C H A P T E R 1 2
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━"Ayos ka lang ba San-San!?" nag-alalang tanong ni Pepper saka mahinang tinapik ang balikat niya.
Napakurap ng ilang beses ang dalaga at wala sa sariling lumingon siya sa katabi. Napakurap muli siya ng ilang beses nang makitang nakakunot ang noo ni Pepper habang titig na titig sakaniya.
"H-Hah? M-May s-sinasabi k-ka b-ba?" balik na tanong niya dito. Malalim itong bumuntong hininga saka masuyong hinawakan ang kamay niya.
"May nangyari na naman ba?" seryosong tanong niya. Alam ni Santa ang tinutukoy nito kaya malalim siyang napabuntong hininga.
Isang araw na ang nakalipas noong nangyari amg pagtapon ng cake ng kaniyang dad sa harapan nila ngunit hindi niya pa rin iyon makakalimutan. Siguro ay habang buhay ay hindi niya iyon malilimutan, kahit sa panaginip ay dadalawin siya 'nun.
Malalim na bumuntong hininga muna si Santa saka dumiretsyo ng upo. "I'm not okay but, I will be fine."
Alam niyang hindi siya makakapagsinungaling muli kay Pepper kaya mas pinili niya sabihin ang totoo niyamg nararamdaman. Pero hindi niya sasabihin ang nangyari kung bakit siya nagkaganu'n. She will keep it by herself only.
"Why? What happened!?" nag-alalang tanong ni Saddy na kakasulpot lang.
At sa nakasanayan ay umupo ito sa harap nilang dalawa. Bumaba ang tingin ng dalaga sa nakabukas na baunan niya na may lamang salad. Hindi niya iyon nagalaw kanina pa kaya umiikot na sa taas nito ang mga lamok.
Humugot ng napakalalim na hangin ang dalaga saka binuhat ang baunan at diretsyong tinapon iyon sa basurahan. Tinitigan niya ang salad na nasa basurahan, bigla siyang nakaramdam ng kosensya.
Dapat pala hindi niya na lang tinapon iyon. Pero ano naman ang gagawin niya? Hindi niya na rin naman makakain iyon dahil nakatiwangwang na iyon kanina pa, at kapag binigay niya naman iyon sa mga batang lansangan ay mas lalo siyang makakaramdam ng pagkonsensya dahil madumi na iyon tapos ibibigay niya pa sa mga bata.
"Hey."
"Ay bata!" malakas na sigaw niya saka sinapo ang dibdib niya na halos kumuwala na doon ang puso niya dahil sa pagkagulat.
"Ayos ka lang ba?" takang tanong ni Poppy habang sinisipat ang buong katawan niya.
Nakangiwing tumango siya at agad na umupo muli sa upuan niya.
"Here, baka magutom ka pa," sabi ni Pepper habang nakalahad sakaniya ang isang tupperware na may lamang kanin at manok ng jollibee.
Napalunok siya nang mahalatang manok iyon ng jollibee. Hindi siya pwedeng umoo, baka hindi niya mapigilan ang sarili at araw-arawin niya ang manok na iyon at lahat ng pagkain ng jollibee.
Akmang magsasalita na siya nang biglang malakas na kumulog ang t'yan niya. Nakagat niya na lang ang pang-ibabang labi niya dahil sa kahihiyan. Bakit ba naman kasi hindi nakisama sakaniya ang t'yan niya!?
Mahinang natawa si Pepper saka binuksan ang tupperware para sakaniya, dahilan para maamoy niya ang mabango at masarap na natural na amoy ng manok. Jollibee na jollibee!
"Kumain ka na lang. Wag mo ng kawawain 'yang t'yan mo," natatawang sabi ni Pepper saka inagaw kay Saddy ang chips na hawak-hawak.
"Ang dami-daming chips na nasa lamesa tapos 'yung binuksan ko pa 'yung kinuha mo!" inis na sigaw ni Saddy saka inirapan siya. Agad naman siyang iniripan pabalik ni Pepper.
"That's the point! Nabuksan mo na 'to kaya kinuha ko na. Masyado na kong tinatamad magbukas ng chips," nakangising sabi niya at tumingala upang makain niya ang dinukot niyang chips gamit ang buong palad niya.
BINABASA MO ANG
Garden Of Hope (Paradise Series #1)
RomanceBeing the eldest in the family who owns the biggest Garden in Sta. Forrest is never easy. Santa has to be an exemplary role model for her sisters. That's why she's under her dad. Santa has many dreams in her life, but that dream is not what her dad...