Chapter 22

32 2 0
                                    

C H A P T E R 2 2
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"So, why are you here," malamig na tanong niya at umayos ng upo. 

Malakas na pinatunog nito ang daliri saka malakas na pumalakpak. "Ayun! Muntik ko nang makalimutan 'yung sasabihin ko. Si Hazel kinukulit si Milo doon sa loob ng faculty ni mareng Hannah." 

Agad napatigil ang dalaga sa pagsandok ng salad niya. Tinitigan niya ito ng ilang minuto. Pupuntahan niya ba si Ms. Hannah? Pero baka mauwi sa away iyon. Sigurado siyang mauuwi sa away iyon dahil alam niya kung gaano kadumi mag-isip ang mag-inang iyon. 

Nagkibit-balikat siya saka pinagpatuloy ang pagkain niya. "Milo can handle those two."

Agad na tumabi si Shila sakaniya nang naka-awang ang mga labi. "Hahayaan mo lang doon si Milo!? Paano kung bigla gasahain ni Pepper 'yung boyfrie-" 

"He's not my boyfriend. And I know Milo can handle that. I trust him," she firmly said. 

Sabay-sabay nalaglag ang panga nilang apat dahil sa narinig. 

"Pwede nang mag-asawa si San-San," nakangising sabi ni Poppy saka mahinang pumalakpak. 

"Kung lalaki lang ako San-San, baka hindi na kita tinigillan hanggang sa mapasa'akin ka," nakangising dagdag pa ni Pepper. 

Nang nag-angat si Santa ng tingin ay sana hindi niya na lang ginawa. Bigla na lang siyang malagkit na tinignan ni Pepper at kinindatan siya. 

"What the fuck are you doing?" inis na sabi nita dito at iling na yumuko muli upang kumain. 

"Kung may pag-asa ako sa'yo, why not d'ba??" mapang-asar na sabi nito, pero meron din doong kaseryosohan 

"Wala ka nang pag-asa, ulol. MiSan lang endgame mga tanga!" malakas na sigaw nito dahilan para panlakihan siya ng tingin ni Santa. 

"MiSan your face Shila," inis niyang sabi at mahinang tinapik ang hita. Palihim niyang tinigman ang mga taong nakapaligid sakanila. 

At sa inaasahan ang iba doon ay nagbubulungan habang ang iba ay walang pakielam. 

"MiSan ampota. Ang panget naman," inis na bulong ni Saddy sa umirap. 

"Cute 'nga pakinggan eh. Anong gusto mo SanSad?" nakangiwing sabi ni Pepper. Niyakap nito bigla ang sarili na para bang kinalibutan. "Gago, ang pangit pakinggan."

"SanSad? Mas maganda 'yung MiSan," nakangising dagdag ni Poppy. 

Ngumuso naman ng mahaba si Saddy. "Parang hindi 'to mga kaibigan."

"Sinong nagsabing kaibigan ka namin?" mapang-asar na tanong ni Pepper.

"Sorry ha? Gan'to lang ako eh," malungkot na sabi niya habang nakasapo sa dibdib niya. 

Napailing na lang ang dalaga at akmang susubo na ng huling subo ng salad nang may biglang humila sa braso niya. 

"What the-" 

"Sa ayaw at sa gusto mo pupuntahan na'tin doon si Milo! We will save him!" sabi niya na puno ng pagkadesidido. 

Tumingin siya sa pwesto ng pinsan niya ngunit naka ngisi lang sila na para bang natutuwa sa nasasaksihan.

Garden Of Hope (Paradise Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon