ng kabog.
Sa ilang minuto niyang pagpapakalma sa sarili ay sa wakas nakakuha rin siya ng sapat na lakas upang dahan-dahang buksan ang pintuan.
Tumigil kaagad ang pagtibok ng puso ni Santa ng makitang nakatalikod sakaniya ang mom niya habang ang dad niya naman ay may unan na hawak. Para nitong prino-protektahan ang sarili gamit ang unan na iyon.
"Stop doing this, Savannah," nagsusumamong sabi ng dad niya habang lumilinga sa likuran niya.
Kumunot naman ang noo ni Santa dahil doon. Ngunit agad niyang nasapo ang umuwang na labi ng makitang naglakad palapit ang mom niya sa dad niya. At doon nasilayan niya na may hawak pala ito na malaki na kutsilyo na nakatutok sa dad niya.
"I don't want," seryosong sabi nito saka tinagilid ang ulo.
Mas lalong tinambol ng paulit-ulit ang puso ni Santa ng may kakaibang boses ang mom niya ngayon. Wala na ang malambing, inosente at mapagmahal na Savannah.
Agad umiling ang dad niya na para bang nababasa ang tingin sakaniya ng mom niya at mabilis na kumuha muli ng isa pang unan, saka ito hinarang sa katawan niya.
Gustong sumigaw ni Santa ng 'Are you dumb? The pillow will not protect you, stupid.' Pero hindi niya magawa dahil hindi pa rin nawawala ang kaba at takot sa puso niya.
Ngayon ay gulong-gulo na ang utak niya kung sino ba dapat ang iligtas niya. Ang mom niya o ang dad niya.
Palihim niyang tinitigan ang dad niya. Sa totoo lang ay gusto niya oang pukpukin ang sariling ulo upang sabihin sa sarili na totoo ang nakikita niya. Unang beses niyang nakita ang dad niya na puno ang takot malamig at seryoso niyang mga mata.
Napakuyom na lang ang kamao niya ng mas lalong gumulo ang isip niya. Hindi niya na talaga alam kung sino ang paniniwalaan niya.
"Come here, Sage. Don't be scared on me-"
"Umalis ka sa katawan ng asawa ko! Umalis ka, Rue!" malakas na sigaw nito at hinagis ang isang unan na hawak niya. Ngunit agad iyon naiwasan ng mom niya.
Hindi makapaniwalang tinitigan niya ang dalawa. What does mean? Nasaniban ba ang mom niya!? At ang pagkaka-alala niya ay ang pangalang 'Rue' ay second name ng mom niya.
Biglang tumawa ang mom niya. Biglang nanginig ang tuhod niya at tumindig ang balahibo niya ng lumakas ito ng paunti-unti.
"Oh, come on Sage. Ayoko pa umalis sa katawan ng asawa mo. Masyado kasing mahina si Savannah kaya hinahayaan ka lang niyang manipulahin mo siya. Pero ako, you will never manipulate me, my dear Sag-"
BINABASA MO ANG
Garden Of Hope (Paradise Series #1)
RomansaBeing the eldest in the family who owns the biggest Garden in Sta. Forrest is never easy. Santa has to be an exemplary role model for her sisters. That's why she's under her dad. Santa has many dreams in her life, but that dream is not what her dad...