Chapter 18

37 2 0
                                    

C H A P T E R 1 8
━━━━━⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇━━━━━

"Sorry na late ako," hingal nitong sabi habang nakahawak sa magkabila niyang tuhod. 

Tipid na ngumiti ang dalaga. Hanggang sa maari ay lilimitahan niya lang ang paglalabas niya ng emosyon tuwing kaharap ang binata. Dahil alam niyang hindi niya na maitatago ang emosyon niya dito. 

Tinapik-tapik ng dalaga ang likod nito ng mahina. "Don't worry, sakto ka lang sa time." 

Gusto niyang tawanan ang sarili dahil talagang nag ta-trying hard siya maging conyo kahit hindi naman talaga siya conyo. Lagi niya kasing naalala na 'he loves conyo girl. '

"Kanina mo pa ba ko hinihintay?" nag-alalang tanong nito saka umayos ng tayo. 

Yes, kanina pa siya naghihintay. Binigalan pa 'nga niya ang lakad niya para lang magkasabay kayo. 

Umiling siya. "No, kakarating ko lang din dito." 

Kumunot ang noo ng dalaga ng makitang unti-unting gumuhit ang ngisi sa kabi nito. Don't tell me nagkasalubong sila ni Pepper sa baba!? 

Kunot-noo lang siyang nakatitig dito ngunit sa loob-loob niya ay nagpa-panic na siya. Nahihiya siyang aminin dito na hinintay niya talaga ito kanina pa. 

"Try harder, Lilyshi," nakangising bulong niya mismo sa tenga nito. Dahilan para magtaasan ang balahibo niya. 

Akmang magsasalita na siya ng maramdaman niya na bumaba ang mainit nitong palad sa pulsuhan niya at masuyong hinila na siya papasok sa room. 

Nakatitig lamang si Santa sa likurang buhok ni Milo habang naglakakad sila kung saan. Hindi niya maiwasang magtanong kung bakit ngayon lang sila pinagtagpo ni Milo, pwede namang dati pa. 

"Chrysanta, kaano-ano mo si Pomilo?" tanong ng isang matinis na boses dahilan para nabalik sa reyalidad ang dalaga. 

Wala sa sariling humarap siya sa walang mata na babae dahil sa malawak na pag-ngiti nito. "What?" 

"Ang sabi ko kaano-ano mo si Pomilo?" Halata sa boses nito ang inis. 

Palihim na umirap ang dalaga. Why did she even ask Santa? Pwede namang si Milo na lang mismong pagtanungan niya 'nun. Dahil maski siya hindi niya alam kung ano ang turingan nilang dalawa. 

 Nagkibit-balikat lang siya. "I don't know." 

Ngayon niya lang namalayan na nasa loob na pala sila ng room at nakaupo na sila sa swivel chair. May mahabang puting lamesa sa gitna nila at may siyam na tao na doon, kasama na silang dalawa. 

"What do you mean na hindi mo al-" 

"Asked him instead." 

Pinag-krus niya ang mga braso at sinandal ang likod sa upuan saka pumikit. Wala pa naman ang prof na mag tutor sakanila at kulang pa ng isang student kaya pwede pa siyang pumikit. 

Ang tutor na ito ay para lamang sa mga istudyante na gustong mag advance study at gustong madagdagan ang grades nila. Kaunti lang ang mga istudyante na sumali dito dahil kailangan talaga na tutok ang buong atensyon mo dito dahil kapag bumagsak ka ay wala ng magagawa kung hindi umulit muli. 

"Friend with benefits," sabi nito na may pagmamalaki sa boses dahilan para mapadilat si Santa. 

"What the heck are you saying?" bulong niya kay Milo. Natatawang humarap sakaniya ito at kinurot ang tungkil ng ilong niya. 

"Edi magka m.u-" 

"Magkaibigan lang talaga kami." Putol niya dito at pinanlakihan ng mata ng akmang masasalita pa ito. 

Garden Of Hope (Paradise Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon