C H A P T E R 2 5
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━Gulat na napalingon siya sa likuran niya nang marinig ang malutong na mura.
"Shila!?"
"Ms. Ceo!"
Muntik ang matumba ang dalaga nang yakapin siya nito ng sobrang higpit, halos masakal na 'nga siya sa sobrang higpit.
"Na miss kita nang sobra-sobra, Ms. Ceo!" tili niyang sabi habang tumatalon-talon pa.
Para silang hindi nagkita mg isang taon. Nakangiwing tinapik-tapik ng dalaga ang likuran niya.
"C-Can y-you p-please s-stop c-chocking me?"
"Huh? Hindi naman kita sinasakal," inosente niyang sabi. Muntik na siyang mabatukan ng dalaga, kung hindi niya lang pinigilan ang sarili.
Hinawakan niya ang magkabilang braso nito na nakapulupot sa leeg niya.
"S-Sinasakal m-mo k-ko," inis na sabi niya. Malakas siyang napabuga sa hangin ng mabilis itong humiwalay sakaniya.
"Sorry," nakangiwing sabi niya habang nakatitig sakaniya.
Mahina siyang umubo at umayos ng tayo. "Where's Milo?"
Bigla ito ngumisi at tinaas-baba ang magkabilang kilay. "Bakit? Na miss mo?"
Lumunok ang dalaga at agad nag-iwas ng tingin. Yes, she misses him so damn much.
"H-Hindi," bulong niya saka kumamot sa ilong niya.
"Talaga?" puno ng pang-aasar ang boses nito kaya mas lalong napangiwi ang dalaga.
"T-Talagang-talaga-"
"Really?"
Napatalon sa gulat ang dalaga nang may pamilyar na baritonong boses ang bumulong sa mismong tenga niya. Pati ang mainit nitong hininga ay tumama sa balikat niya!
"Sa nakikita ko ngayon sa mga mata mo nagsi-sinungaling ka lang," nakangising sabi niya ngunit halata sa boses nito ang sobrang kaseryosohan.
Halos tumayo na ang lahat ng balahibo sa katawan ni Santa dahil sa naramdamang kilabot. Hindi niya matukoy kung galit ba ito o malungkot.
"A-Ahm..." Walang ano mang salitang lumabas sa bibig niya kaya mas lalo siyang kinabahan. Base na rin sa paraan ng pagtitig sakaniya ni Milo.
Masyado siyang nakaka-intimidate kung makatingin. para bang lahat ng kasulok-sulukan ng mukha niya ay hindi nito papalagpasin.
"Can you leave us, Shila?" she coldly demanded.
"My pleasure."
Seriously!? Iiwan niya kami dito!? No!
Akmang hahabulin na naman niya ng tingin si Shila ng may humawak sa magkabila niyang pisngi upang pigilan siya.
"Look at me."
Gusto niyang mag-iwas ng tingin sa purong itim nitong mata, dahil alam niya na kapag nakulong siya sa mapagmahal na tingin nito ay hindi na siya makakalaya pa.
Hindi niya pwedeng isugal ang pagmamahal ni Milo sakaniya para lang maging proud sakaniya ang dad niya. Alam niya simula't-sapul na kapag nagagawa niya nang tama ang mga inuutos ng dad niya ay magiging proud ito sakaniya.
But Santa hates when her dad is proud of her. Because she knows when her dad is proud of her, there's something terrible always happened that Santa will regret that she does that thing to make her dad proud of her.
BINABASA MO ANG
Garden Of Hope (Paradise Series #1)
RomanceBeing the eldest in the family who owns the biggest Garden in Sta. Forrest is never easy. Santa has to be an exemplary role model for her sisters. That's why she's under her dad. Santa has many dreams in her life, but that dream is not what her dad...