Chapter 38

32 3 0
                                    

C H A P T E R 3 8
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"Santa..."

Agad siyang napalingon sa likuran niya ng may pamilyar na boses ang nagsalita. 

"Tita Sequoia."

Bumuntong hininga ito sa tumabi sakaniya at hinawakan ang kamay niya.

"Nalaman na namin kung sino ang gumawa nito kina Rian, Lea at Tina."

Nanlalaking matang nilingon niya si Sequoia. Sa totoo lang ay nagulat siya dahil doon dahil ang buong akala niya ay aabutin pa ng ilang buwan ang paghahanap ng taong tumulak sa tatlo. 

Lumakas ang kabog ng dibdib niya ng makaramdam siya ng kakaibang kaba. Hindi alam ngunit ngayon ay nararamdaman niya ang matinding kalungkutan. Na dapat ay mas lalong tumindi ang galit niya.

Malalim siyang bumuntong hininga upang mapakalma ang sarili. 

"S-Sino po?" 

"Handa ka na ba?" nag-aalalang tanong nito saka hinagod nag likod niya. 

Dahil sa kinilos ng tita niya ay mas lalo siyang kinabahan sa hindi malang dahilan. 

Why am I feeling like this? Like I'm losing someone I'm close to?

Humugot ng malalim na hangin ang dalaga mula sa dibdib at tumango. "Yes, tita." 

Bumuntong hininga muna ito saka binuksan ang laptop na dala saka hinarap sakaniya. Mahigpit siyang napa kapit sa dress na suot niya ng makita ang cctv nila na sa may bandang taas. Ang tanging kita lamang ay kalahati ng hagdanan at ang hallway sa may second floor. 

Agad niyang kinagat ang labi niya ng makita ang tatlo na umaakyat. Nanlaki ang mata niya ng makita si Saddy na naglalakad sa hallway. May namuong ideya sa isip niya ngunit agad siyang umiling upang maalis 'yun. 

No, It can't be. 

Tumigil ang tatlo sa may kalagitnaan ng hagdanan at tumigil din si Saddy sa paglalakad. Ngayon ay magkakaharap na silang tatlo. Mukhang nag-uusap silang dalawa ni Saddy at yaya Tina habang ang dalawa niyang kapatid ay kunot-noo lang nakikinig. 

Sabay nagulat ang dalawa ng biglang nilagay ni yaya Tina sa likuran niya ang mga kapatid niya. Unti-unting nanlaki ang mata ni Santa ng makitang mabilis na bumaba si Saddy. Hindi na nagawa ni yaya Tina na alalayan ang dalawa sa pagbaba dahil biglang hinila ni Saddy si yaya Tina paharap sakaniya. 

Mukhang nagsisigawan sila kaya hinihila ng dalawa ang yaya Tina nila palayo kay Saddy. Malakas na napasinghap si Santa ng makitang tinulak ni yaya Tina si Saddy kaya agad napaupo si Saddy sa hagdanan. Tinake na ni yaya Tina ang chance na 'yun upang makatakas. 

Bahagya siyang lumapit sa screen ng makitang nawala na ang tatlo sa cctv. Mas lalong kumunot ang noo niya ng mawala na rin si Saddy sa camera dahil bumaba na siya pero kita niya ang kamay nito ay nakahawak na sa balikat ni yaya Tina.

"What happened next?" nag-aalalang tanong niya ng mawala na ang cctv sa screen. 

"Siya na ang naging suspect dahil siya ang huling nakita sa cctv," paliwanag niya at sinarado na ang laptop. 

Naiwan namang nakatulala si Santa sa kawalan. What the heck was she just watch? Bakit si Saddy iyon. Hindi matanggap ng dalaga na si Saddy ang naging suspect ngayon. 

Parang may malaking bato na nalaglag sa puso niya ngayon. Ang tinuring niyang parang nakakatandang kapatid, ang taong laging naging sandalan niya at lagi niyang hinihingian ng tulong tungkol sa mga kapatid niya ay siya mismong magtra-traydor sakaniya ng ganu'n. 

Garden Of Hope (Paradise Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon